Jay's POV
Hay, tatlong linggo na akong ganito. Si Melissa na yung palagi kong kasama kasi hindi ko na kayang makita na ang taong mahal ko masaya kasama yung taong mahal niya. Pero sa ngayon, wala akong kasama kasi absent si Melissa. Hindi niya rin ako tinext na mag aabsent siya ngayon. Hays nakaka walang ganang kumain. Parang lalagnatin ako or what.
(AN:
Siguro nagtataka kayo kung sino si Melissa. Okay so magfla-flashback tayo ^.^)Flashback
Jay's POV:
Akala ko magiging masaya 'tong first day ko sa school na ito, akala ko lang pala.
:(
Kumakain ako habang naka headset kasi gusto kong kumain na parang ako lang yung tao dito. Habang kumakain ako, may nakita akong naglagay ng bag sa upuan na nasa harap ko. Siyempre dedma lang ako kaya hindi ko na tinignan kung sino ang may-ari nun. Hanggang sa may nagtanggal ng kaliwang headset ko kaya napatingin ako.
.
.
Babae siya.
.
Yes. Babae siya. Maganda, matangkad,magaling manamit basta yun na yun..
"Kuya pwedeng miki-upo?" malumanay niyang tanong habang nakangiti saakin."Huh?..Ah..sige sige."
Yan lang ang nasabi ko.Habang kumakain ako, napansin niya na nakatitig ako sa upuan nila Lily at Jon.
"Kuya bakit niyo po tinitignan sila kuya Jon at Karlie?" bigla niyang tanong na kina-nerbyos ko.
"Ah.. wala lang. Napatingin lang ako." Palusot ko sakaniya at ngumiti.
"Napatingin lang? Ows. Siguro crush mo si Karlie no?" Ngisi niya.
"Haha...ahh..e...oo..." napa-amin kong sabi sabay kamot sa ulo.
"Yiieee si kuya.." habang pinipindot-pindot yung braso ko.
Tinignan ko nalang siya. Nagets niya naman yung signal na masyado na siyang...feeling..close.
"FC ko ba masyado? Sorry." Nakangiti niyang sabi at nag-peace sign.
Okaay. Sa totoo lang ang cute niya. Kaso hindi ko type ▪.< -loyal ako e.
Ngumiti nalang rin ako. "Ah okay lang." Tapos na akong kumain kaya aalis na sana ako kaso naisip ko baka sabihin niya ang suplado ko. "Uhm.. what's your name pala?"
"I'm Melissa. And you?." Inabot niya yung kamay niya.
"Jay." Sabay abot ng kamay sakanya.
Tumunog na ang bell sensyales na tapos na ang recess.
"Ah sige babye na pala. Baka malate pa ako sa next subject." paalam niya at tumayo na.
Nginitian ko siya at tumayo na rin. "Sige bye."
.
.
flashback ends"Bakit kaya malungkot si Karlie?"
pabulong kong sabi. "Atsaka bakit mag isa nya lang?"Lalapitan ko na sana siya kaso biglang dumating si Sam at Bella tapos bigla nilang niyakap si Lily.
Ano kayang problema? Bakit kaya wala si Jon? Bakit nagyayakapan sila? May nangyari kayang masama? Bakit parang sobrang nasasaktan si Lily? Nag away kaya sila ni Jon?
Hindi ko siya kayang matignan nang ganyan kaya umalis ako at pumunta sa rooftop.Ang daming mga tanong sa isip ko na hindi ko masagot. Dito muna ako hanggang uwian kasi vacant namin sa susunod na mga subjects. Busy kasi yung mga teachers.
*after 2 hours*
Papunta na sana ako sa kotse nang nakita ko si Karlie. Gusto ko sana siyang tanungin kung anong nangyari kaso baka lalo pa siyang umiyak pag naalala niya yun.
Hay..makauwi na nga lang. Ichachat ko nalang siguro si Bella mamaya at tatanungin kung anong nangyari. Tutal medyo close naman kami.
-
Pagkauwi ko sa bahay, nakita ko si Karlie na nakatayo sa labas ng gate."Bakit nandito 'to?"
Nasabi ko sa isip ko. Ano kayang ginagawa niya dito? Bakit siya umiiyak? Hayst! Bahala na.Lumapit ako at nagsalita. "Karlie bat nandi——"
'Di ko na natuloy yung sasabihin ko nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit. At mas lalo pa siyang umiyak.
Hinawakan ko yung magkabilaang pisngi niya at pinunasan ang mga luha niya. "Anong problema? Karlie bakit ka umiiyak? Sabihin mo sakin."
