( Seb's P.O.V)
" One more please." Ani ko sa waiter at iniabot uli ang alak. hindi mawala sa isip ko yung baklang probinsyanong yon, i don't know why. hindi maalis sa isip ko yung nakita ko kanina.
first nung nasa Campus kami, nang kumanta ito. i feel so weird, parang may nagsasabi sa loob ko na naa-attract ako sa boses nito.
he turn me on!
What the hell! nababakla ba ako sa kanya? Erase! Erase! hindi ganon, siguro nagagandahan lang ako sa boses nya, Ganon lang siguro kapag musician ka! yes, of course i love music, tama ganon nga! wala ng iba.
hindi na sya na waglit sa isip ko mula kanina..
( Flashback)
habang naglalakad ako pauwi nang makarinig ako nang isa tinig, napaka pamilyar nito na curious ako kaya marahan akong nagtungo kung saan nag mula ang tinig, pero hindi ko inaasahan ang makikita ko, Anong ginawa ng probinsyano na ito dito?
sunod ko naman nakita si Jules at ang mga tuta nito. taga kabilang Campus at isa sa mga mahigpit kong kalaban mukhang si Igorot ang naisipan pagtripan ng mga ito..
"bagay lang yan sayo! dahil na pornada ang plano ko, may kapalit agad para sayo, kung sinuswerte ka nga naman! " ani ko sa isip ko, tatalikod na sana ako nang marinig kong magsalita ang baklang igorot dahilan para mapahinto at ibaling ang paningin ko sa kanya.
"Please, Balik nyo na yan! parang awa nyo na! inipon ko pa yan para maipadala sa mga kapatid ko, please lang! " pag mamakaawa nito at tumulo ang mga luha nito.
(end of flashback)
para akong tinusok sa puso nang nakita ko itong lumuluha at nagmamakaawa, para akong nakonsenya..
Until now.. No way! hindi pwede, naawa lang siguro ako sa kanya, mahirap na nga sila, ma-hohold up pa?
pero hindi ako titigil na pagtripan sya! Lalo na ngayon, He's my Slave!
at hindi ko mapigilan ang mapahalakhak sa tuwa.napansin ko na nakatingin na pala ang mga tao dito sa bar. Langya !
mukhang napalakas ang halakhak ko, nagmukha tuloy akong baliw!
...
( Dice P.O.V)
pabalikwas-balikwas ako sa higaan, hindi ako makatulog, hanggang ngayon ay hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina, hindi mawaglit sa isip ko yung antipatikong yon!
kahit pala papaano ay may kabaitan itong tinatago sa katawan nito, hindi ko talaga lubos isipin ang isang katulad nya na barumbado, Mayabang at masungit ang magliligtas sa akin..
At ang isa pa na nagpapagulo ng sistema ng utak ko, yung sinabi nito.
"I don't need your thank you! lahat ng bagay sa mundo may kabayaran, kaya whether you like it or not, from now on you are my Slave! "
Seriously? kailangan kong maging alipin nito dahil sa pagtulong nito sa akin!? Nako naman!
napabalikwas naman ako sa kanan nang makita ko na mahimbing naman ang tulog ni Arthur, naabutan ko nang tulog ito pag-uwi ko, marahil pagod dahil madalas ang pagiinsayo nito, yan din ang dahilan kaya ayaw ko sa sports, nanahingal at nakakapagod, napakapayapa nang mukha nito, now i realize na mas gwapo pala sa malapitan si Arthur, yung gwapo na hindi nakakasawa, maganda ang panga-ngatawan, mabait, matalino at dahil sa mga katangian nito kaya maraming nagkakagusto sa kanya.
iniwas ko nalang ang pangin ko kay Arthur at pinikit ko ang aking mga mata matapos makaramdam ng pagbigat ng talukap ng mga mata ko..
.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
MR.PROBINSYANO (Meets) MR.ANTIPATIKO (BROMANCE COMPLETE)
Romance( Author's Note ) Maraming salamat po sa mga sumuporta sa (ZBOL) Grabe ang sarap sa pakiramdam na kahit papaano ay may nakaka appreciate sa story ko i hope kasama ko pa rin sa 2nd Story ko. Heto po. MR.PROBINSYANO MEET'S MR.ANTIPATIKO Isang bromance...