Bella's POV.
Nandito kami sa pool pero hindi kami naliligo. Nakalublob lang yung paa namin sa pool.
Si Mark lang ang kasama ko dito sa pool. Si Sam naman kasama si Jeremy. Tinu-tour yata e
Okay back to Mark. Grabe ! Alam nyo na naman na crush ko siya diba? At ito ang best day ever kasi ngayon ko lang siya nakasama. Gosh! Kung alam nya sana na gusto ko siya sana maging kami like Jon and Karlie. Haha umasa nanaman ako! Pero ang tanong.. mahal niya ba ako? Diba? Hindi ko alam yung sagot niya. Teka..
Pa'no kaya kung tanungin ko siya ngayon? Ayoko pala!Nagbuga ng malalim na hininga si Mark at tumikhim. "Bella may sasabihin ako." Lumingon siya saakin.
Nagkatitigan kami. Lumunok ako. "A-ano yun?" Utal-utal kong tanong
Ano kayang sasabihin niya? Gosh!
"Basta wag mo akong tatawanan ah!"
"Oo nga. Ano ba yun?"
Ang lalim ng tingin niya sakin.
Bumuga siya ulit ng hininga "I'm falling for you."
Is it real? Is this really happening? Anong sasabihin ko? Feeling ko namumula na yung mukha ko.!
"Wait..Why?How?" As in shock na shock talaga ako! Yung mukha niya ngayon parang nahihiya na siya.Hindi na siya makatingin sa'kin ng diretso 'di tulad nung nakaraan.
"E-ewan ko. Basta I'm falling in love with you. I know it's awkward. Pero sana walang magbago sa'tin. Hindi ko na kasi kayang itago yung nararamdaman ko sa'yo e! I just can't.."
Hinawakan ko ang pisngi niya para maiharap ang mukha niya saakin. "Uy! Tumingin ka nga sa'kin. Promise! Walang magbabago."
"Promise yan ah. May tanong ako sa'yo."
"Huh? Ano yun?"
"May boyfriend ka na ba?" Agad niyang tanong sakin na ikinamula ng mga pisngi ko. Eto na! Eto na yun e! Tapos tatanungin nya ako kung pwedeng manligaw! Gosshhh!!
"Uhmm. Wala pa."
"Huh? E bakit wala pa?"
"Hinihintay ka kasi." Pabulong kong sabat
Ginulo niya ang buhok niya at halata sa mukha niya na naco-confuse siya "Huh?Anong sabi mo?"
Hala! Narinig niya yun? E pabulong ko lang sinabi yun ah! So ano? Sasabihin ko ba na hihintayin ko siya? Haisst! Bahala na nga kung anong lumabas sa bibig ko.
"Ang sabi ko.. May hinihintay kasi ako."
Nakita ko ang disappointment sa mukha niya. "Ah! Sayang." "Huh? Anong sayang?"tanong ko.
"Kasi..kung papayagan mo ako na.."
"Papayagan na?"
Nag-exhale siya "Papayagan na ligawan ka." Pagkasabi niya yung mga salitan yun, ibinababa niya ang ulo niya at napakamot. Gosh
Mark! Totoo? Are sure? Sigurado ka na ba diyan? Hindi ka nagbibiro? Grabe! Feeling ko hihimatayin na ako dito sa kilig!Bigla kong naramdaman na nang-init ang mga pisngi ko. "Uhmm kasi Mark...ano.."
"Alam ko naman na may hinihintay ka e. Naiintindihan kita. Okay lang sa'kin." Pagputol niya sa sasabihin ko.
Okay lang ba talaga Mark? E bakit yang mukha mo parang mamatay ka na inside? Ok. Sasabihin ko na. Bumuntong hininga ako.
"Mark actually..Ikaw kasi yung hinihintay ko." Nginitian ko siya. "Kaso nga lang.. Ayoko pang mag boyfriend e. Ayaw ko kasing masaktan."
Siyempre 16 palang ako. Atsaka hindi pa ako handang magmahal. Naalala ko tuloy yung kababata namin nun kaso naiwan siya dito sa Pilipinas nung nasa America kami.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With You
Genç KurguAlam kong hindi imposible ang ma-fall sa isang playboy pero posible ba na magka gusto siya sayo? - I Hope you'll like it guys. PS: The settings, plot and the characters' behavior and personalities are all fiction. Don't forget to vote, comment and...