Chapter 15 (The Activity)

3.4K 115 6
                                    

Kyla

Bumuo muna kami ng bonfire bago magsimula. Umupo kami sa tapat ng tent namin, dahil nakapaikot ang mga tent. Nasa gitna kami ng palibot ng tent.

Nagsilabasan na rin yung iba naming mga kaklase at kanya-kanyang pwesto sa mga logs na nakalatag.

Napakamalas ko ngayong araw na 'to.

Ang malas ko at nakatabi ko si Alex at Aldrich, sa lahat ba naman ng makakatabi ito pang dalawang 'to. Kawawang Aldrich, walang kinalaman sa mga nangyari kanina. Pangamba ko lang naman eh baka asarin ako nila Maria kay Aldrich kaya iwas ako sa kanila.

Umalis muna ako sa gitna ng dalawang dikya na 'yon at pumunta kay Maria. I have a plan at kailangan ko iyong ipagkalat.

"Hoy, I have a plan. Gaganti ako kay Ma'am Fajardo dahil muntik na akong atakihin sa puso sa sinabi niya kanina."

"Ano namang gagawin mo?"

"Just watch."

"Siraulo ka talaga HAHAHA."

Nagpaalam ako at bumalik sa upuan ko.

Bale alternate babae, lalaki. This seat plan is too old. Gasgas na gasgas na.

"Okay class. Let's start with a prayer, maghawak-hawak kayo ng mga kamay." Nagsimula na kaming maghawak hawak ng mga kamay. Ang sakit at ang higpit ng hawak ni Alex sa kamay ko, yung tipong mababali lahat ng daliri ko. Hindi ko naman pwede alisin dahil we're praying. Napaka-awkward ng situation ko. What did I get myself into? Bakit pa kasi si Aldrich yung napili kong pangalan kanina?

Napatingin ako sa gawi nila Maria at aba, akala mo magjowa na sila, pati rin sila Anne. Mga galawan talaga.

Napatingin sa gawi namin si Drake at biglang tumawa. Buti di narinig ni Ma'am. Nagppray tapos tumawa. Demonyo talaga.

"Okay, ang first activity natin is telling the truth. To cleanse our soul. Sa lahat ng mga kasinungalingan na pinagsasasabi niyo these past years. So, sino gusto mauna?" Tanong ni Ma'am.

Its time for my prank. Hindi 'to magandang biro pero well, I will do it any way. Ngumiti ako kay Maria. Pagsenyas ko na ito na yung revenge ko kay Ma'am.

Nagtaas ako kamay. Acting mode is on.

"Okay, Kyla."

Kumindat muna ako kay Joyce dahil alam na rin niya ang gagawin ko. Siya ang una kong pinagsabihan at nanghiram ako ng props sa kanya.

Tumayo ako at lumapit ng kaunti sa kung saan si Ma'am Fajardo na kaupo. I smiled creepily.

"Ma'am, 9-15, I have a confession to make. Pasensya na kung natatakot kayo ngayon. Hindi madali itong aaminin ko pero dahil nandito nalang din tayo, aaminin ko na. Ako po ang killer, at ikaw Ma'am ang susunod sa listahan. You can run, but you can't hide." Bakas sa mukha niya ang takot. I smiled at her creepily, pati mga kaklase ko eh medyo natatakot na. Siyempre, 'di ko kakalimutan yung props ko. Inilabas ko yung dalang kutsilyo ni Joyce na hiniram ko kanina, nakita kong takot na takot si Ma'am Fajardo. Bigla siyang tumakbo at nadapa pero tumayo ulit siya at kumaripas ng takbo. Hindi ko naman siya hinahabol. Bahala siyang maligaw. Ang sama nang idea pero wala, inumpisahan niya, tinapos ko lang.

Nagtawanan kami dahil sa ginawa ko. Buong 9-15 din ay nagtawanan. Sinabi ko na rin na hindi talaga ako yung killer, dahil di ko naman magagawa yun.

Hinintay namin na bumalik si Ma'am Fajardo.

Ilang oras din ang hinintay namin pero hindi na siya bumalik. Kaya, napagpasyahan namin na bumalik nalang sa kanya-kanyang tent at magpahinga na. Nagsitayuan na kami at pumasok sa tent.

Pagpasok ko, siya namang hila sa akin ni Alex.

"Aray! Ano ba? Kanina ka pa ah. Kukutusan na kita." Hindi siya nag patinag.

"Samahan mo lang ako sa labas, may sasabihin ako sa'yo hindi na mapigilang itago eh." Bulong niya sakin. Ano na namang pakulo 'to.

Lumabas kami at tinanong ko siya kung ano ba talaga ang sasabihin niya.

"Ano ba 'yang sasabihin mo? Pakidaliaan kase pagod na 'ko. Gusto ko nang magpahinga." Sabi ko sa kanya. If this is nonsense I swear, makakatikim siya ng hampas.

"I l-l-love you." What the hell?

Ano daw? He loves me? Nakakatawa.

Napatawa ako ng kaunti. "Sorry Alex, but the feeling is not mutual." At kumaripas akong tumakbo sa tent, at nagtalukbong sa kahihiyan. What the heck did I just do? Nakakahiya.

"Kyla!" Rinig kong sigaw ni Alex na hingal na hingal. He's here jusmiyo.

"Bakit ba?" Inalis niya ang talukbong ko.

At bigla niya akong hinalikan. Hayop! Dito pa talaga sa loob ng tent.

"Hoy bawal PDA dito."

Naiinis ako kay Alex pero bakit parang gusto ko 'tong ginagawa niya. Kumalas ako, pinandilatan ko siya.

"Ano bang ginagawa mo ha!?" Tanong ko sakanya sabay pingot

"Aray ah! Wala lang yun matulog ka na." Sabi niya sa akin.

Aba? Ganoon nalang 'yun? You stole my first kiss tapos wala lang 'yon? Kabastos.

"Anong wala?! You stole my first effin kiss! Ganoon nalang 'yon?"

"Shut your mouth and go to sleep."

What the heck is wrong with this rude bastard? Whatever, I'll just go to sleep para hindi na humaba usapan. Nabubwisit lang ako.

Sana 'di pa makabalik sa Ma'am Fajardo para masaya at ma-enjoy namin ang camping. Pero sana naman ligtas siya. Fingers crossed.

Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now