Chapter 34

2.6K 67 23
                                    

Maria

Nakikipagpalit ng upuan si Kyla kay Drake. Ewan ko ba sa isang 'to, ayaw na humiwalay sa akin. Linta ata 'to. Si Alex nga hindi tumabi kay Kyla eh. Ay wala palang sila. Oops, my bad.

Akma na sanang tatayo si Kyla para lumipat rito sa tabi ko. Biglang namatay ang ilaw. Somehow I found a way para pumunta sa puwesto ni Kyla. Napasigaw siya sa gulat. Paranoid na rin kasi. May sumigaw rin na patay ang power sa buong school. Imposible naman 'yon dahil nakikita kong may mga ilaw ang buildings saka mga bahay na katabi ng school. This is planned. Alam na naming may mangyayaring ganito pero hindi ganito kabilis. Halos kakarating lang namin. Kakaupo nga lang namin eh. Gutom na rin ako kanina pa pero parang nabusog ako bigla dahil sa takot.

Biglang bumukas ang ilaw. Naging kaunti ang bilang namin. Napansin kong nawala lahat ng tao sa kabilang table namin. Mga kaklase namin. Magabbarkada rin sila. Si Jazzy, Aldrich, Christian Jamaica, Ian, Kim, Charles, Lewis, France at saka Josh. Sampu agad sila. Bakit ang bilis? Wala rin ang guard at wala pang school official. Masyado pang maaga.

Sa puntong 'to hindi namin alam ang gagawin. We can't help them. Ni hindi namin alam saan sila napunta. We can't do anything for them except to pray. Akala namin kaya naming pigilan. Para kaming pinaglalaruan. Ang bilis nola at napakabilis din ng nangyari. Gustihin man naming pigilan lahat, hindi namin kaya.



The Perpetrator

Nagsimula na kaming kumilos. Sinunod namin ang napagplanuhan. Kanina pa lang ay narito na kami. Naghihintay lang. Umakyat kami sa control room. Hinintay muna namin ang mga taga 9-15. Sila naman ang mga VIP sa occassion na ito eh.

Nang makita na namin ang mga inaantay namin, pinatay na namin ang ilaw. Nagsuot kami ng night vision glasses. Nagnakaw lang kami ng pera para makabili noon. May inutusan kami para bumili no'n.

Sampu sila. Dali dali kong tinakpan ang bibig nang isa at nagmamadali kong dinala sa sasakyan at itinali. May pampatulog sa sasakyan na once na naamoy mo, babagsak ka. Ganoon din ang ginawa namin sa iba. Pinaakyat ko ang kasama ko para buksan ang ilaw.

Tinakpan ko ang ilong ko at itinapon ang pampatulog sa kung saan. Sumakay na kami at nagdrive ako papunta sa hide out namin. Taging lugar ito at malayo sa school.

Inabot rin kami ng halos isang oras bago kami nakarating.

Ibinaba na namin sila isa-isa. Nang bigla siyang magsalita.

"Parang hindi ko na ata kaya tong ginagawa natin. Binabagabag na ako ng konsiyensiya ko. I think we need to stop." Sabi ng kasama ko. Ikinagulat ko iyon. Hindi ba ito ang gusto niya? Ayaw na niyang ituloy? Hindi maaari.

"Ano?! Nasisiraan ka na ba ng ulo?! Bakit nakonsiyensiya ba sila sa ginawa nila sa akin? Sa atin? Sa mga pamilya natin? 'Di ba hindi?  Kaya 'wag kang uurong. Malayo na ang narating natin at kaunti nalang nasa dulo na tayo. Malapit na tayo magtagumpay." Galit na sabi ko.

"Hindi ko na talaga kaya 'to." Iyan nalang ang naisagot niya.

"Akala ko kakampi kita? Akala ko hanggang matapos kakampi kita! Iyon pala, ikaw ang unang uurong. Duwag ka!"

"Okay, do what you want to do. Bahala ka na sa buhay mo. Let's go our separate ways. I give up." Sabi niya.

Akala mo ganoon nalang 'yon? Baka ikanta mo ako. Mapahamak pa ako at ang pamilya ko. Kailangan ko mag-isip ng paraan.

"Sandali lang. 'Wag ka munang umalis. Tulungan mo muna ako. Favor lang. Last na talaga then makakauwi ka na." Paghingi ko sa kaniya ng tulong. Habang binubunot ko ang baril sa likuran ko.

"Ayoko na talaga, sorry. Uuwi na ako."

Mukhang aattend ka pa ng prom ha. Sorry nalang. You won't even experience it.

"Walang sorry sorry."

I pulled the trigger. I shot her right at her chest. Sakto sa kung nasaan ang puso niya. Kawawa naman siya but I have no mercy.

First kill for the night.

Tinali ko sila na nagkakasama. Nakapaikot sila. I watch the movie sinister. That gave me an idea bago ko pagplanuhan lahat ng ito. This is gonna be exciting. I'm gonna do it Sinister style.

Hinintay ko silang magising lahat. I am that patient. I want them to feel the pain that I felt. Nang gising na sila, hinanda ko na lahat ng gagamitin ko. Kinuha ko ang lighter at ang kahon na naglalaman ng mga alaga ko. Naglabas rin ako ng mga kaldero na kailangan ko rin. Kinuha ko rin ang kutsilyo para sirain ang mga damit nila. I ripped the tummy part ng damit nila at iniaangat 'yon.

Let's start.

Kinuha ko ang dala kong box, puro daga ang laman nito. As I have said, I'm gonna do it sinister style.

Ipinatong ko ang mga daga isa-isa sa may tiyan nila. Agad kong tinakpan iyon ng kaldero para hindi makatakas. Sinindihan ko ron ang mga uling na dala ko at ipinatong ang mga iyon sa taas ng kaldero. Nagbabaga pa ang mga ito. Nagsimula nang ngatngatin ng mga daga ang tiyan nila dahil sa sigaw nila. Ilang minuto lang at lalo pang nagwala ang mga daga sa tiyan nila. Lumabas ito sa kung saan saang parte ng katawan nila. Mostly sa upper torso.

And for the finale.

Kinuha ko ang asido na dala ko at ibinuhos ko ito sa kanilang lahat.

Iniwan ko nalang lahat ng basura doon. Naka-gloves naman ako. Walang trace akong maiiwan.

Wala akong pakialam kung wala akong kakampi, sinayang mo ako Khiell. You're such a waste of time. I can do it all by myself I don't need anybody.


Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now