Chapter 12

3.6K 122 4
                                    

Kyla

Idinilat ko ang mga mata ko dahil sa naramdaman kong tagagtak ng pawis. Naramdaman ko rin na sasabog na ang pantog ko. Umayos ako sa pagkakaupo.

"Nasaan na tayo?" Tanong ko sa kanila.

"Nasa kotse pa rin, de joke lang. Malapit na ata tayo, ayaw kasi nilang sabihin kung saan ang camping site eh." Sabi naman ni Jerich. Kasi naman, sinusundan lang namin ang sasakyan nila Ma'am. Mukha kaming tanga.

Nakaramdam na rin ako ng pagkahilo.

"Nag stop over na ba tayo? Sasabog na ata pantog ko." Sabi ko naman.

"Nag stop over na kanina pa habang tulog kayong mga babae." Sabi naman ni Drake. Aba napaka salbahe talaga ng mga 'to. Mga walang malasakit.

"Ang daya niyo naman, b'at di niyo man lang kami ginising? Salbahe niyo, mga walang malasakit sa kapwa." Inirapan ko sila. "Bakit hindi niyo kami ginising?!"

"Eh sa ayaw namin eh, wala kayong magagawa d'on" sabi naman ni Alex. Aba, ang bwisit na ito nagsalita pa. Hindi naman siya kasali sa usapan.

"Hindi kita kinakausap." Pagtataray ko. Ang bait ko sa'yo kanina tapos bubuwisitin mo ako.

"Bakit ba ang sungit mo sa akin ah? Inaano ba kita?" Tanong niya sa akin. Aba nagtanong pa ang animal.

"Naaalibadbaran ako sa mukha mo eh, wala ka ding magagawa d'on." sabi ko sa kanya.

"Pasalamat ka scndusishba." Bulong niya hindi ko naman narinig. Malamang bulong nga pa'no ko maririnig? Gosh Kyla, you weirdo.

"Nay sinasabi ka?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya. Napakapilosop ng mga bwisit na 'to. Sinama sama pa kasi ni Maria. Alam kong bubwisitin lang din naman siya ng crush niya.

"Wala. Psh. Manhid na bungol pa."

Tinignan ko siya tapos inirapan ko.

Ako na bwibwisit na ako ah. Nangangawit na pwet ko sa kakaupo at nac-cr pa ako. Putek na yan nasan na ba kami? Sasakalin ko nag pauso nitong camping na 'to eh.

Nabored ako kaya nag cellphone nalang ako, buti may dala akong spare battery, power bank saka charger. Nakinig ako sa music, 'di na ako nag earphone para naman iyon nalang ang magsilbing ingay sa van. Imbes na mga boses ng mga 'to na nakakairita.
Tumugtog yung Wonderland ni Taylor Swift, nagulat ako kasi lahat sila sabay sabay na kumanta pwera sa akin, at ang masaya pa feel na feel ng mga lalaki yung kanta. Mukha silang baliw. Si Joyce mukhang aso sa itsura niya parang kumakahol, si Anne saka si Maria maganda boses.

My favorite song played and I can't resist to sing it.

I sang pero mahina lang ang boses ko. Bigla naman nagsisabay sila Maria sa pagkanta ko. Natigilan sila Jerich at napatingin sa amin.

"Hoy paawat naman kayo." Sabay saby nilang sabi sa amin.

Tumigil kami para hindi na humaba ang usapan at baka maurat lang kami. Nag stop over kami sa isang gasolinahan. Sa wakas! Dali dali akong tumakbo sa cr.

Pagkalabas ko, naabutan ko sila sa may convinience store. Sumabay ako sa kanila sa pagbili. I bought canned coffee. Nang makita namin na nakasakay na lahat ng mga kasama namin, bumalik na rin kami.

Agad na pinaandar ni Drake ang Van at sumunod sa bus kung saan nakasakay sila Ma'am Fajardo at ilan pa naming mga kaklase.

