Karlie's POV
Pano ko ba sisimulan ang bukas ng hindi siya kausap? Nasanay na ako na sya ang lagi kong kasama e parang hindi ko yata kaya. Lipat na kaya ako ng school?
"Anong nangyayari sayo? Ang lalim nanaman ng iniisip mo!" Tanong ni Sam saakin at tumango naman si Bella at nagsalita. "Kaya nga Karlie! It's okay you can get over from him not today but soon."
"Beshies thank you ah. Kahit paano gumaan yung pakiramdam ko ng dahil sainyo." Niyakap ko sila ng mahigpit
"Aww ang sweet naman ng mga beshies ko. Nakakaiyak. ㅠㅠ" sabi ni Sam
"Aba g×g+ ni Sam parang baliw." Hinampas ko siya ng mahina at tumawa.
Humiwalay na kami sa pagkakayakap at bigla namang nagsalita si Bella. "Sabado bukas. Saan tayo guys? "Shopping tayo!" Biglang sagot ni Sam.
"Osige. Ano Karlie?"ani Bella
"Okay! Sabagay one week nalang bakasyon na natin." sabi ko sakanila na ikinatuwa naman nila. "You're right! Okay! Tulog na tayo. Good night beshies" sabat naman ni Sam
"Good night!" Sabay naming sabi ni Bella at natulog na.
-
@Mall
While waiting for girls, I saw Melissa with his boyfriend which is Jon.
Nakakagigil ang sarap pagbabatuhin e
Okay Karlie.. huminahon ka
Kaya mong mag move on sa kanya. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo."Tara na." Masayang sabi ni Sam saamin ni Bella at hinawak ang mga kamay namin.
Ngumiti ako sakanila. Ginawa ko ang best ko para pumilit na ngumiti para sakanilang dalawa. "Okay tara na. Nagugutom na ako beshies. Tara doon" at tinuro ko ang isang restaurant na hindi kalayuan sa kinatatayuan namin.
"Okay! lezgo" exited na sabi ni Bella at nagsimula na kaming naglakad papunta sa restaurant na 'yon.
Habang nasa rastaurant kami, nakita ko nanaman yung dalawa. Naglalandian sila EWW as in Capital E and 9,999,999,999 times na Capital W.
Tignan niyo naman kasi sila maglandian. Nagsusubuan pa na parang mga bata. Aish ang sarap batuhin ng plato.
--
Pagkatapos namin kumain, dali dali na akong umalis, di ko sila kayang tignan. >.<Nauna na akong umuwi kasi nawalan ako ng gana hindi na ako nakapunta sa ibang store para sana bumili ng iba pang mga clothes. Next time nalang siguro.
Pagkauwi ko, nakita ko si Jay naghihintay sa harap ng gate. I wonder kung bakit hindi na siya pumasok e may susi naman siya.
Nginitian niya lang ako tapos kinamusta.
"Ano? Okay ka lang?" Bungad niyang tanong saakin.
Hindi ko na rin kaya yung nakita ko at hindi ko na kaya pang magpretend kaya umiling ako. "Gusto kong makalimot pero hindi ko kaya." Pagtatapat ko sakaniya at iniyuko ang ulo.
"Gusto mo bang sumama sakin? I'm going somewhere and I'm sure that you can forget all of your problems. " yaya niya
"Sorry Jay pero hindi na muna siguro ngayon. Gusto kong mapag isa e. I hope you'll understand" malungkot kong pagtanggi.
"Oh I see...Sige mauna na ako. Rest well."
Nginitian niya ako pero halata sa mata niya na nagprepretend lang siya na okay lang sakanya. Hays gusto ko sana siyang samahan kaso mas gusto ng isip at puso ko na mapag-isa muna. 4pm palang pero gusto ko munang magpahinga..
-----8:30 pm na nang pumasok sina Bella at Sam sa kuwarto.
"Karlie gising ka na muna. Kumain ka na."sabi ni Bella saakin habang niyuyugyog ang braso ko.
Tinapik naman ako ni Sam sa braso rin. "Kaya nga naman Karlie. Kalimutan mo na yang si Jon hindi siya kawalan okay? Get up and eat!"
"Wala akong ganang kumain guys. Bukas nalang ako kakain." Matamlay kong sabi sakanila at nagtakit ako ng kumot.
"Osige bahala ka dyan. Kumain ka bukas ng marami ha." Alalang- alala na sabi ni Sam saakin. "Sam halika na. Hayaan na muna natin sya." sabi ni Bella habang hinihila si Sam palabas ng kuwarto.
Bakit ba ako nagkakaganito? Lalaki lang naman yan e. Madami pang mas deserve sakin. Ang tanga ko naman kasi na maniwala sakanya na nagbago na sya. Sabi nga, People don't change. Once a playboy always a playboy---
Ba't ba ako umiiyak? Hindi niya ako deserve. Hindi niya deserve na iyakan ng katulad ko.
Those memories with him must disappear in this st^pid brain and his name must erase in my d^mb heart.
Kaya simula bukas, kailangan ko ng tanggalin sa isip ko at kalimutan ang salitang "kami" dahil meron nang "sila"
BINABASA MO ANG
I'm In Love With You
Teen FictionAlam kong hindi imposible ang ma-fall sa isang playboy pero posible ba na magka gusto siya sayo? - I Hope you'll like it guys. PS: The settings, plot and the characters' behavior and personalities are all fiction. Don't forget to vote, comment and...