Chapter 13

1K 23 1
                                    


Jay's POV:

Ito yung first day ko sa school na 'to. Maganda siya.Hindi crowded. Ngayon,kasama ko si Karlie pumasok.Nauna na kasi si Bella at Sam kaya sumabay nalang siya sakin.
.
.
Nandito na kami sa room namin. Wala pa yung subject teacher kaya sobrang ingay at gulo. Naunang pumasok si Lily sa room. Nung pumasok na ko sa room, may lalaking biglang yumakap kay Lily na para bang hindi sila nagkita ng 15 years. Yung yakap niya hindi ko masasabing mas mahigpit sa yakap ko sakanya pero yung pagyakap niya kay Lily parang sobra sobra yung pagkamiss e. With feelings.Teka sino ba 'tong lalaking to? Nakatalikod kasi siya sa'kin. I hope na bakla to para wala akong karibal kay Lily at maligawan ko na siya.

"Ang O.A. ah! 2 araw palang tayong hindi nagkita kung makayakap to!" Narinig kong sabi ni Karlie sa lalaking 'yon.

"Syempre miss na kita agad." Sagot naman nung lalaki sabay kiss niya sa forehead ni Lily.

Hindi na ako mapakali rito dahil sa lalaking yun kaya nagsalita na ako para tumigil sila. "Ahem..Lily sino siy——"

Napatigil ako ng pagsasalita nung bigla siyang pumunta papalapit sakin nang hindi nakatingin. Pamilyar siya sa'kin. Tapos sabay sabing "girlfriend ko siya.May angal k——" Napatigil din siya nung bigla kaming nagkatitigan.

"Jon?" "Jay?"

Sabay naming sinambit ang pangalan ng isa't isa. Sh*t! Boyfriend ni Lily si Jon? Karibal ko yung pinsan ko?! Arg! Kung minamalas nga naman oh! So, itutuloy ko pa ba ang panliligaw ko? Aish!

"Kailan ka pa naka uwi?" Gulat na tanong niya saakin.

"Uhm nung isang araw lang." sagot ko. Napatingin ako kay Lily at ibinalik ang tingin kay Jon. "Kailan naging kayo?"

"Nung July 26. Bakit pala magkasama kayo? Nililigawan mo ba siya?"

"Sana kaso boyfriend ka na niya pala" Pabulong ko lang na sinabi kasi ayaw ko namang manira ng relasiyon. Hihintayin ko nalang yung time, hihintayin ko nalang yung para sakin.

Kumunot ang noo ni Jon. "Ano yun Jay? May sinasabi ka?"

"Ah wala wala."Sabi ko habang iniiling ang ulo. Ngumiti nalang rin ako kahit pilit.

"Ah" tumango siya. "Akala ko.."

.

*Karlie's POV*

What's happenin'? Magpinsan sila?! Pa'no to? May gusto sakin si Jay tapos boyfriend ko si Jon. Hays what a small world! :(
E pano na 'to?!

"Uhm.. Jon punta muna kami sa labas. May sasabihin lang ako kay Jay." Pag-iinterrupt ko sakanila, baka kung saan pa mauwi.

Tumitig muna si Jon kay Jay na para bang may gustong iparating bago siya pumayag. "O sige. You have 5 minutes lang ah. Hihintayin nalang kita dun sa upuan."

"Sige sige." Sabi ko naman sabay sila kay Jay papalabas.

Nakalabas na kami sa room. Naka upo lang kami rito sa may puno. Kami lang yung tao kasi nag aaral na yung iba. Wala daw yung teacher namin ngayong first subject kaya vacant namin ng 1 hour.

Binasag ko ang katahimikan ng paligid at tumingin kay Jay. "Jay pwede bang wag mo munang sabihin kay mama na may boyfriend na ako?....please."

Bumuntong hininga nalang siya at tumango. "Okay. Sige sige. I have no choice but to keep this to tita. Pero Lily...hanggang kailan ko itatago?"

"Ewan ko nga rin e. Basta let's keep it a secret muna kay mama." Nag-puppy eyes ako para mas effective.

Umiwas siya agad ng tingin, ewan ko ba kung bakit. "Okay. Basta wag kayong gagawa ng kung ano ano ah!"

Natawa ako sa sinabi niya kaya nahampas ko siya sa likod ng hindi malakas..well maybe malakas...konti
"baliw! Hindi naman ako ganun e.."

Nahiya ako sa ginawa ko, mukhang nasaktan siya.
.
.
Ilang segundo ay natahimik kami ulit pareho. "Uhm..Tara na sa room?" pag-iiba ko.

Huminga siya ng malalim "Osige tara na. Baka inaantay ka na ng boyfriend mo." Nginitian niya ako at nauna nang naglakad.

.
*Jay's POV*

Ang hirap palang ngumiti ng pakunwari lalo na kung sobra kang nasaktan. Hays.

*Flashback:*

"Okay. Basta wag kayong gagawa ng kung ano ano ah!" sabi ko sakaniya na ikinangisi niya.

"Hahaha baliw! Hindi naman ako ganun e.." tapos tumahimik na siya.

"Lily..gusto ko lang malaman kung pwede bang ligawan ka?"

Kusang lumabas sa bibig ko yang mga katahang 'yan, kahit ako hindi ko alam kung bakit.

"E Jay may boyfriend na ako e. Hindi ko alam kung tama ba yung may manliligaw ka kahit may boyfriend ka na." mahinahon niyang sinabi saakin.

"Karlie, I'll wait for you. I'll wait for the right time kung kailan malaya ka na at malaya parin ako. I'll wait for the right time kung saan pwede nang 'ikaw at ako' ay maaari nang maging 'tayo'." Paliwanag ko.

"Then you must wait until I'm single and free." sabi ni Karlie. Kilala ako ni Karlie e, ako yung tipo na hindi ka titigilan hanggat 'di ka pumapayag.

"Yes.I will. Basta kapag nag away kayo or nagkatampuhan, andito lang ako para damayan ka, andito lang ako para protektahan ka, andito lang ako para sayo. Pag kailangan mo ng kausap, andito lang ako."

"Okay. Salamat sa pag iintindi.. So tara na sa room?"

Napa buntong hininga nalang ako at ngumiti ng pilit tapos nauna nang pumunta sa room habang siya ay nakasunod.

*End of flashback*

Hays. Hindi ko kayang tignan si Karlie at ang pinsan ko na masaya sa isa't isa at parang mahal nila ang isa't isa. Bakit kasi ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na manligaw. Edi sana ngayon, ako yung kasama ni Lily. Sana ngayon ako yung kausap niya habang nakangiti. Edi sana nasa akin na siya ngayon at masaya kami. Bakit ba kasi napaka torpe ko!

Ang daming nasayang na oras at araw noon dahil lang sa laging umuurong yung dila ko kapag nakatingin ka sakin. Sana darating din yung time na sa akin ka.

Ilang segundo lang ay tumunog na ang bell.

Hay buti naman at recess na. Hindi ko na talaga kayang tignan sila ng sobrang sweet.

Nandito ako sa canteen. Humiwalay ako sakanilang dalawa kasi baka mawalan pa ako ng gana. Nandito ako nag iisa sa pinaka gilid ng canteen kasi sobrang ingay ng mga estudyante mag usap. Dito sa pwesto ko, medyo tahimik kasi walang naka upo sa mga gilid ko.

I'm In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon