Chapter 36

1.6K 50 10
                                    

Kyla

Hindi namin napansin kanina ang mga naka park na mobile ng mga pulis. Pagpasok namin, bumungad sa amin ang mga pulis na dala ang mga bangkay ng mga kaklase namin. Nakalagay ang katawan nila sa body bag  pero kita ang mga mukha upang ma-identify kung sino sila. A tear fell down from my eyes. Ilan pa ba ang kailangan mawala para matigil ang lahat ng 'to? Uubusin ba talaga nila kami?

Napatigil kami sa paglalakad nang may lumapit sa aming pulis.

"Anong section niyo mga hijo't hija?"

Hindi ko alam kung isasagot ba namin ang totoo. Mahirap na ang sitwasyon namin.

"A-ah taga 9-15 po kami." Pagsagot ko. Pinanlakihan naman ako ng mata ni Anne.
See
"May nakapagbalita sa amin na hindi ito ang unang beses na may nabawian ng buhay sa section niyo. Itong patayan na ito ay matagal nang nangyayari. Totoo ba?" Naglabas siya ng maliit na notebook.

"O-opo." Sabay sabay naming pagsagot.

"May nalalaman ba kayong kahit anong impormasyon tungkol rito?"

"W-wala p-po." Sagot naman ni Anne. Alam kong natatakot siya dahil sa background niya. Alam kong mali ang ginawa niya at gustuhin ko man na isuplong siya, wala naman akong karapatan dahil bago pang din ako. Alam kong susuko siya sa tamang panahon.

"Kung meron man kayong malaman, ipagbigay alam niyo sa amin agad."

Tumango kami bilang pagsagot. Pagtapos ay umalis na ang pulis. Patuloy kaming naglakad hanggang sa room namin.

Pagpasok namin, wala pa ang teacher kaya nag chikahan muna kami. Hindi ko inaasahan na maitanong kay Anne kung ano nga ba ang plano niya. Kahit na ganoon, may kasalanan pa rin siya sa batas. Natatakot rin ako para sa kaniya.

"Ahm Anne, I wanted to ask you something." Panimula ko. Ayoko naman biglain dahil baka magalit siya.

"Sure. What is it about?"

"I remember that you confessed about killing people. I know you know it's a crime. Natatakot ako para sa 'yo pero kailangan mo ring aminin 'di ba? Para wala nang mabigat sa nararamdaman mo. I know wala ako sa lugar para pagsabihan ka pero I'm your friend. I care about you. At alam kong nababagabag ka. We see that you are happy but is it genuine? Is your happiness genuine?"

Napayuko nalang siya.

"Alam ko naman iyon. Pero hindi pa ako handa. Marami pa akong pangarap. Siguro matapos ko pang itong last grade, aamin na ako. Hindi na rin kaya ng konsyensya ko. Alam ko naman na concerned kayo sa akin pero hindi ko pa talaga kaya. Maghin—," hindi na niya naituloy dahil biglang pumasok ang teacher namin. Nagpulasan kami at bumalik sa mga dati naming pwesto.

"For today, I only have an announcement. Pagkatapos no'n you can go home. I want you all to know that the retreat is again, moved. But this time, it is early. The retreat is happening tomorrow. Kailangan niyo na maghanda mamaya kaya maaga ko kayong pauuwiin. But you have the choice. Kung uuwi kayo, umuwi kayo. Kung gusto niyo pa magchill, magchill kayo dito. Pero the classes will be cut by 11:00. For tomorrow, dapat nandito na kayo bago pa mag 5:30 a.m. let's say na 5:00 a.m. ang all in natin. So by 5, nandito na kayo. Magimpake at maghanda pag uwi ha. That's all for today."

Lumabas na si Ma'am kaya nagkagulo na ang buong room. Kung panaginip lang 'to pakigising ako. Bangungot na 'to eh. Na move nga ang retreat, perp bad news naman  dahil bukas na agad 'yun. Ganda ng umaga talaga rito sa PHU.

"Punta tayong cafeteria. Doon na tayo mag-usap. Gutom na rin ako eh." Pagaaya ni Joyce.

Lutang akong lumabas ng room kasama sila. Pumunta kami sa cafeteria para kumain at mag-usap.

Nang makarating do'n, agad kaming umupo sa usual place namin. Naupo ako sa gilid katabi ni Maria.

"So anong balak natin? Tutuloy pa ba tayo?" Panimulang tanong ni Maria.

"Ano ka ba? Siyempre tuloy. Sayang grades natin. Points din 'yun eh."

"Umuwi na kaya tayo." Sabi ko sa kanila.

"Alam mo 8:30 palang excited ka?" Sarcastic na sabi ni JM.

Di nalang ako sumagot.

"Mamaya nalang tayo umuwi. Nakakatamad rin." Ani ni Maria. "Kila Kyla tayo tuloy?" Pagdugtong niya.

"Kayo bahala." Sagot ko.

Someone

Hindi ko akalain na may gusto rin talagang pumatay sa mga 'to. They're really dumb. Akala naman nito na walang nakakaalam na siya ang killer. Itimbre ko na kaya 'to para wala nang sagabal sa mga plano ko? Pero mas maganda siguro kung pati siya paglalaruan ko? I think that's a good idea. Hindi ko hahayaang maunahan mo ako sa mga plano ko Jade.

Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now