Chapter 13

4.2K 131 72
                                    

Time check, its already 8 p.m.

Magdadalawang oras na simula ng matapos naming i-set up ang mga tutulugan namin for five days.

Ilang oras na rin kaming nakatunganga dito at nakaupo sa mga logs. Ang sabi sa amin sa orientation, obligado kaming sumama kasi daw  maraming ipapagawang activities sa amin iyon pala, joke lang. Sira na ata ulo ni Ma'am eh.

Coming here is a bad idea.

Lahat daw obligated na sumama pero wala naman palang gagawing activity, humanap lang ata ng kasama to si Ma'am  mag camping eh. Lakas amats.

Tumayo si Ma'am sa gitna at pumito siya. Jusmiyo marimar naman talaga at nagtawag pa ng engkanto. Napa-face palm nalang ako.

"Okay so let's start, ginawa ko itong camping na ito dahil sa kagustuhan kong patayin kayo lahat." Kasabay no'n ang napakalakas na evil laugh.

Nagulat kami sa sinabi ni Ma'am. What the actual fuck? Sabi na, maling-mali na sumama kami eh. This is it.

"Joke lang, kayo talaga masyadong matatakutin, ginawa ko itong camping para sa quality time natin." Sabay sabay kaming nakahinga ng maluwag.

Kung siya kaya takutin ko at sabihing papatayin ko siya, ewan ko lang kung pagbalik ko may papasukan pa akong school.

"Mamayang midnight tayo magsisimula ng mga gagawin natin okay so for now, magliwaliw muna kayo! Have the time of your lives! Be wild."

Edi wow Ma'am Fajardo tusukin ko yang bilbil mo eh. Para kang biik na tumatawa dyan! Nakakainis. Gusto ko nang umuwi. Its nonsense.

"Hoy ang lalim ng iniisip mo ah." Sabi ni Joyce.

"Gusto ko nang umuwi." Matamlay na sagot ko.

"Mamaya sa akin yang si Ma'am Fajardo, babarahin ko yan. May nalalaman pa siyang joke ah. 'Pag wala na tayong makain, i-lechon natin siya." Sabi ko kay Joyce at nagtawanan kami.

"Joyce, pa'no kung ako yung pumapatay, anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya.

"Edi ngayon palang uunahan na kita. Papatayin din kita ngayon na." Tapos naglabas siya ng kutsilyo na maliit,tapos tinapat niya sa akin. Nagulat ako nang nakita ko iyon.

"Oy nagbibiro lang naman ako. Bakit naman may dala kang ganyan? Anong gagawin mo dyan? Alam mo namang bawal magdala ng ganyan."

"Tange, in case of emergency. Kunwari taga section natin ang killer. Ilalabas ko 'to para ligtas tayo."  What a good answer Joyce.

"Sa ngayon guys, matulog muna kayo or better magpahinga para 'di kayo antukin mamaya sa activity natin na walang kinalaman sa academics." Sabi ni Ma'am Fajardo. Maka guys sa samin akala mo kasing edad lang namin.

Sinunod namin siya at pumasok na kami sa kanya kanyang tent,ang dalang tent nila Maria, parang bahay ang laki, tapos ang napakatalinong Drake nagdala ba naman ang mokong ng kutson. Mali pala, malaking kutson mas malaki pa sa kama o diba. 'Di namin nagamit tent namin. Nahirapan na kaming i-set up. We ended up not doing it. We gave up. Sa laki ng tent na 'to, nagkasya kami.

Magkakatabi lahat ng girls tapos magkakatabi ang boys. Wala na dito si Jerich, 'di naman talaga belong sa amin yon eh. Si Drake lang talaga ka tropa niya sa amin. So ginamit niya ang sarili niyang tent. Pumalit sa kanya ay si Jay, boyfriend ni Joyce. Sayang at wala si Joan.

Out of boredom, nagkayayaan na maglaro.

"Guys laro nalang tayo ng spin the bottle." Pag-aaya ni Drake.

"Wait lang labas lang ako, punta lang ako ng cr." Pagpapaalam ni Anne.

"Samahan na kita. Baka mapano ka. Madilim pa naman sa labas." Sabi ni Jm.

"Huwag na, dito ka nalang kaya ko naman mag-isa." Pagtanggi ni Anne.

Sumunod naman si Jm sa utos ni Anne, kaya nagsimula na kaming maglaro.

Jerich

Naglakad lakad muna ako para mag pahangin, para din makalimutan ko muna si Joyce. Hindi ko na ipipilit pa ang sarili ko sa kanya. May Jay na siya eh.

"Pst!" Pagtawag sa akin ng isang boses.

Paglingon ko nakita ko si......... Naramdaman ko nalang na may tumusok sa akin.

Third Person

Nang saksakin si Jerich ay agad siyang nawalan ng malay, winakwak ang tiyan niya, at tinaggalan ng lamang loob.

Pagkatapos siyang patayin ng brutal kinaladkad siya paputa sa may ilog at pinaanod siya hanggang sa makalutang siya sa gitna ng ilog. Pagkatapos noon, dinilaan ng killer ng kutsilyo na may dugo sa may bandang matulis. Tila ba uhaw ito sa dugo.

Naligo na rin siya para matanggal ang mga nagtalsikang dugo sa kanya at tuluyang tinapon ang kanyang mga damit pero ang panloob at underwear ay hindi kasama. Tumakbo siya palabas ng gubat at hindi na bumalik pa.

Anne

Naligaw ako pabalik sa camp site at napadpad ako palabas ng gubat nagpunta ako sa sasakyan namin at pumasok para magpalit ng damit nabasa kasi kanina dahil sa bwisit na Ken na 'yon pinagtripan pa ako binasa ako at pinaliguan ng juice. Napakahilig sa pranks, napaka childish.

Tinext ko si Josh dahil matandain siya sa lugar kaya sa kanya ako nagpasundo.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nandito na siya.

"Oh ano Anne ayos ka lang ba?" Tanong niya.

"Oo ayos lang ako. Salamat nga pala ah."

"Okay lang. Tara na baka mag check si Ma'am Fajardo ng mga tents at wala tayo do'n paktay tayo niyan."

Nagmadali kaming bumalik sa camp site.

Bumalik na kami at pumasok sa kanya kanyang tent.

"Oh bakit ang tagal mo?" Tanong ni Kyla.

"Naligaw ako kaya hindi ako nakabalik agad. Nagpasundo nga lang ako kay Josh napunta kasi ako sa labas."

"Eh bakit iba na yang suot mong damit? Gumawa kayo ng baby ano tapos-" Tinakpan ko na ang bunganga ni Kyla kasi baka kung ano ang masabi niya eh. Bata pa kami ano.

"Ano ka ba! Pinrank ako ni Ken, binasa niya ako ng juice at tubig kaya nagpalit ako buti nalang may damit akong naiwan sa van."

"Weh?" Aba nang-asar pa.

"Nagumpisa na ba kayo?" Pagiiba ko sa topic.

"Oo pero sabi hintayin ka daw namin kaya huminto muna kami." Sabi naman ni Drake.

"Let's start the game."

Pagtapos ay itinuloy na namin ang game.

a/n:

Ano guys may idea na ba kayo kung sino ang killer?.Comment down kung sino ang hula niyo.

Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now