( Dice P.O.V )
"Sigurado kaba sa pinagsasasabi mo Seb?" Seryosong sambit ni Charie.
"Kung playtime lang yan, Wag mo ng ituloy! Kaibigan ko yan at hindi ako papayag na magarabyado yan. " Sabat ni Jaja at kitang kita ko ang pagiging seryoso din nito.
Naramadaman ko ang paghawak ni Seb sa braso ko at agad ko itong sinundan ng tingin, ngumiti muna ito bago nagsalita.
"Ayokong mangako, pero hayaan nyo akong ipakita sa inyo ang nararamdaman ko para sa kaibigan nyo." Ani Seb.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ko sya.
Kakaibang Seb ang nakita ko sa mga oras na to, Napakaseryoso at damang dama ko ang pagiging sensero nito sa mga sinasabi nya.
Nadinig ko din na nagsalita si Arthur at agad ko naman syang nilingon.
"Congratulations Guys ." Aniya at ngumiti, pero alam ko sa sarili ko na hindi totoo ang binigay nyang ngiti. Nakita kong tumayo ito mula sa pagkakaupo at muling nagsalita."Oh? Maiwan ko na pala kayo ah? May maagang aasikasuhin pa pala ako sa school. " paalam nito at naglakad na papalabas ng unit namin.
"Sorry Art.. Sorry.. " malungkot kong sambit sa sarili ko habang nakatingin kay Arthur na papalabas na.
Ayaw kong masira kami ni Arthur, napamahal na din sya sa akin bilang isa sa mga matatalik kong kaibigan.
Pero hindi ko naman pwedeng turuan ang puso ko, hindi ko sya kayang mahalin ng higit pa sa kaibigan.
Nawala ako sa pagiisip ng maradaman kong nagsalita si Seb.
"Okey ka lang ba? " Aniya at umupo sa tabi ko, tango at ngiti lang ang tinugon ko sa kanya.
"Hoy.. Love birds! Ano na? Papasok pa ba tayo or maghapon nalang tayong magtititigan ?" Ani Charie.
"Maligo na kayo, bababa muna ako para makabili ng Kape't pandesal nang makapag-almusal tayo! Ginutom ako sa gulat dahil sainyo. " protesta ni Jaja habang hinihimas himas ang tiyan na ikinatawa ng lahat.
.
.
.
.
.Habang abala ang guro namin sa pagche-check ng attendance ng mapansin kong wala dito sa loob ng silid aralan si Arthur. Inilibot ko ang paningin ko sa buong silid pero wala talaga akong Arthur na natagpuan.
Nasaan kaya yon, galit ba sya sa akin?
" hinahanap mo ba si Arthur!? " Ani Seb at nakita ko ang pagiging dismayado ng mukha nito. "Pwede bang wag mong gagawin yan sa harapan ko !?" Segunda nya. Napangiti na lang ako sa inasal nya, nagseselos ba sya? Hahaha.
"Nagseselos kaba? " pabulong kong sambit sa kanya.
"Ako? Bakit ako magseselos, Hindi no! " Aniya habang nakatuon ang paningin sa guro namin at nakasalubong ang kilay.
"Ahh.. Okey hindi ka nga nagseselos. " Aniko at itinusok ang hintuturo ko sa tagiliran nito na kinabalikwas nito ng upo. Agad naman ako nitong binigyan ng matalim na tingin.
"Yan pala ang gusto mo ah! " Aniya at gumanti ito at itinusok din ang hintuturo nya sa tagiliran ko na ikinabalikwas ko din ng upo.
Agad din naman akong gumanti na agad din nya din sinegundahan.
"Mr.Madrigal ! Mr.Crisologo, Labas! "
.
.
."Yan, kasalanan mo ito eh! " Bulyaw ko sa kanya habang pababa kami ng building matapos kaming palabasin ng guro namin.
"Oh? Ako pa talaga , eh ikaw nga itong na unang nangiliti! " depensa nito.
"Basta, kasalanan mo! Absent tuloy ako. " tugon ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
MR.PROBINSYANO (Meets) MR.ANTIPATIKO (BROMANCE COMPLETE)
Romance( Author's Note ) Maraming salamat po sa mga sumuporta sa (ZBOL) Grabe ang sarap sa pakiramdam na kahit papaano ay may nakaka appreciate sa story ko i hope kasama ko pa rin sa 2nd Story ko. Heto po. MR.PROBINSYANO MEET'S MR.ANTIPATIKO Isang bromance...