Kyla
Pagkatapos ng isa nanamang trahedya na nangyari, parang wala lang sa kanila at nag back to normal ulit.
Bakit kailangan pa mangyari lahat ng ito. Ayoko madamay pero wala na eh. Magugulat nalang talaga kami na may isa na namang nawawala sa amin. How can we stop this? I know this is not only my fight, its our fight. Magkaklase kami dapat kami yung magtutulungan, I really want to end this mystery.
Hindi pa rin bumabalik si Ma'am Fajardo. Ano na kayang nangyari sa kanya. Pati siya inaalala ko na. Bakit ko pa kasi naisip yung prank na 'yon eh. Sana naman bumalik pa siya, wala kaming kaagapay sa mga nangyayari.
"Uy tulala ka nanaman diyan." Sabi ni Joyce.
"May iniisip lang. Gusto kong hanapin si Mam Fajardo eh, baka kasi may nangyari doon. Kasalanan ko kung bakit siya nawawala, because of my stupid pranks." Sabi ko.
Totoo naman na kasalanan ko kung bakit wala siya ngayon. Kung hindi ako nagbiro, edi sana nandito pa si Ma'am Fajardo.
Kasalanan niya din naman eh, kung hindi siya nagjoke edi sana hindi ko siya gagantihan."Hindi ko alam kung anong nakain mo or what at oalagi kang lutang. Nandyan na si Ma'am kanina pa. Ang ayos ayos nga niya eh, nagkwento pa nga. Nakahanap daw siya ng bahay sa dulong part ng gubat tapos ang nakatira daw doon ay isang papi, ayon dumadaldal sa labas. Kasama lovelife niya." Inirapan niya ako.
"Kalma ka lang. Lagi kang galit eh." Sabi ko, jusko high blood na naman.
Lumabas ako para makita kung totoo ngang nadyaan na si Ma'am Fajardo. Para na rin makapag sorry ako sa ginawa ko. Baka wala na akong balikang school.
Natanaw ko siya sa labas kasama ang iba pa naming kasama. Lumapit ako sa kanya.
"Ma'am gusto ko lang po humingi ng pasensya. Sorry po sa nagawa ko kagabi. Kung hindi dahil sa akin hindi kayo mawawala. Sorry po talaga." Paghingi ko ng tawad.
"Okay lang iyon Kyla, kung hindi dahil sa'yo, hindi ko mahahanap tong si David ko." Nakangiting sabi niya. I cringed by that. Mukhang magtatagal pa bago kami umalis rito.
Magsasalita sana ako kaso naunahan ako.
"Ma'am kwentuhan niyo naman po kami tungkol sa buhay niyo." Sabi ni Gin.
Okay. Here we go. Cringe festival.
"Talaga? Gusto niyo malaman?" Tanong pa ni Ma'am. Nagsitanguan sila except sa akin.
Napailing na lang ako. Wala na akong magagawa kundi makinig.
"Okay." -Ma'am
Jianna Fajardo
"Okay." Sabi ko sa isa kong estudyante.
"Nag-aral din ako sa Precious Hillton. I was assigned din sa Class 9-15 din. Alam ko naman na ang mangayayari sa section na 'to, remember I'm from this class. Hindi ko rin inasahan na mauulit pa ulit. Malaking pagkakamali na hindi man lang ako nagbigay banta.
May isang hindi inaasahang pangyayari. We have a classmate, inatake sa puso ang papa niya dahil galit na galit ang papa niya sa teacher namin. She's a Girl, si Gail, at bilang paghihiganti, she murdered people in the school. Siya ang salarin sa pagpatay sa teacher, principal, janitor at sa kalahati ng section namin noon.
Hindi na bago sa akin ang mga ganitong scenario. Been there, done that. Kasi naranasan ko na. Papatayin na rin dapat ako ni Gail kaso dumating ang mga pulis. Hiniwa niya ako sa likod, braso at sa hita. Mabuti na nga lang at nabuhay pa ako. Nag-iwan iyon ng mga marka na hanggang ngayon ay siyang bumabangungot sa akin.
Nakapagtapos ako ng fourth year. Class 10-15 naman ang section namin dahil fourth year na kami. And like what happened. History repeats itself. Nangyari ulit ang hindi namin inaasahan. May isa na naman sa mga kaklase namin ang killer. Patrick ang pangalan niya. Nabaliw naman dahil iniwan ng girlfriend niya na kaklase rin namin, si Alliana. Una niyang pinatay at binabuy si Alliana. Wala na kaming nagawa pa. Awang awa kami noon sa pamilya ni Alliana dahil nag-iisa lang siyang anak.
College days, wala nang ganyan na nangyari. At dahil doon, thankful ako. Simula noon, nagkaroon ako ng trauma na. Kaya naman nang takutin ako ni Kyla, agad akong tumakbo. Pero hindi ako natatakot kay kamatayan, minsan niya nang muntik kunin ang buhay ko, and now im willing to give it to him."
I'M READY TO DIE. ARE YOU?
![](https://img.wattpad.com/cover/77243696-288-k866190.jpg)
YOU ARE READING
Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]
Mystery / ThrillerClass 9-15, ang tinaguriang last section. Normal na mga studyante, makukulit, masaya, masisipag. Pero lahat nang 'yan nagbago simula ng dumating ang kambal na transferee. Pero isang tanong lang ang bumabagabag sa akin. Bakit kami unti-unting nauubos...