Karlie's POV
Yaay! Graduation na! Gosh exited na ako!! San kaya ako mag-aaral? Eey hayaan ko na muna yan. I'll look forward muna sa bakasyon kung saan kami magbabakasyon nina Sam at Bella.
Ay nga pala. Nagtataka siguro kayo kung nakamove on na ba ako kay Jon. Actually, not totally na nakamove on na syempre may konti pa pero okay lang yan, malalagpasan ko din naman to e! So papunta na kami nina Bella sa school ngayon. Sa sobrang exited nga ni Sam na pumuntang school e muntik na nyang nakalimutang magtoothbrush hahaha.
-@school
Sam's P.O.V.
Yaan naa ilang minutes nalang officially graduated na kami yeeeaaay.
*after minutes
Yey! We are officially a high school graduate. So exited! Bakasyon nanaman!
_______
"Bella! Sam! Saan tayo magbabakasyon?" Bungad na tanong ni Karlie saaming dalawa with a big smile.
"Can we go to Baguio? Nakakasawa kasing mag beach kapag summer. Iitim tayo" dagdag pa ni Karlie.
"Hmm. Nice choice Karlie. May bahay kami sa Baguio, pwede tayong mag stay doon." sabi ni Bella.
"Nice! So ano Sam? Deal?" Tanong saakin ni Karlie.
Hmmm. Sabagay maganda din sa Baguio para maka relax naman kami plus may matitirahan na kami pansamantala. Madami din namang mapuntahan doon.
"Okay, Deal. So kailan tayo aalis?" Nakangiti kong sabi sa dalawa.
"How about..after one week, punta na tayo doon para masulit natin yung bakasyon?" sabi naman ni Bella na ikinatuwa naming dalawa ni Karlie.
"Okay! Exited na ako!!" Nakangiting sabi ni Karlie na parang walang problema.
_______
Jon's P.O.V.
Kamusta na kaya si Karlie? Okay lang kaya siya? It's been weeks nung nakipag break ako sakanya. I'm so stup!d. Bakit kasi hindi ako nag explain kay Karlie para malaman niya kung bakit ako nakipag break at kung bakit ko ginagawa to.
-flashback-
Papasok na sana ako ng kotse ko pauwi nang tinawag ako ni Melissa.
"Hi Jon." Papalapit siya saakin ng nakangiti. Dinedma ko lang siya.
"Jon!" Sigaw niya at tumakbo papalapit saakin.
"Ano nanaman?!" I'm a bit mad because she's so annoying. Lagi niya akong sinusundan kahit san ako pumunta.
"Bakit ganyan ang mukha mo? Naiinis ka ba sakin?" Nakapout na siya. She thinks she's cute by doing that? smh
"Isn't obvious? Tantanan mo na nga ako! I already have a girlfriend okay? So please!..please lang tantanan mo na ako." Inis kong sigaw sakaniya.
"I don't care if you had a girlfriend.. I know you still love me. Just come back to me and I'll make you happier than your b!tch girlfriend."
Konti nalang e sasabog na ang ulo sa babaeng ito. Nakakainis siya..sobra. "Don't call her b!tch! You're the one who suits the word b!tch."
"If you'll not come back to me, then I will kill your girl. You choose, Come back to me or I'll make your girl suffer." Naka-smirk niyang sabi saakin.
"Don't joke around. I know you can't do that."
"You really know me. :) I can't do things like that but I can make others do that by just paying them."
Alam kong hindi niya magagawa yun kaya habang nagsasalita siya, pumasok na ako sa kotse ko. But I can still hear what she's saying.
"Tignan mo kung anong kaya kong gawin para lang mapasaakin ka ulit! Just watch."
Satsat niya. Pinaandar ko na yung kotse ko.
Hindi ko maalis sa isip ko yung mga sinabi ni Melissa. She's so obsessed. Nag aalala ako kay Karlie na baka mapahamak siya ng dahil lang saakin. But I can't lost her. What should I do. Aish that girl!____
It's been days since that darn Melissa talked to me. I should keep my eyes at Karlie. Baka totohanin niya yung sinabi niya.Ngayon, kasama ko si Karlie sa canteen. Nakikita ko si Melissa na nakatingin saamin ni Karlie na para bang pinapaalala niya saakin yung mga sinabi nya 10 days ago and she's with Jay. 1 week niya na kaming binabantayan ni Karlie. Kahit saan kami pumunta, nandoon siya. Hindi ko alam kung bakit lagi niyang kasama si Jay but she's making me goosebumps.
Pagkatapos naming kumain ni Karlie, sinabi niya saakin na mauna na ako sa room kasi pupuntahan niya sina Bella at Sam. Sinabi ko sakanya na mag iingat siya at nginitian niya lang ako.
Malayo na ako kay Karlie nang nakita ko si Melissa na may kausap na lalaking naka motor nang bigla niyang tinuro sa lalaki si Karlie. Tapos ini-start na ng lalaki yung motor at mabilis niyang pinatakbo. Napahinto ang puso ko at tumakbo ng mabilis papunta kay Karlie. Wala na akong pake alam kung mabangga ko man yung ibang estudyante. Ang nasa isip ko lang ay, 'I must save Karlie.' But.. I was late. Karlie didn't hurt but I'm not the one who saved her. It's Jay. Yes alam ni Jay ang lahat. Sinabi sakanya ni Melissa kung ano ang balak niya and Melissa wants Jay to cooperate para kapag nakuha niya ako,makukuha ni Jay si Karlie but Jay refused. Jay isn't that kind of man. So nakipag sundo ako kay Jay na bantayan din si Karlie.
"Karlie okay ka lang?" Hinihingal kong tanong. Tumango lang siya. "Yes.. I'm okay. Hindi naman ako natamaan."
"Sabi ko sa'yo mag iingat ka e." Tumingin ako kay Jay. "By the way, Jay salamat at niligtas mo si Karlie."
Nginitian niya lang kami. "Sige aalis na ako, may kailangan pa akong gawin. Sa susunod, mag-iingat ka lalo Karlie ha."
end of flashback
Actually it's not just once. Ilang beses niyang pinagtangkahan ang buhay ni Karlie. Nakipag kaibigan siya kay Karlie para maging malapit siya sakanya at madali siyang makahanap ng chance para mamatay si Karlie. At ang pinakamalala na ginawa nya ay ang i-food poison si Karlie. Thank God at nadala agad si Karlie sa ospital at naagapan agad. Karlie's been at hospital in almost 3 weeks. I don't want to see her suffering because of me so I decided na makipag break sakanya at sundin ang gusto ni Melissa in order to protect her. Ito lang ang tanging paraan para tantanan na siya ni Melissa and now, na parang nakaka move on na siya saakin at graduated na kami, hindi imposible na makahanap siya ng taong magmamahal sakanya lalo na't hindi ko alam kung saan siya mag-aaral. Baka sa tingin niya, hindi ko na siya mahal dahil nakita niya kami ni Melissa sa restaurant few days ago but it's just an act.
Siguro naman malayo na siya sa kapahamakan kaya I should break-up with Melissa and wait for the right time para maging kami ulit ni Karlie.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With You
Teen FictionAlam kong hindi imposible ang ma-fall sa isang playboy pero posible ba na magka gusto siya sayo? - I Hope you'll like it guys. PS: The settings, plot and the characters' behavior and personalities are all fiction. Don't forget to vote, comment and...