We chilled.

"Ano kaya mangyayari sa atin?" Out of the blue kong tanong.

"Huwag niyong isipin na may mangyayaring masama. Magccamping tayo to enjoy saka makakuha ng grade dahil sa activities. Isa pa, kasama natin ang adviser natin, sigurado ako na iingatan niya tayo." - Alex.

"Eh kahit na ganoon, hindi pa rin maaalis yung pangamba sa amin na may mangyari lalo na yung sitwasyon natin. In the middle of nowhere, ni hindi natin alam kung may mga kalapit na bahay bahay doon." -Maria

"Huwag na nating pag-usapan, nagkakatakutan lang tayo." -Anne

"Dahil si Kyla bago pa lang, kilalanin kaya natin siya." Pagiiba ng topic ni Drake.

"Okay, I'll ask a question. Ako muna. Where are you from? Bago ka mapunta sa town natin?" Panimula ni Anne.

"I'm from Makati."

"Birthdate?" -Maria

"March 10, 2000"

"Favorite Food?" - Alex

"Probably, Mango."

"Bakit ka napunta sa town?" - Drake

"I don't really know the reason. Siguro may business doon si Papa? And I've been wanting to study sa Precious Hillton."

Natawa sila. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Why are you laughing?"

"You wanted to study at Precious Hillton? Really? If I were you, I wouldn't want to. If may iba pang school na kalapit lang natin, I will surely withdraw from that school." - Jerich

"Pero hey, if hindi ako nag-aral doon, hindi niyo ako kasama ngayon."

"Well, you have a point. We like having you sa section. Feeling namin iaangat mo kami." -Joyce

"Hindi lang ako, tayong lahat. We need to work together to achieve our goals para sa section natin."

"Next question na, my turn." -Joyce "Favorite color?"

"I would say red."

"So you like seeing blood huh?" -Alex

"Duh, I hate seeing blood. I've seen too much of it already."

Nagpatuloy lang kami sa pagkukwentuhan. Nakakausap din naman pala sila ng maayos. Ayaw lang talaga nila magseryoso.

Napasarap ang kwentuhan namin at hindi namin namalayan na nasa camping place na pala kami. Nakahinto na pala yung bus sa harap namin. Hindi ko pa rin magets ang trip namin at nagdala kami ng sariling sasakyan. Bigla kong naramdaman na nasusuka na ako.

"Samahan niyo naman ako oh."

"Bakit? Ayos ka lang ba?" -Maria

"Nasusuka na ako."

Agad akong bumaba dahil nasusuka na ako. Nagsibabaan na din lahat ng nasa bus pati sila Joyce para samahan akong sa kung saan man pwede sumuka.

Nagmamadali kaming pumunta sa pinakamalapit na portalet, natanaw namin kanina.

"Ayan, kung ano ano kasing kinain kanina." Natatawang sabi ni Joyce. Tinignan ko siya ng masama pero tuloy pa rin siya sa pagtawa.

"I just drank coffee. Kanina pa kasi ako nahihilo dahil hindi ako sanay sa mahabang byahe."

"Palusot ka pa HAHAHA." Hay nako, 'di ko na ipipilit.

"Bumalik na tayo, baka mag check ng attendance si Ma'am at madatnan na wala tayo roon."

Nagtakbuhan kami pabalik. Buti nalang at may maliit na pathway at nakarating kami pabalik na hindi naliligaw.

Pagbalik namin ay nadatnan namin ang mga gamit namin na nakanaba na mula sa sasakyan. Sila Jerich ata ang nagbaba.

Malapit na ring gumabi. Nag sort na kami ng gamit. Kinuha ko ang mga gamit ko. Kinuha ko ang tent ko at sinimulang i-set up 'yon. The struggle is real. First time ko 'tong gagawin. Mukhang pati sila Anne ay nahirapan.

I'm just wishing na mapabilis ang araw at makauwi kami ng ligtas.

Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now