Chapter 7

5.2K 173 25
                                    

Napaupo ako sa sahig nang matapos kong basahin ang nakalagay sa sulat. Is the killer someone I know? How? At bakit pati pamilya ko idadamay? In the midst of this, kailangan kong maging matapang kahit na natatakot din ako para sa sarili ko. I'm new to all of this at hindi na kinakaya ng utak ko. Ilang araw pa lang pero yung buhay ko parang nilipasan na ng isang taon.

Nagmadali kong nilinis lahat ng kalat, nagsisimula na rin kasing mangamoy masangsang. Kumuha ako ng gloves, saka mop sa baba.

Isa-isa kong dinampot ang mga nakakalat na labi ng mga hayop at isinilid iyon sa isang trash bag. I mopped the blood that is cattered all over the floor. Malapit na iyong matuyo kaya mabilis kong minop lahat.

Pagkatapos, lumabas ako para itapon ang trash bag sa may kanto ng village para sa garbage collection bukas ng umaga.

Pagkabalik ko sa bahay, nag-shower agad ako. Kanina pa walang tao dito sa bahay at ako lang. I'll admit na natatakot ako, pero hindi ko pwedeng sabihin sa kahit na kanino.


NAGISING ako sa alarm ko. I can't remember na nag-set ako ng alarm. Its 5:45 a.m. and my classes are at 7. Nag-review lang ako saglit at naligo. Kinuha ko ang bag ko at nag-ayos na.

Bumaba na ako para magbreakfast, wala doon si Shai at saka si Papa.

Umupo ako sa harapan ni Mama.

"Where's everbody?" Panimula kong tanong.

"Ewan ko at nagmamadali ang dalawang umalis. How's school pala? Hindi ka na nagkukwento ah."

"Ayos lang naman po." Pagsisinungaling ko. Sino ba naman ang magiging okay?

Mabilis kong inubos ang pagkain dahil baka ma-late na ako.

Agad akong sumakay ng kotse at sinabihan si Mang Hener na bilisan niya ang pagda-drive. Ayoko kasing maabutan ang mga tao sa school sa grounds.

Hindi ako mapalagay. Simula kagabi, kinakabahan na ako dahil sa sulat na iyon. Sigurado akong tototohanin niya lahat ng isinulat niya do'n.

Nang makarating ako, huminga muna ako ng malalim bago pumasok.

Pagpasok ko palang, ramdam ko na na mayroong kakaiba. Like always.

Tinext ko si Maria kung nasaan na ba siya at ang sabi niya nasa room na sila, kaya tumakbo ako patungo sa room namin.

Di ako makatulog kagabi, dahil nagf-flashback sa utak ko yung madugong scene kahapon sa bahay. Ni hindi ko alam pa'no ako nakatulog. Hindi ko maalala. Hanggang ngayon ay iniisip ko kung sino kaya si A.

"Kyla, anong nangyari sayo? You look pale. Mukha ka ring puyat na puyat." Tanong ni Joyce na may pag-aalala.

"Kagabi kasi, nagreview pa ako. Hindi rin ako makatulog sa dahilang hindi ko alam. Don't worry about me, makinig na lang tayo sa ituturo ngayon." Sagot ko. Natututo na akong magsinungaling sa lahat ng nakapaligid sa akin.

Sa totoo lang pinipilit ko lang na makinig sa lesson. Wala akong gana ngayong araw, gusto ko nalang umuwi at matulog. I want to learn, pero peste! bumabalik sa isip ko yung nakasulat sa iniwan na papel ng lecheng A na yan. Pre-occupied na yung isip ko.

Hindi ko na namalayan na tapos na pala ang klase at break time na.

"Earth to Kyla." Walang emosyong pagbasag ni Maria sa tulalang ako.

"Are you coming wih us or not? Gutom na kami." - Joyce

"Eto na nga tatayo na nga. Sorry." 'Yan nalang ang nasabi ko.

"Mauna na kayo, sasamahan ko lang yung kambal sa library then susunod na ako. Wait for me there." Paalam ni Joan sa amin. Wew, there something going on with them.

Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now