Bago niya sagutin ang mga tanong ko, pumasok na kami sa bahay. Kinuhaan ko siya ng tubig pagkatapos ay sumagot na siya.
"Nakipag break na sakin si Jon." may tumulong luha sa mga mata niya.
"Huh? Bakit naman?" Takang tanong ko.
"Nakita ko siyang may ka—holding hands kagabi tapos—hinalikan niya yung kamay nung—b-babae. Nakita niya ako...tapos bago sila umalis, ssi-sinabi niya na break na kami." putol-putol niyang paliwanag habang umiiyak.
Hinaplos ko yung likod niya. "Tahan na..ang laki laki mo na pero kung makaiyak ka parang batang inagawan ng favorite niyang pagkain." Sabay abot ng cracklings sakanya. Kinuha niya naman ito.
."...e sino yung babae? Kilala mo ba?"Napatigil naman siya sa pagkain sa tanong ko. "Si Melissa.." Maikli niyang sagot pagkatapos ay tinuloy niya ulit ang pagkain niya.
Si Melissa? Ka holding hands ni Jon!! g+g×ng lalaki yun ah! Hindi na nagbago! Ilang years na ang nakalipas since 'di kami nagkausap, noon ang akala ko nagbago na! Hindi pa pala! Yung taong mahal ko pa ang sinaktan!
-Hinatid ko na si Karlie sa bahay nilang magbabarkada bago pa siya antukin.
--Kinabukasan--
Pumasok na ako sa classroom namin nang makita ko si Jon na kahawak kamay si Melissa sa harap mismo ni Karlie.Dali-dali naman akong lumapit kay Jon at sinuntok siya.
*Karlie's POV*
Nakatayo ako ngayon sa harap ni Melissa at Jon. Habang nakatitig ako sa kamay nilang magkawak , hindi ko din na namalayan na tumutulo na pala ang luha ko sa sobrang sakit ng puso ko na halos di na tumitibok dahil sa nakikita ko.
Bigla namang may humawak sa balikat ni Jon at nang pag lingon niya ay sinuntok siya ni Jay. Natumba naman si Jon. Yes natumba siya,may dugo sa labi at hindi ko na alam ang gagawin lalo na nung bumangon si Jon at sinuntok din si Jay. Ilang beses silang nagpalitan ng suntok hanggang sa natumba ulit si Jon. Natulala nalang ako sa gulat. Kahit si Melissa at ang mga kaklase namin ay hindi alam kung ano ang gagawin sa bilis ng pangyayari. Bago pa makatayo si Jon ay hinila ako ni Jay papalabas ng classroom at pinunta niya ako sa rooftop.
Pina-upo niya ako sa gilid at inabot ang panyo niya sabay sabing.. "Okay ka lang?"
Gosh. Seryoso ba tong lalaking to? Tinatanong niya ako kung okay lang ako samantalang siya basag na yung gilid ng labi.
Dinukot ko ang panyo ko sa bag at pinunasan ang dugo sa labi niya. "Oo okay lang ako. Atsaka ako nga dapat magtanong sayo kung okay ka lang e. Tignan mo nga yang labi mo! Basag n——"
"Araaaayyy. Dahan dahan naman."reklamo niya.
"Ah sorry. E bakit ka kasi nakipag suntukan?! Tapos ikaw pa aangal na masakit!" Satsat ko at diniinan ang pagpunas.
"Ah..awww. E sorry naman. Hindi ko kasi natiis e. Hindi kita kayang makitang umiiyak at nasasaktan." Tumingin siya saakin at napatingin naman ako tapos bigla niya akong kinindatan.
"Naks naman. Nakakakindat ka pa sa sitwasyon na to ah." Natatawa kong sabi.
"Naks naman. Nakakatawa ka pa sa sitwasyon na to ah." Bawi niya sabay pisil sa kaliwang pisngi ko.
Napatigil naman ako sa pagtawa nang nagkasalubong yung mata namin. Ang awkward lang kasi papalapit ng papalapit yung mukha niya sa mukha ko. Bigla ko namang nilayo ang mukha ko at lumingon sa gilid sa sobrang lakas na rin ng tibok ng puso ko.
"ahemm. Sorry." sumbat niya at iniyuko ang ulo.
Tinawanan ko lang siya. "Halika na nga"
Hinila ko siya papalapit sa gilid ng rooftop tapos binaba niya yung bag niya sa gilid. Hindi na kami pumasok sa first subject namin at nakatingin lang sa malayo.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With You
Teen FictionAlam kong hindi imposible ang ma-fall sa isang playboy pero posible ba na magka gusto siya sayo? - I Hope you'll like it guys. PS: The settings, plot and the characters' behavior and personalities are all fiction. Don't forget to vote, comment and...