Kyla
Nagising ako dahil sa nararamdaman ko. Ang sakit ng batok at balikat ko.
Pagtingin ko sa katabi ko, I gritted my teeth, kaya naman pala eh, ang magaling na lalaking ito ay nakadantay sa akin. Napakabigat bigat ng ulo ni Alex, tapos yung batok ko nangalay sa pagkakahiga ko. Hindi na ako gumalaw at nakakahiya naman sa señoritong ito at baka magising.Akala ko malapit na kami, wala pa rin pala.
"Maria..." tawag ko.
"Hmm..."
"Wala pa ba tayo?, bakit parang kanina pa tayo bumabyahe, pero hanggang ngayon wala pa tayo doon?" Nakakapagtaka naman kasi, tirik na tirik na ang araw at nandirito pa rin kami.
"Oo nga, sumasakit na pwetan ko sa tagal nating nakaupo rito. Bored na bored na rin ako, hoy Drake, ano na?, nasan na tayo?" inis na tanong ni Maria sa crush niya na parang walking map at driver namin ngayon.
"Eh ayan pa yung bus oh, can't you see it?, malayo pa tayo, nasa EDSA palang tayo!" sigaw naman ni Drake kay Maria.
"Makasigaw naman 'to sungalngalin kita dyan eh." Bulong ni Maria. Hay nako. Sinama-sama pa kasi.
EDSA sa dami ng daan, dito pa talaga napiling dumaan. Ba't sa EDSA pa marami namang pwedeng daanan, alam namang laging traffic dito eh, nakakainis naman, eto namang si Joyce ka-text si Jay, the love of her life. Alam niyo si Joyce paasa yan eh, pinapaasa lang si Jerich. Jusme! dapat 'di nalang siya nagpaligaw, kung papaasahin niya lang rin naman yung tao. Eto namang Jerich ayaw sumuko, hay ang nagagawa ng pag-ibig, tsk tsk! its not good for the health. Oh, eto naman si Anne pakipot pa, crush siya ni JM, crush niya din naman, nag kaaminan na pero parang awkward sila sa isa't isa. Naiirita na ako sa paligid ko, gosh.
Napakachismosa ko na. Ewan ko ba. Minsan 'di ko na rin mapigilan ang dila ko sa pagsasalita eh.
Ilan oras pa kaya kami dito? Ilang oras na ba kaming nandito?
"Hoy Drake, ilang oras na ba tayo dito?, nangangawit na pwet ko eh, pwede bang bumaba muna saglet at mag stop over doon sa may convinience store?" sabi ko kay Drake, what a great driver psh.
"Can't you see, were in the middle of the traffic kaya hindi ka pwede bumaba."
"Hay nako, ba't ba kasi dito mo pa dinaan." singhal ko sa kanya.
"Hindi ikaw ang driver kaya please lang."
Napaka naman talaga. Napasabunot nalang ako sa sarili ko.
"Oh eto, inumin mo, I mean niyo pala." May iniabot siya sa aming maliit na bote na walang tatak.
Ano naman 'to? Lason?
"Ano ba 'to Drake, lason? Are you tring to kill us?" Masungit tanong ni Maria.
"I'm not a psychopath. Chill. Pampatulog lang 'yan para di kayo mainip. Sige na drink it, para makatulog pa kayo, ang ingay ingay niyo. Ako pa bwinibwisit at kinukulit niyo. Go ahead, drink it now." Sabi naman niya.
"Why should we trust you? Sure ka bang hindi lason 'to?" Taning ni Anne na nakataas ang kilay.
"Gamot ko 'yan sa insomnia. Alam kong may trust issues kayo pero ako, nagsasabi ako ng totoo." "Inumin niyo nalang kasi."
"Opo, eto na nga po kamahalan eh." Sabi naman ni Maria.
Sinunod namin ang utos ni Drake nakakahiya naman, gaya nga ng sinabi niya inininom namin yon, nauna si Maria.
Hindi ko muna ininom ang sa akin. Kakagising ko lang ano. Ilang saglit lang, nakatulog na sila.
I browse the internet muna then nagsalpak ulit ng earphones. Nakakabored. Wala naman na akong magawa.
Ininom ko na 'yung binigay ni Drake. No choice na ako.
I closed my eyes and went to sleep again.
Joyce
Hindi ko alam ba't nagpauto sila kay Drake. Ah basta, ako, mamaya ko na 'to iinumin. Gusto ko pa mag sight seeing. Yeah right, sight seeing ng mga kotse!
Hindi ko alam kung ano ang tumakbo sa isip nito ni Maria at isinama pa 'tong mga lalaking 'to. Alam niya namang iwas kami sa mga 'to isinama pa talaga. Hay nako. Ginawa pang driver ang crush niya. Tsk tsk.
I hope na makauwi kami ng buhay after five days. Hindi ko rin alam pa'no kami napapayag ni Ma'am na sumama. Siguro para rin sa grades namin. Mahahalata mo na wala talaga silang pakialam at sinasabi lang nilang 'co-incidence' lang ang lahat when in fact planado ang lahat. B'at pinirmahan pa ng president ng school ang authorization letter? Edi sana wala kaming iniisip na problema ngayon. Natatakot ako para sa akin, para sa amin. Hindi ko man ipinapahalata 'yon, pero 'yon ang nararamdaman ko. Bawat araw na pumapasok ako sa 'pretihisyosong' eskuwelahan na iyon, dala ko na ang takot. Hindi ko lubos na maisip hanggang ngayon, mataas pa rin ang rankings ng school at hindi kasama ang 9-15 sa pagiging matagumpay ng school na iyon.
Mahina kami. Napakahina. Kaya sana si Kyla na 'yung hinahanap namin na mag-aangat sa amin mula sa pinakababa. Hindi ko na kaya na maging talunan nalang. I don't wanna spend my high school life degraded by everyone.
Nagsalpak ako ng earphones at tinext si Jay. Napakatatag din nito ni Jerich, ayaw niya magpapigil. Ayoko nga sa kanya. Isang napakapilosopong tao na walang ibang ginawa kundi uratin lahat ng nasa room. Sinama sama pa ni Maria. Naaalibadbaran ako sa existence ng bwisit na 'to. Ang lakas din ng loob ata sa akin pa talaga tumabi. Isa pa, boyfriend ko na si Jay.
Samapalin ko kaya 'to habang tulog tapos kapag nagising siya kunwari tulog ako? Kaso napakasama naman ng idea ko na 'yon.
At this point, gusto ko na talaga magback out. Mga walang kwenta kasama namin. Mapoprotektahan ba kami ng mga bwisit na 'to mula sa killer? Eh baka mauna pa kaming mamatay sa konsumisyon sa mga 'to.
Ilang oras din ang nakalipas at nakaalis na rin kami sa EDSA. Sumasakit na ang pwetan ko sa pagkakaupo. Gusto ko nang tumayo at mag-inat inat.
"Malayo pa ba stop over natin?" Tanong ko. Ikinagulat naman ni Drake 'yon.
"Wow, gising ka? Hindi tumalab sa'yo yung gamot?"
"Hindi ako uto-uto ano. Sagutin mo ang tinatanong ko."
"Malayo-layo pa."
Malayo pa naman. I closed my eyes and tuluyan nang natulog.
YOU ARE READING
Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]
Mystery / ThrillerClass 9-15, ang tinaguriang last section. Normal na mga studyante, makukulit, masaya, masisipag. Pero lahat nang 'yan nagbago simula ng dumating ang kambal na transferee. Pero isang tanong lang ang bumabagabag sa akin. Bakit kami unti-unting nauubos...