( Dice P.O.V )Naging abala ang lahat, Ang dami kasing Quiz na ibinigay sa amin, medyo nakaka-stress.
panay naman din ang sulyap ko kay Arthur, hindi pa din mawaglit sa isip ko yung mga sinabi nya sa Kopi Syap at eto naman sila Jaja, Charie at Chiyo ay panay din ang kantiyaw, ang sasarap lang pagkukutusan sa tagiliran.
Nawala ako sa pag-iisip nang may napansin akong papel na inihagis sa akin, sinundan ko naman agad ito ng tingin kaso hindi ko alam kung kanino galing dahil nakayuko ang lahat at abala sa pagsagot sa mga papel nila.
kinuha ko naman agad ang papel at binukasan at may nakasulat dito.
( Hoy, bakla na Igorot! Alas-siete ng Gabi sa harap ng Campus mamaya. )
Yan ang nakasulat sa papel, At alam ko kung kanino galing ito. Agad ko naman sinulyapan ang nakakabwisit na kulugong mayabang. Nakatingin lang ito sa malayo habang may nakasalpak na Ear phone sa kanyang mga tenga, Ano kayang plano ng Antipatikong ito ? at kaylangan ko pang magtungo sa harap ng Campus ng alas-siete ng gabi?
napabuntong-hininga nalang ako, Ano kaya ang gagawin ko? I'm sure, kalokohan nanaman ang gagawin noon sa akin at kapag hindi naman ako nagpunta doon siguradong magagalit yon at baka ituloy nya ang banta nya sa akin na ipatatanggal nya pa ang scholarship namin ni Jaja at hindi ko hahayaan mangyari yon!! Nakakaasar naman.
.
.
.Dumaan ang mga subjects at Vacant pero hindi pa din maalis sa isip ko yung nakasulat sa papel na galing kay Antipatiko! Nakakaasar.. sa ayaw at sa gusto ko dapat akong pumunta doon wala na akong Choice.
Wala ako sa katinuan habang naglalakad ako papuntang Music room para makapaginsayo, si Chiyo naman ay maagang nagpaalam, umuwi dahil masama ang pakiramdam nito kaya hindi sya makakarating sa practice.
pagpasok ko pa lang ng Music room ay sinalubong ako ng bati ni Aika.
"Hi Dice, buti naman maaga aga ka dahil ngayon ang dating ng magiging mentor natin. " Ani Aika.
"Buti naman. " maikli kong tugon at ngumiti.
"Okey, listen guys! So magsi-upo muna kayong lahat, para maipakilala ko sa inyo ang magiging mentor natin for this school year. " Ani Aika. Sumunod naman ang lahat at maging ako ay umupo na.
ilang sandali pa'y dalawang lalaki ang pumasok sa loob yung isa 5'6 ang taas, maganda ang pangagatawan, Medyo singkit din ang mga mata, Nasa 20-23 siguro ang idad, yung isa naman, napaka feminine ang mukha nito, maamo ang mukha at may makakapal na pilik mata, Nasa 18-20 ang idad. pareho silang gwapo.
napuno ng bulungan ang buong music room, lalo na ang mga babae parang kinurot sa singit napakaingay!
"Okey Guys! finally, sila ang magiging mentor natin. " Ani Aika. Agad naman namin binati ang dalawa.
"Hello Guys! musta? bago ang lahat hayaan nyo munang magpakilala kami sainyo. i'm Winnston Mc bride, Ang magiging mentor nyo at pwede nyong tawaging Winns! ito naman ang pinakamamahal kong Bunso. " Aniya. ngumiti ito at inakbayan yung tinawag nitong bunso. lalong lumabas ang ka-gwapuhan nito grabe! kung nandito si Chiyo kanina pa namaos yun kakatili!
"And ako naman si Zyk Valdomar, Ang magiging Assistant ng Kuya ko!" Masiglang Bati naman nung feminine ang mukha, And Confirm member rin ito ng Lgbt, malakas kaya ang sensor ko. Magkapatid ba sila? Grabe parang ang sweet lang nilang tignan.
nang matapos na ang pagpapakilala ay in-announce na nila ang magiging Activity namin, narinig ko na magkakaroon ng maliit na competition dito sa Campus, Duo ang theme up ng Activity, kaya naman inumpisahan nila ang pagpili.
BINABASA MO ANG
MR.PROBINSYANO (Meets) MR.ANTIPATIKO (BROMANCE COMPLETE)
Romance( Author's Note ) Maraming salamat po sa mga sumuporta sa (ZBOL) Grabe ang sarap sa pakiramdam na kahit papaano ay may nakaka appreciate sa story ko i hope kasama ko pa rin sa 2nd Story ko. Heto po. MR.PROBINSYANO MEET'S MR.ANTIPATIKO Isang bromance...