Chapter 8

1.3K 31 0
                                    

Habang kumakain ako, bigla nanaman siyang nagsalita.

"Babe may tanong ako sa'yo." Sabi niya.

"Ano yun babe?"

"Anong gusto mo sa isang lalaki? Yung nakaka turn on para sa'yo?"

"Bakit mo natanong?"

Bakit kaya niya natanong 'yun out of nowhere

"Baka kasi may ayaw ka na inu-ugali ko."

"E pa'no naman pag meron akong ayaw na inuugali mo? Anong gagawin mo?" Nakangisi kong tanong.

"Syempre babaguhin ko para sa'yo." Sabi niya with husky voice tapos nag wink siya.

"Sure ka? E pa'no pag may gusto ako na hindi mo ginagawa?"

"Pipilitin kong gawin para lang sa'yo. Para maging masaya ka." Confident niyang sagot.

"E paano kapag sinabi kong gusto ko sa lalaki ay.."

Taimtim siyang tumitig saakin. "Ano?"

"Ehem..gusto ko ng kumakain ng bubog, umiinom ng muriatic acid, nagda-dive sa kanal, naglalakad sa mga nagbabagang uling, at tumatalon sa building. Oh ano? Gagawin mo?"

Tignan natin kung ano pa ang sasabihin niya.

"Grabe babe ah! Parang ang gusto mo naman ay ang Mamatay ako." Nagpout siya.

Tumawa ako. "Niloloko lang kita."

"Ganyan pala ah. Niloloko mo lang pala ako. :(("

"Grabe ah. What I mean is jino-joke lang kita. 'to naman"

"Oo na. Ano nga?"

Inakbayan ko siya na parang lalaki. "Alam mo babe, hindi mo na kailangang magbago."

Napatingin siya sakin. "Huh? Bakit naman?"

"Kasi mahal kita. Tanggap ko lahat ng pag uugali mo. masama man o mabuti.
Atsaka hindi mo na rin kailangan gawin or ugaliin yung mga bagay na gusto ko. Alam mo kung bakit?"

"Bakit naman babe?"

"Kasi wala na.. wala ka nang dapat baguhin sa gawain or ugali mo kasi nasa'yo na lahat ng gusto ko. Atsaka kahit naman may hindi ka inuugaling gusto ko, hindi parin magbabago 'tong pagmamahal ko sa'yo. Minahal kita kasi Ikaw ka. Gets?"

"Haha oo na po. Ang sweet naman ng baby ko. Pakiss nga.!"

"Asa ka ah! Ayaw ko nga :P"

Tumawa siya. "Sige na nga."

"Ah babe may tanong ako." Sabi ko nangmay biglang pumasok sa isip ko.

"Ano yun babe?"

"Ano yung mga goals mo sa isang relasiyon?" Curious kong tanong.

"Goals? Hmm.." nag act siya na parang nag-iisip ng mabuti.

"Ano nga?"

"Gusto ko yung laging sweet,caring,yung ma effort. Yun lang . Atsaka siyempre gusto ko yung mamahalin ako kahit anong mangyari."

Sweet? Check✔
Caring? Check✔
Ma-effort? Check✔
Mamahalin ka no matter what happen? Check na check✔

"At alam ko naman nasaiyo yun lahat e diba babe?"

"Yes naman." Proud akong sumagot.

"E ikaw babe? Anong goals mo pagdating sa relasyon?" Tanong niya.

"Ako? Gusto ko yung laging may time sa'kin, yung iintindihin yung mood kong pabago bago, yung aalagaan ako sa t'wing bad mood ako, yung titiisin niya yung mga nasasabi kong masasakit na salita 'pag wala ako sa mood, hindi ko kailangan ng masyadong effort...Hindi naman kasi sa flowers at chocolates natutumbas ang pag mamahal e. Basta lagi akong pasasayahin kahit sa maliliit na bagay lang. Atsaka siyempre yung proud siyang sabihin sa buong universe na ako yung girlfriend niya. Na ako LANG ang mahal niya.

I'm In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon