Chapter 22 (The Truth)

3.4K 110 9
                                    

Kyla

Nag-aalala ako para kay Ma'am Fajardo dahil ilang oras na siyang late. Hindi pa naman 'yon nagpapa-late dahil magiging bawas 'yon sa kikitain niya. Napaisip na naman ako. Nasaan na kaya si Ma'am? Lligatas kaya siya?

Biglang nag ring yung bell, senyales na lunch time na. Walang Ma'am Fajardo na sumipot sa klase kanina pa.

"Hoy magdadaldalana nalang ba kayo? Hindi ba kayo nagugutom?" Tanong ko kila Maria nang maabot ko kung saan sila nakaupo. Mahilig talaga to sa chika. Kahit kailan talaga.

"Hoy kayo lahat! Hindi pa ba kayo lalabas?" Pagsigaw ko sa room. Mga baliw na 'to lunch time na ayaw pa magsilabas.

"HIntayin natin si Ma'am, baka dumating saka may announcement." Ani ng isa sa mga kaklase namin. Mga kiss up!

"Hindi ba obvious na absent si Ma'am ha?" irita kong sagot. "Ayaw niyo lumabas? Edi kami nalang lalabas."


Inaya ko na sila Maria palabas. Naglakad kami papunta sa pintuan. Lalagpasan ko na sana itong kaklase ko na nasa malapit sa pintuan ng hilain niya 'yong buhok ko. Umamba ako ng suntok sa kaniya. Napakak*pal.


"KYLAAAAA." isang napakalakas na sigaw ni Joyce. Agad akong napalingon

.

Tumambad sa'min ang walang buhay naming guro. Karumaldumal.


Hindi ko masikmura ang nakita ko. Napawi ang gutom ko at parang gusto kong masuka. Bakas sa mga mukha namin ang pagkagulat lalo na ang takot.


Tama sila, lahat ng makikialam, babawian ng buhay. Ang nakakapagtaka, bakit si Jerich at saka si Joanne? Dalawa sila sa nga naunang pinatay. Hindi kaya may balak talaga siyang ubusin kami? Pero bakit ibang letra naman ang nakaukit sa balat ni Ma'am? Hindi kaya dalawa sila? O mas higit pa? 


"That's it guys. Kailangan na nating umaksyon. Kung hindi, mauubos tayo. Hindi ko na kaya." I said, with frustration.

Ayoko nang may makita pa ng katawan na walang buhay. Masyado na akong immune sa dami ng dugo na nakikita ko kada araw.


Kailangan kong malaman kung bakit 'to nangyayari lahat.


Third Person

Lingid sa kaalaman niya na paranang naging isang tradisyon na ito. Nahinto lamang ito ng ilang taon. Ngayon na maraming nag-transfer sa eskuwelahan na iyon, ay parang sinilaban sila ng apoy sa katawa at tila ba'y nag init at kumati ang mga kamay.



Kyla

Napagpasyahan namin na tumambay nalang sa garden imbis na kumain.

Nandito kami ngayon sa garden ng school, nagkwekwentuhan lang kami ng mga bagay bagay.

"Guys,  is it possible na dalawa sila or marami pa?" tanong ko.

"Pwede rin." Sagot naman ni Maria. "Actually Kyla I need to talk to you, this is urgent. Kailangan mo na malaman ang lahat. In private."


Tumayo kami ni Maria para lumayo ng kaunti.

"Alam naman na nila. Bilang ikaw lang ang bago sa amin, sa'yo ko nalang sasabihin," panimula niya.

Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now