Kyla
Hinihintay ko nalang ngayon ang pagdating nila.
From: Maria
Malapit na kami diyan Ky.
Kaunting minuto nalang ang hinintay ko nang narinig kong tumunog ang door bell namin. Nagmamadali akong bumaba para pagbuksan sila ng gate.
"Pasok na kayo dali."
Pagkapasok nila, sinara ko ang gate at nilock 'yon. Pati na rin ang pintuan namin. For safety purposes.
Umakyat na kaming lahat sa kwarto ko dahil doon kami mag-aayos. Kami nalang namang mga girls eh.
Inilabas na nila lahat ng gamit nila like make up saka yung para sa hair.Inayos ko muna lahat ng buhok nila. I put Anne's hair in a french twist then put a barrette in the side of it. Ang buhok naman ni Joyce ay tinirintas ko but a more elegant braid. I parted her hair in the middle. Then I got some hair from her right side then braided it, fishtail style. Ganoon din ang ginawa ko sa kabila. Nang mai-braid ko na ang buhok niya, I curled the remaining hair. Maria's hair naman. I curled her hair first then put it in a messy bun. Kinuha ko ang hair spray para mag stay ang mga buhok nila in place. Kinuha ko yung extensions ko na hindi naman ganoon kahaba. Nag high ponytail lang ako, Ariana Grande style.
Nagsimula na kaming mag make up on our own. Siyempre kailangan tugma sa mga isusuot namin. While preparing, I received a message from an unknown number again.
From: Unknown
Are you all ready? Doll up. I want you to be the most beautiful ngayong gabi. I think this would be one of the most memorable night sa tanang buhay niyo. Gonna prepare something you won't forget. Magpaganda kayo ngayon, this can be your last. Para diretso funeral na kayo. Ciao!
Ito na nga ang sinasabi namin. Ni hindi pa naguumpisa, may threat na agad. Gusto talaga nila na maka killing spree sila. Tuwing may occassion may mga nawawala rin. Hindi ko nalang pinansin iyon. We have something against them pero wala pa namang sapat na ebidensya kaya wala rin kaming magawa.
Pumunta na ako ng C. R. para magpalit ng damit ko. Lahat kami naka cocktail dress lang. Para kung sakaling kailangan namin tumakbo, makakatakbo kami.
I'm wearing a red cocktail dress na hanggang ibabaw ng tuhod. Long sleeves siya then lace ang material. Backless din.
Anne naman was wearing white. Puno ng gems ang harapan. Parang turtle neck iyon. Low back naman ang kanya.
Joyce was wearing a mint green dress na tube. It has crystals sa chest part then may ribbon sa gitna. It was cute.
Maria was wearing a black dress. Yung yung top no'n ay laced then satin naman ang skirt. Sleeveless siya na chinese colar.
Ang boys naman. Si JM, he was wearing a navy blue polo then black slacks. Naka unbuttoned ang 3 butones no'n. Drake was wearing a polo then nagpatong siya ng coat; wala siyang tie. Si Alex naman naka polo lang na black , naka roll up ang sleeves no'n then unbottoned din yung 2 butones then he was wearing a gold necklace. Si Jay ay naka tuxedo na black.
Kinuha ko yung hand bag ko. Nilagay ko lang roon ang cellphone ko, maliit na perfume then some pocket money.
Nang naka ayos na kaming lahat, nag-aya na sila na umalis na. Sa school lang din naman ang prom kaya mabilis lang kaming makakarating.
"I'm nervous. I don't know what to expect. I'm also scared." Sabi ni Anne. Medyo nanginginig siya. Ako rin ay biglang nabalot ng kaba. Panandalian ko munang inialis sa isip ko iyon kanina kaya kalmado ako. Ngayon na pinaalala ni Anne, natakot ulit ako.
Nagsibaba na kami. Dito na kami sa baba nagsuot ng mga sapatos at heels. Naka black stilettos lang ako na may crystals sa mismong heels.
Nang makapagsapatos na kami, nagpaunahan kaming pumasok sa van. Muntikan pang madulas si Joyce dahil naitulak ni Maria. Namutla si Joyce dahil sa kaba. Napahinto kami para pagtawanan siya. Ang ending, nahuli siyang pumasok sa van kaya sa pinakalikod siya naupo. Hindi na nagtabi tabi ang magjo-jowa. Bawal PDA rito 'no. Ini-start na ni Drake ang van. Ang siraulo niya, biglang inapakan ang gas kaya nangudngod kaming lahat sa upuan. Saktong nasa likod niya ako kaya nabatukan ko siya. Magdidilim na rin pala. Napatagal siguro ang pagaayos namin. Naka baba kasi ang blinds ng kwarto ko. Natatakot na rin kasi ako.
Gaya ng sabi ko, mabilis lang ang byahe namin. Pagka-park ni Drake, isa-isa kaming bumaba. Walang escort escort sa amin. Bahala na. Nang makababa kami lahat, sabay sabay kaming pumasok.
Pagpasok palang namin ay namangha sa mga decorations. Sa loob lang ng ilanag oras, naayos nila at napaganda ang grounds ng school. Kung tutuusin, maganda naman na ang school. Kailangan lang talaga ng kaunting touch.
Nag picture muna kami sa photobooth. We took plenty. Meron kaming formal, wacky then yung last may mga kung anong props kaming isinuot. After naming mag picture, dumiretso na kami sa uupuan namin. Mabuti na nga lang at pwede umupo kahit saan. Pumwesto kami sa may gitna pero malapit iyon sa exit. Wise choice.
Malamang ay hindi kami lalamigin rito dahil nga sa labas lang kami and mainit rin ang panahon. Mali ang desisyon ko na mag long sleeves.
Inilabas ko muna ang cellphone ko para tignan ang oras. It is exactly 7:45 pm and 8 pm ang prom.
Nagdadaldalan pa sila and hindi pa naman nagsisimula ang program. Hindi rin kami sumali sa cotillion. Hassle lang 'yun.
Tatayo sana ako at lilipat sa katabing upuan ni Maria nang biglang namatay ang mga ilaw. Hindi pa man nagsisimula ang prom, may nangyayari nang hindi maganda. Malamang ay hindi ito accidental. If accidental, may matitira sanang kahit kaunting ilaw. Patay raw ang power sa buong school sigaw ng isang tao.
Naramdaman kong may humawak sa akin kaya napasigaw ako. Turns out, si Maria pala iyon. Bubuksan ko na sana ang flashlight ng cellphone ko nang biglang nagbukasan ang ilaw. Napansin kong parang naging kaunti ang bilang namin. Nawala na rin ang guard at sigurado akong wala pa kahit ni isiang school official. Talk about Filipino time. Ito na ba 'yung pakulo nila? At eto na rin ba ang katapusan namin?
YOU ARE READING
Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]
Mystery / ThrillerClass 9-15, ang tinaguriang last section. Normal na mga studyante, makukulit, masaya, masisipag. Pero lahat nang 'yan nagbago simula ng dumating ang kambal na transferee. Pero isang tanong lang ang bumabagabag sa akin. Bakit kami unti-unting nauubos...