Week later [04-29-18]
Nakahilata si Jon sa kanyang kama at wala man lang balak na bumaba at kumain. Tuwing hapunan lang sya kumakain. Yung mukha nya, ang putla putla na. Mahahalatang umiyak sya magdamag dahil sa kanyang mga mata.
Bumangon sya sa pagkakahiga, at tinitigan ang larawan nila ni Karlie. Katabi ng larawan na yun ang cellphone ni Karlie at kinuha yun ni Jon. Isang linggo na ang lumipas pero ngayon nya lang titignan kung ano ang mga nakasulat sa 'memo' ni Karlie. Isang sulat lang ang nakalagay doon at isinulat yun noong 03-25-18 ngunit natapos noong 04-22-18. Binasa ito ni Jon...
"03-25-18, So do you remember that day? Yung time na in-explain mo lahat ng mga tanong sa utak ko na hindi ko masagot-sagot. Ito din yung time na humingi ka ng isa pang pagkakataon at pinatawad kita. Ang saya ng araw na 'to kasi hindi ko akalain na nagbago ka na nga talaga nang dahil saakin..na nagbago ka para saakin. Hindi ko mapaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon habang tinatype ko 'to. Sinasabi ko dito ang mga nararamdaman ko at mga gusto kong sabihin sa'yo na hindi ko masabi-sabi. Hindi ko din sure kung mababasa mo ito pero posible din naman diba? So, hindi lang ako masaya ngayon ng dahil sa nagkabalikan na tayo. Sobrang saya ko kasi after how many years, nahanap na rin kita. I've got an amnesia years ago at ngayon naaalala ko na lahat. At sa pagbalik ng ala-ala kong yun, napangiti nalang ako bigla nang maalala ko yung sinabi mo noong nasa clinic tayo..na mayroon kang nagustuhan na kapangalan ko. Guess what? Ako nga yun.. oo ako yung Karlie na kalaro,kaklase,kasama,kaibigan, at ang first love mo. Isn't it called destiny? Naalala ko rin yung time noong bata pa tayo, nasa playground tayo nun at nagpropose ka sa'kin. Hahaha I thought we're too young for that but I've said yes and we've made a promise na sa tamang oras, sa tamang panahon magkikita ulit tayo at magpapakasal. Binigyan mo ako ng cheescurls at isinuot ito sa kamay ko na nagsisilbing singsing. Sa mga panahon na magkasama tayo noon, naging masaya ako hanggang nga sa trahedyang nangyari. Na-amnesia ako at sinama ako ng magulang ko sa States para doon nalang magsimula ulit. May mga parts ng memories natin ang unti-unti kong naalala hanggang sa ngayon..nabuo na. Alam kong ikaw yung Jon na nakilala ko noon dahil sa pictures mo nung bata ka na nakita ko sa cellphone mo. At ngayon na naaalala na kita, posible nang mangyari ang pangako natin sa isa't isa nung bata pa tayo. Pero baka imposible ring kasi matatagalan pa bago mangyari yun. At..konti nalang ang aking oras dito sa mundo. Meron akong sakit sa puso at hanggang ngayon wala paring nahahanap na donor kaya hindi na rin ako umaasang makakahanap pa since may ilang buwan nalang akong natitira para maging masaya.. siguro hindi nyo halata dahil nga hindi ko pinapakita na may matinding karamdaman ako. Gusto ko kasing maging masaya kayo at hindi ako kaawaan kaya hindi ko sinasabi at pinapakita. Actually, nalaman na ni Jay ang tungkol sa sakit ko pero sinabi ko sakanya na wag nyang sabihin sainyo kasi ayaw ko kayong mag-alala. Sinubukan nya ding maghanap ng donor pero wala e.. kaya pinatigil ko na din sya at pinabalik ko sa States para mabuhay ng mapayapa. Sinabi ko rin sakanya na wag syang mag-alala sakin kasi baka may milagrong mangyayari at magigising nalang ako na wala nang sakit sa puso. Pero wag kayong mag-alala, kung mababasa mo man to bago ako mawala, gusto kong ituring mo parin ako ng parang normal, na parang walang iniindang sakit. At kung binabasa mo naman to ngayon nang wala na ako, wag kang mag-alala kasi naging masaya ako sa mga sandali na nakasama kita. Hindi ko man natupad yung pangako natin sa isa't isa pero natupad ko naman yung pangako ko sa'yo na ikaw lang ang una at huli kong mamahalin. Lagi mo din sanang tatandaan na.. Jon, mahal na mahal kita. Paalam
💕
edited: 04-22-18
BINABASA MO ANG
I'm In Love With You
Teen FictionAlam kong hindi imposible ang ma-fall sa isang playboy pero posible ba na magka gusto siya sayo? - I Hope you'll like it guys. PS: The settings, plot and the characters' behavior and personalities are all fiction. Don't forget to vote, comment and...