( Seb P.O.V)
"Kaasar! " halos pabulong kong sambit. Nakakaasar bakit hindi maalis sa isipan ko ang mga nakita ko! hindi tuloy ako nakatulog ng maayos.
I can't explain, bakit ba ako nagkakaganito. Nagsimula lang naman ito ng yakapin ako ng igorot na yun at mas lalo pang gumulo ang isip ko nang makita ko kung papaano yakapin ni Arthur yung baklang yun.
may relasyon ba sila? o baka naman tama ang hinala ko na may lahing mangkukulam yung baklang yun?
baka ginamitan nya ng itim na gayuma yung Arthur na yun para mapalapit ng husto sa kanya.
Nako naman! halos buong gabi kong iniisip ang mga bagay na to.
hindi dapat ako magpaapekto sa Igorot na yun, sisiguraduhin ko na lagi ko syang pagtritripan dahil sa ginawa nyang panggugulo sa isip ko!
Naisipan ko nang bumangon, medyo maliwanag na din. bago pa man ako makalabas ng kwarto ng mahagip ng mga mata ko si Igorot ang sarap ng tulog nito at halos malaglag na sa kama nya, halatang na pagod sa sobrang takot kagabi wag syang mag alala patikim pa lang yan.
Sisiguraduhin kong isusumpa mo tong lugar na to at mas pipiliin nyang umuwi sa bundok na pinanggalingan nya.
iniwas ko na lang ang tingin ko at agad naman akong nagtungo ng banyo para makapaghilamos at pagkatapos ay nag palit ng damit at lumabas na nang unit.
habang naglalakad ako sa Corridor ng masalubong ko si Arthur matalim ang tingin nito at hinarang ako at nagsalita.
"Magusap nga tayo. " Walang imosyong sambit nito. Napangisi na lang ako at pinagpatuloy na ang paglalakad. Ano bang dapat namin pagusapan? sa palagay ko wala. hindi pa man ako nakakalayo ng madinig kong magsalita ito, tumigil ako pero hindi ko na ito nilingon.
"Siguraduhin mong walang mangyayaring masama kay Dice, kapag nangyari yon, Mananagot ka sa akin! " mariing sambit nito.
natawa na lang ako sa sinabi nito, Nagayuma na talaga siguro ng baklang probinsyano yun itong kumag na to.
nilingon ko ito at binigyan ng matalim na tingin at marahang lumapit.
"Bakit bro? natikman kana ba nya? mukhang nag enjoy ka ah. " Sarkastiko kong sambit. Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao nito.
"Tarantado ka ah! " Aniya at kinuwelyuhan ako. Napangisi na lang ako sa ginawa nito. Mukhang matindi nga ang tama ng kupal na to ah.
mabilis ko naman itong tinulak palayo sa akin dahilan upang mapaupo ito sa sahig.
Agad ko naman itong nilapitan at ipinorma ang mga kamao ko, pero laking gulat ko na lang ng may humawak sa braso ko at nagsalita.
" hey! Seb, what are you doing? Ano bang nangyayari sa inyo?!" Aniya. Agad ko naman itong nilingon para makita kung sinong humawak sa braso ko.
"A-aika? What are you doing here? " Gulat kong tanong nang makita ko si Aika. Tinaasan nya muna ako ng kilay bago nagsalita.
" Pumunta ako dito dahil may importante akong sasabihin sayo, pero hindi ko in-expect na sa ganitong kalagayan kita maaabutan. " Medyo may pagkasarkastikang sambit nito.
napabuntong hininga nalang ako bago muli nagsalita.
"Sorry Ai, Let's go " Aniko kay Aika pero bago kami umalis ay muli kong ibinaling ang paningin sa kumag at bigyan ng makahulugan na tingin.
Humanda ka! may araw ka din sa akin.
.
.
.
."Ano bang nangyari? bakit ang aga aga eh, nakikipagbugbugan ka? " Ani Aika sabay higop ng mainit na kape.
BINABASA MO ANG
MR.PROBINSYANO (Meets) MR.ANTIPATIKO (BROMANCE COMPLETE)
Romance( Author's Note ) Maraming salamat po sa mga sumuporta sa (ZBOL) Grabe ang sarap sa pakiramdam na kahit papaano ay may nakaka appreciate sa story ko i hope kasama ko pa rin sa 2nd Story ko. Heto po. MR.PROBINSYANO MEET'S MR.ANTIPATIKO Isang bromance...