Chapter 9

4.2K 129 12
                                    

Pagkatapos ko maglista, nakatanggap ako ng text galing kila Maria na nacontact na daw niya ang mga magulang ng kambal, bukas na raw ang mga ito ililibing dahil parang maagnas na raw ito. Natatakot ako pumunta bukas.

Nagpre-pack ako ng mga gamit at sa sobrang pagod, natulog ako ng maaga. Baka mawalan ako time bukas. Pagiisipan ko kung makikipaglibing ako.

Friday na rin kasi bukas, pero still, nagdadalawang isip ako kung sasama ako.

Jusme, bakit ba naman kasi kung kailan may issue sa section namin saka pa nagkaroon ng ganitong camping. Mga walang isip. Hindi rin namin alam kung saan pa kami magccamping. Kung sa school ba or sa liblib talaga ng lugar.

FRIDAY came, the day na ililibing ang kambal, I didn't come, instead, I waited for them na magsipasok ngayon. Hindi excuse ang libing para hindi sila pumasok.

Lumabas ako saglit at nagpunta sa canteen para bumili ng pagkain. Break time na at dahil nga may libing pa silang pinuntahan, pina-late ang klase namin at naging tanghali.

Pagbalik ko, nanlaki ang mata ko nang makita si Anne. After ilang days, ngayon lang siya pumasok.

Hindi ko mapigilang magtanong kung anong nangyari sa kanya.

"Uy Anne, kumusta ka? Bakit ngayon kalang pumasok? Ayos ka lang ba? Anong nangyari sa'yo?" Sunud-sunod kong tanong sa kanya.

"Ayos lang ako. Nagkasakit kasi ako ng ilang araw din, saka nagkaroon din  ng family problem kaya ayon, mas napatagal. By the way, parang ang aga mo ata? Nakipaglibing ka ba?"

"Hindi nga eh. Baka nga dalawin ako." Tapos nagtawanan kami.

Nakarinig ako ng mga yabag ng mga nagtatakbuhang tao. Sure ako na mga kaklase naming mga weirdo 'yan. Dagdag mo pa ang ingay ng mga tawanan at sigawan. Kala mo nakatakas sa mental.

Pumasok silang lahat sa room ng may mga ngiti sa mga labi nila. Parang may nalagpasan na naman silang kalbaryo. Nakakapagtaka nga  na parang walang nagyayaring masama sa section namin. Laging masaya, balewala sa kanila na mawalan ng mga kaklase. Parang hindi sila nawawalan ng kasiyahan. I think that its a good thing na naglelet go kami sa mga bagay na nakakasakit sa amin. Masama man maging masaya dahil sa mga nangayayari, pero hindu maiwasan kasi nandito pa kami, kahit bawas na, sama-sama pa rin. Can't wait to finish this school year safe.

"Bakit di kita nakita kanina doon?" Tanong ni Alex sa akin na huminto sa harapan ko. Napairap ako. What's with the question? Ano naman kung wala ako kanina doon? Kailangan ba nandoon ako?

"Eh sa wala ako kanina eh." Nabubwusit na ko sa Alex na 'to ha. We're not even close.

"Sungit mo talaga. Tinatanong lang naman kita." Nakanguso niyang sabi. What the actual fuck? Did he just pout at me? Sarap paduguin ng nguso ah.

The classroom is in total chaos. Parang sinalanta ng kung anong bagyo. Kanina ang ayos ayos, ngayon, napakagulo.

Salita ng salita si Maria. 'Di talaga 'to nauubusan ng chismis. Nagsalpak nalang ako ng earphones sa tenga ko. Hindi ko masyadong nilakas para naman pag dumating si Ma'am, malalaman ko agad.

Ilang sandali pa, may narinig akong pito na napakalas. Parang kaming video na biglang nag pause. Mabilis na nagsikilos ang klase at inayos ang mga bangko at nagsiupo ng maayos.

"As you all know, bukas na ang camping. I'm assuming all of you are coming at ready. Please lang class, walang mawawala bukas ha."

Walang mawawala? Seriously?

"Pinapaalalahanan ko lang kayo na graded iyon. Don't be afraid. Co-incidence lang ang lahat. If we stay together, walang mangayayring masama."

You wish.

"Okay class, please bring out your activity book and notebook. Answer the questions on page 21 hanggang page 30." Sabi ni Ma'am. "I will be back, may aasikasuhin lang ako." Tapos lumabas na siya.

Kukunin ko na sana ang notebook ko sa bag ko, nang makita kong bukas na iyon.

Merong bond paper na nakalitaw kaya binuksan ko na.

Pagkabukas ko, merong message na nakasulat gamit ang blood stain.

I'M WATCHING YOU.

-A

Bakit ba palaging ako nalang ang nakakatanggap ng mga ganito?

I crumpled the paper at ibinalik iyon sa bag ko. Hindi nila pwedeng makita iyon. Baka malaman nila na ako ang pinupuntirya at makialam sila at sila naman ang patayin na sunod.

Binalik ko ang atensyon ko sa mga gagawin ko ngayong araw. Ayokong masira niya ang focus ko. Walang magagawa ang ang takot ko.

Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now