Naytin ! :)

9.5K 353 5
                                    




( Dice P.O.V )

Pagkatapos namin magsimba ay napagkasunduan ng tropa na magtungo na sa mall, medyo may kalapitan lang naman dito sa Simbahan kaya naman ay naglakad na lang kami.

Tahimik lang akong naglalakad at nakasunod lang mula sa likuran nila, sa totoo lang ay sinadya ko talagang magpahuli dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang matinding ilang dahil dito sa isa naming kasama.

Bakit ba kasi ako nagkakaganito!
Parang apektado ako sa kanya!

.
.
.
.

"Huy! Seryoso? Anyare? " Sita ni Charie dahilan upang mapahinto ang lahat sa paglalakad at ibinaling lahat ng tingin sa akin maliban na lang doon sa isa na nanatiling lang nakatalikod.

"W-wala lang! Sige lakad lang! " Aniko at binigyan ko lang sila ng pilit na ngiti. Agad naman akong nilapitan ni Arthur at inakbayan ako bago nagsalita.

"Tara , Sabay tayo? " Aniya at ngumiti at tinugon ko lang siya ng ngiti at Nagumpisa na ulit maglakad ang lahat.

Pagdating sa Mall ay agad naman kaming nagtungo sa isang fast food chain, Nakaramdam na kasi ang lahat ng gutom, Alas nuebe na kasi at wala pang nag agahan sa amin.

Pagpasok namin ay nauna na kami nila Jaja at Charie para makahanap ng mauupuan,  samantala sila Arthut at si Hambog naman ang pumunta sa counter para makapag-order.

Isang mahabang lamesa ang napili namin at malapit ito sa window glass at tanaw mo ang mga taong nagdaraan.

Habang naghihintay kami sa pagdating nung mga umorder nang biglang magsalita si Jaja.

"Alam mo parang hindi ikaw ang kaibigan kong si Dice. " Aniya at ipinuwesto ang kamay nito sa kanyang baba at tinignan ako na parang na ngingilatis .

Napalunok na lang ako sa sinabi ni Jaja. Mukha na papansin na nito ang pagiging balisa ko.

"Tama ka Ja, Parang hindi ko na siya kilala. " Pagsang-ayon ni Charie kay Jaja. Napahinga na lang ako ng malalim sa mga sinabi ng dalawa. Para akong nasa hot seat!

"A-ano bang pinagsasabi nyo, Ang dami nyong napapansin, Alam nyo gutom lang yan." Mabilis kong tugon kay sa kanila,  I'm sure kapag hindi ko sila tinugon at nakita nilang tensyonado ako ay hindi nila ako tatantanan. Kung sinuswerte ka nga naman sa mga kaibigan.

Ibinaling ko na lang ang paningin ko sa labas ng fast food chain at pinanuod ang mga taong naglalakad sa labas.

Halos tatlong minuto din bago dumating ang dalawa, nang mailapag na nila ang mga in-order nila ay Agad naman nagtungo sa tabi ko si Arthur at yung hambog naman ay nandito sa harapan ko katabi ni Jaja at Charie.

Magkahalong ilang at kaba ang naramdaman ko habang kasalukuyan ang pagkain namin.
Halos hindi ako makapag focus sa kinakain ko.

May mga times kasi na nahuhuli ko ang tingin nya sa kin, ako naman ay panay naman din ang iwas sa mga tingin nya.

Pakiramdam ko matutunaw ako sa twing nakatingin ito sa akin.

Hayyy..  Buhay..

( Seb P.O.V )

Pasimple ko lang syang tinitignan bahang abala ito sa pagkain. Ewan ko ba kusang dinadala ang mga mata ko papunta sa kanya, Mahirap ipaliwanag pakiramdam ko ay parang may kung anong tumutusok sa dibdib ko kapag malapit ito sa akin, nagsimula ang nararamdaman kong ito ng yumakapin ako nito ng nakaangkas ito sa motor ko and mas lalong nagulo mula ng ay maganap na sa pagitan naming dalawa.

Kakaiba ang kabog ng dibdib ko,  nung una ay akala ko dahil nasa impluwensya lang ako ng alak ng mga oras na yun, pero hindi ko ma-explain kung bakit hanggang ngayon ay ganito pa rin ang hatid sa akin ng Probinsyanong to.

MR.PROBINSYANO (Meets) MR.ANTIPATIKO (BROMANCE COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon