This is it! Good morning Universe!
5:20 palang haha na excite masyado.
Ngayon palang ini imagine ko na kung gaano kalaki yung pool doon. Na imagine ko na sobrang daming chocolates dun.
Naka impake na kami nina Sam. Kagabi pa excited din kasi yung dalawa lalo sa si Bella at makakasama niya ng 1 week si Mark hahaha.Ngayon, iche check nalang namin yung mga dala namin kasi baka may nakalimutan kaming dalhin or baka kulangin kami ng damit na dala.
Time checked. 5:53 maya maya andiyan na sila Jon. Mga ilang sandali lang, may bumusina galing sa labas.
"Speaking of..Andiyan na sila!!" Bulong ko sa sarili ko at palihim akong ngumiti.
"Baaaabbbbeee!! Tara na!" pasigaw na sabi ni Jon. Bumababa na kami dala ang mga bag namin. Para kaming mag aabroad hahahahha "Andiyan naa.."
Nabibigatan kasi ako sa bag ko. Kasi masyadong malaki yung maleta ko kasi kung yung maliit ang gagamitin ko, hindi siya kaya kaya yung medyo malaking bag ang ginamit ko. Dala ko yung laptop,headphones at kung ano ano pang dinala ko. Syempre kasama din ang stuff toy kong si Stitch at Cookie Monster.Duh? 1 week kaya kami dun at mamimiss ko sila kaya dinala ko nalang pero maliliit lang naman, 'yong huggable.
Bigla akong nilapitan ni Jon."Sakay ka na. Dun tayo sa pinaka likod. Ako na dito." Kinuha niya ang dala kong maleta at binuksan ang pintuan ng van para maka upo na ako.
"aww ang gentleman naman ng babe ko."
"Basta ikaw.Alam mong ang lakas mo sa'kin babe e." nag smirk siya then nag wink
"Uhmm miss kami nalang diyan ni Jeremy." narinig kong sabi ni Mark kay Bella at Sam. "Kaya nga" nakangiting pag sang-ayon naman ni Jeremy.
Halatang kinikilig si Bella haha lalo na't nginitian siya ni Mark.
"uhmm.. sige ^.^"sabi naman ni Bella. Landi neto hahahaha
"Ako na diyan Sam." At kinuha naman ni Jeremy ang bag na dala ni Sam. Ngumiti naman si Sam at ibinigay ang bag.
Nagtataka siguro kayo kung bakit kilala ni Jeremy si Sam no? Nagkakilala sila sa Music room. Sumama kasi kaming tatlo sa Glee Club noon. Tapos ayun!Pinag duet sila ng sir namin. Ang ganda kasing pakinggan ng boses nila pag pinagsama. Kaya ayun! Friends sila pero hindi masyadong close.
"T-th-thanks." utal na sabi ni Sam.
"Mukhang nagkaka gusto na sila sa isa't isa babe no?" banggit ni Jon saakin na ikinagulat ko naman. Hindi ko kasi siya namalayan na nasa tabi ko na pala siya.
"Kaya nga" ngumiti ako
"Ikaw kaya babe? Kailan ka kaya magkakagusto sa'kin?" singit niya sa usapan
Ano..sasabihin ko ba yung nararamdaman ko sakanya? Sasabihin ko ba na matagal ko na siyang gusto? Na 7 months ko na siyang mahal? Yhup! 7 months. Last year lang kasi ako umuwi ng Pilipinas. Dun kasi ako pinag aral ng magulang ko sa America since nung nagka amnesia ako.
Nung 13 years old daw kasi ako, nadisgrasya daw kami kasama mga kaibigan ko. Naglayas daw kasi kaming tatlo nila Sam nun at sumakay kami sa likod ng truck. Tapos bigla daw lumakas ang ulan.may bagyo daw kasi nun. Habang nagmamaneho daw yung driver ng truck na sinakyan namin, may biglang tumawid daw na aso at iniwasan ng Driver kaya na slide yung truck. Si Bella, galos lang ang natamo, si Sam naman na coma ng 4 months tapos ako, na amnesia.nauntog daw yung ulo ko sa malaking bato nun. Si Sam, napagulong daw. Si Bella naman tumilapon sa may kumpol kumpol na unan. Nagdi deliver daw kasi ng mga unan yung sinakyan naming Truck.
Pero blessed pa rin kami kasi after 4 years, nandito pa rin kami sa mundong ito.
"Mukhang malallim ang iniisip mo babe ah!" sabi ni Jon na siya namang bumalik sa katinuan ko.
