Kyla
Naisipan kong itext si Anne. Tatanungin ko siya kung sasama ba siya sa retreat. Well, may balak kasi akong hindi sumama. Kahit na mawalan pa ako ng grade. Nakakailang text na ako. Baka maubos load ko rito sa bruhang 'yon. Hindi pa rin siya sumasagot kaya tinawagan ko na siya.
*bzzzzzt*
Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya nagmadali kong abutin iyon sa bed side table ko.
From: Joyce
Ky, tanong ko lang kung may nag te-text ba sa'yo na unknown number?
Noon, oo pero recently wala naman. Kinabahan ako bigla.
To: Joyce
Recently, wala namang nagte-text sa akin. Bakit?
From: Joyce
May nagtext kasi sa akin kagabi. Ang tanging laman ng text 'be ready' daw. Natatakot na ako.
Be ready for what? Mas lalo akong kinabahan. Hindi kaya...
Calling Joyce...
(Hello Ky.)
Anong number ng nagtext?
(09*********.)
Gusto mo ipa-trace natin? Baka kasi seryoso 'yan.
(Baka kasi pina-prank ako nila JM. Pero kapag nagtext ulit, tatawagan kita.)
Sige. Mag-iingat ka. 'Wag kang lalabas ng wala kang kasama.
(Sige na Ky, salamat. Mag-iingat ka rin.)
Napakademonyo talaga ng kung sino man 'yon. Mahahanap ka rin namin. Not now, but soon.
*bzzzt*
Muli na namang nag-vibrate ang phone ko, this time, kay Anne naman galing ang text.
From: Anne
Wanna join us? Gagala kami.
Aba, naisipan pang gumala. Hindi ko na tatanungin kung saan. Basta sasama nalang ako. Dakilang kaladkarin naman ako eh.
To: Anne
Sige ba. Basta susunduin niyo ako.
From: Anne
Okay, 10 minutes.
Hala. 10 minutes lang? Dali dali akong nagpunta ng banyo para maligo. Binilisan ko lang dahil 10 minutes lang daw nandito na sila, pero duda ako. Late naman sila lagi eh. Pagtapos ko, nag-ayos lang ako saglit at inayos ang sling bag na dadalhin ko. Sa loob no'n ay mga essentials ko. Chineck ko kung meron pa ba akong naiwan na nakasaksak na mga kurdon saka ako bumaba. Hinablot ko ang sapatos ko sa may shoe rack then sinuot na 'yon.
Nagpasya ako na sa may front garden nalang ako maghintay.
*dingdong*
Nagmadali akong tumayo para buksan ang gate. Nagmamadali naman silang nagsipasok lahat.
"Oh teka, akala ko ba aalis tayo? Bakit nagsisipasok kayo?" Nagtatakang tanong ko.
"Makikiinom saka makiki-cr na rin hehe." - Maria
Aba naman talaga. Galing na sa kanila hindi pa roon nag-cr at uminom.
Sila JM naman ay naiwan kasama ko.
"Anong naisipan niyo at nag-aya kayong umalis?" Tanong ko.
"Nakalimutan mo na ba? 40 days na ng kambal? Bisitahin lang natin." - Jay
Lumabas na si Maria kaya nag-aya na ako na umalis na.
Isa isa na kaming sumakay sa van and as usual, si Drake ang driver. Pagpasok namin ng van, napakatahimik namin. It is very unusual. Hindi ko rin alam bakit ganito kami katahimik. Well, hindi naman namin gaano ka close ang kambal pero siyempre, nalulungkot pa rin kami. And to think that Anne, our friend, is the one who killed them. She owned up to her mistakes naman na. Pero parang trauma na rin 'yon para sa kaniya. Namumutla siya ngayon. Kung ako ang tatanungin, hindi ko na gusto banggitin mga pangalan nila. Lalo na't nandiyan si Anne kasi alam kong sisisihin na naman niya ang sarili niya at lulugmukin ang sarili niya. She can be depressed or anything.
"Kamusta na kaya ang pamilya ni Joanne? Sana ayos ang lagay nila." pagbasag ko sa katahimikan.
"I'm sure okay sila at masaya. Kahit wala naman na si Joanne, tuloy ang buhay nila." sabi naman ni Jay.
"Nakita niyo na ba ang announcement ng school sa website nila?" Pagtatanong ni Joyce.
"Hindi pa? Ano ba 'yon?" - Anne
"Sandali babasahin ko," hinananap niya ang announcement. "We, Precious Hillton University, is happy to announce that the Junior and Senior promenade will happen few days from now. It will take place at our school Auditorium. We are hoping to see you all soon," napabunting hininga siya, "Hay nako talaga 'tong PHU, wala nang ginawang aksyon sa mga nangyayari sa section natin. Puro announcement ng kasiyahan ang ginagawa nila tsk tsk."
Sabay-sabay nalang kaming napabuntong hininga. Hindi na ako aasa pang sususlusyonan ng eskuwelahan ang problema ng 9-15. Sabihin lang nila na "Problema niyo 'yan, wala kaming pakialam."
Hindi namin namamalayan na dumating na pala kami sa patutunguhan namin.
"We are here."
Isa isa kaming bumaba para pumunta sa puntod ng kambal. May mga bulaklak at kandila na rin na nandito. Mukhang dinalaw na sila ng mga kaanak nila. Ngayon, kami namang mga kaklase nila.
Nagtirik din kami ng kandila saka nag-alay ng bulaklak.
"Pasensya na kayo sa nagawa ko ha. Nainggit lang talaga ako. Bigla nalang nandilim ang paningin ko noon. Galit na galit ako noon sa mundo. Sorry talaga. Pinagsisisihan ko na lahat ng nagawa ko. Kung nasaan man kayo, patawarin niyo sana ako." Ani ni Anne na nakaluhod ngayon sa puntod ng kambal.
Hinayaan lang namin siya. Para rin mailabas niya lahat ng kinikimkim niya. Lalo na yung paghingi niya ng tawad.
Tumambay lang kami ng ilang oras saka namin napagpasyahan na gumala. Tutal naman wala kaming pasok ng 1 week, sulitin na namin.
Sumakay na ulit kami sa van, nang naka settle na kami lahat, pinaandar na ni Drake ang sasakyan.
"Teka sandali, saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Alex.
"Kung sa'n man tayo dalhin ng sasakyan na 'to." sabi ni Drake na ikinatawa naming lahat.
YOU ARE READING
Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]
Mystery / ThrillerClass 9-15, ang tinaguriang last section. Normal na mga studyante, makukulit, masaya, masisipag. Pero lahat nang 'yan nagbago simula ng dumating ang kambal na transferee. Pero isang tanong lang ang bumabagabag sa akin. Bakit kami unti-unting nauubos...