"Pa'no mo nalaman kung gaano kalalim? Sinisid mo ba?" sarakastiko kong tanongNag pout nanaman siya. Haha kaya gustong gusto ko siyang pilosopohin e. Ang cute niyang mainis haha.
"Asar ka! Halikan kita diyan e!" Tumawa naman ako sa sinabi niya pero deep inside gulat na gulat ako sa sinabi niya at ninenerbyos at the same time "Sus! Hindi mo kaya!" pangugutya ko
Unti unti siyang lumapit sa mukha ko! Shocks. Malapit na kaming mag kiss. Malapit na..malapit na...
*boogsh*
"Ay sorry Jon. May bigla kasing tumawid na bata e." pangangatwiran ni Jeremy atsaka tumawa.
Ano ba yan! Ang KJ naman oh! What a PERFECT TIMING!! Naiinis tuloy ako sa batang tumawid haha. Hayaan mo na atleast hindi nasagasaan yung bata.
Hayy na bobored na ako. Kalahating oras na kaming nagbyabyahe.Makatulog na nga lang.
(Ang sitting arrangement namin dito sa loob ng van ay.. si Jeremy ang nag da drive at kasama niya sa harap si Sam. Si Mark at Bella naman,nasa likod nila Sam na nasa harap naman namin ni Jon.Nandito kami ni Jon sa pangatlong linya ng upuan which means nasa pinaka likod kami.)So ngayon,dahil wala naman akong magawa dito..matutulog nalang ako.si Jon kasi naka headphones e wala akong kakulitan.
——
Kasama ko si Jon sa park. Konti lang ang tao dito sa park at itong place na hinihigaan namin ay may mga 5-8 na tao lang. So andito kami nakahiga sa may damuhan. Ang gandang pagmasdan ng ma stars dito. Halos buong langit makikita mo. May mga alitaptap ding kumikislap.
"ang ganda ng place na ito 'no? Ang tahimik." banggit ni Jon. "Kaya nga e. Ang gandang pagmasdan ng mga bituin."
"Alam mo ba na lagi akong may nakikitang shooting stars dito? Maya maya may makikita ka rin. Sabay tayong mag wi-wish."
"Ayun oh!" Tumingin naman siya sa itaas"May dumaan na dalawang shooting stars! Nakita mo?"
"Oo nakita ko. Ano? Nakawish ka ba?"
"Oo, ikaw?"
"Hindi na ako nag wish."Nagtaka ako sa sinabi niya. "Huh? Bakit naman?"
"Kasi andito ka na. Ikaw kasi yung matagal ko ng hinihintay. I love you Karlie."
"I love you too Jon."
.....Ano ba yan! Kissing seen na yun e! Sino ba yung gumising sakin!
Pagmulat ko ng mata ko, nakita ko nakatingin silang lahat sakin na may kasamang ngiting nakaka asar.
"Uy anong I love you too ka diyan babe? Ikaw ah! Bangon ka na! Andito na tayo." Tinawanan niya ako. Luh! Nasigaw ko yata ah!
Ganun kasi ako minsan pag nanaginip. Hindi ko namamalayan na nasasabi ko bigla yung ibang words.
"Huh? Andito na ba tayo?" Pagche-change topic ko.
"Oo kaya halika na!"
Nung pag labas ko sa van, WOW! As in mapapa nganga ka talaga sa ganda ng Resort na 'to.
"Guys, just follow me." Sabi ni Jeremy at sinundan naman namin siya.
Noong papasok na kami sa isa sa mga kwarto, grabi ang laki ng kwartong ito!
"so guys, ito ang magiging room nating anim." Itinuro niya yung room number. "Wala na daw kasing bakanteng room kaya dito nalang tayo sa room ko. So there were only three bed rooms."
"Dalawa na kami ni babe sa isang kama."
Hala seryoso? Yung taong gusto ko makakasama ko in 1 week?! Gosh! Pwede na akong himatayin.
"Okay. Tabi nalang kami ni Mark sa isang kama tapos sina Sam naman sa isa.
Wala naman sigurong gagawin si Jon kay Karlie kasi kung meron man, makaka nuod tayo ng libre hahaha."Yucks! Ang bastos ni Jeremy. Atsaka wala naman talaga kaming gagawin e. Kasi halos magkakatabi lang rin naman yung mga kama namin. Duh
BINABASA MO ANG
I'm In Love With You
Teen FictionAlam kong hindi imposible ang ma-fall sa isang playboy pero posible ba na magka gusto siya sayo? - I Hope you'll like it guys. PS: The settings, plot and the characters' behavior and personalities are all fiction. Don't forget to vote, comment and...