Kyla
3:00 a.m. nang magising ako. Akala ko ako lang ang gisising, gising na din pala silang lahat.
Unang pumasok sa isip ko si Ma'am Fajardo. Nakabalik na kaya siya? Sana hindi muna pero still hoping na safe siya kung nasaan man siya ngayon.
Napatingin ako sa gawi nila Maria. Wow! Ang aga-aga PDA. Hindi pa naman sila mag-on. Pero mapapa-sana all ka nalang talaga.
"Hoy Maria, ang aga-aga naglalandian kayo." Natatawang sigaw ko sa kanila.
"Che! Ang sabihin mo, naiinggit ka lang." Sabay asar sa sakin. Aba kurutin kita diyan.
"Bahala na nga kayo diyan, Joyce samahan mo naman ako oh. I need to go to the restroom." Sabi ko tapos nagpout.
"Pout ka pa dyan. Hindi bagay sayo. Ayoko, busy ako. Diyan ka nalang kay Alex magpasama." Sabay irap. Salbahe talaga nitong mga 'to.
Aba-aba, itong mga 'to nagkaroon lang ng mga lovelife eh jusme kinalimutan na ako. Kailangan ko na talagang mag c.r. sasabog na pantog ko. 'Pag inaya ko naman si Anne, baka hindi rin sumama. Tinignan ko sila ng masama.
"Ako nalang nga, sasamahan kita." Sabi ni Anne.
Hay nako. Buti naman. Kahit hindi ayain, sasamahan ako.
Naglalakad kami papuntang ilog kung saan ako sumuka pagkadating, may portalet doon. Mabuti na nga lang at meron eh, kung hindi, kung saan-saan nalang kami magc-c.r. baka manuno pa kami.
Nang makarating kami roon, kumaripas na ako ng takbo dahil hindi ko na mapigilan.
Paglabas ko ng portalet, inaya ko si Anne na tumambay muna sa tabi ng ilog. Nakakaasura yung mga nandoon sa loob ng tent eh.
Ilang minuto pa ang nakalipas, may natanaw ako sa malayo. May nakalutang sa ilog. Medyo malayo siya. Hindi ko alam kung tao o basura. Pero malinis dito sa gubat kaya naman imposibleng may magtapon basura lalo na dito sa ilog .Tinapatan ko iyon ng flashlight. At kung hindi ako nagkakamali, tao nga iyon.
Tinext ko silang mga nasa tent para puntahan kami rito, baka kasi buhay pa at mailigtas pa namin. Kaso, hindi ako marunong lumangoy, ganoon din si Anne.
Ikang saglit pa dumating sila kasama si Charles. Si Charles ay kasali sa swimming team ng school. Kaya siguro siya ang isinama nila.
"Go na Charles,baka patay na yan eh, kanina pa yan nakalutang diyan eh." Sabi ni Anne. Sana naman kung sino iyon, buhay pa siya.
Lumusong na sa tubig si Charles at nagsimulang lumangoy,malapit na siya sa gitna, dahil nandoon yung tao.
Pabalik na si Charles na hilahila yung tao. Nakadapa pa din ito sa tubig.
Tinabi namin siya sa pampang. Parang pamilyar siya? Parang nakita ko na siya.
Hinarap namin siya para matignan kung buhay paba.
Nagulat kami ng iharap namin ito si Jerich pala, wakwak ang tiyan at wala nang lamang loob. Nakakadiri at the same time nakakaawa. Napapikit ako. Baka bangungutin ako sa mga nakikita ko.
"Kailangan na nating umuwi. Kailangan na nating makaalis rito." Pag-aaya ko.
"Hindi naman natin pwedeng iwan si Jerich dito." Ani JM
"Tumawag na tayo ng pulis. Bumalik na tayo. Iwan muna natin siya rito."
Sumang-ayon naman sila sa akin at dali-dali kaming bumalik sa camping site.
Kailangan na naming umuwi. Kailangan naming umiwas dahil kung hindi, mauubos kami. May napatay na naman ang killer at siguradong-sigurado na akong taga 9-15 talaga siya, dahil hanggang dito nasundan kami.
Nakabalik na kami at agad kong kinuha ang cellphone ko. Walang signal kaya naghanap ako. Mabuti na lang at nakasagap ng signal ang phone ko. Mabilis kong tinawagan ang mga pulis para sabihing may nangyaring hindi maganda.
Pumasok ako ng tent at umupo sa isang gilid. Ano na ang gagawin namin? Paano at kailan ba ito matatapos? Napatulala nalang ako.
"Nakakaawa si Jerich. Ano naman kaya ang atraso niya at binaboy siya ng ganoo." Malungkot na sabi ni Joyce.
Nawalan na naman kami ng kaibigan, ng kapatid.
"Oo nga. Nawalan nanaman tayo ng isang kapatid." Sabi naman ni Jay.
"Hindi man lang natin napansin na wala siya kanina."- Maria
"Sigurado talaga akong taga 9-15 'yang killer na yan." "Kailangan na nating kumilos. If I catch that bastard, ako mismo ang papatay sa kanya." Matigas kong sabi. Galit at lungkot ang nararamdaman ko.
Hindi pa kami makakaalis dahil wala ang guardian namin na si Ma'am Fajardo. Kailangan na talaga naming umalis.
Someone
Talagang taga 9-15 ang killer. It's so fun to watch them frustrated. Sarap nilang paglaruan. Lalo na si Kyla. I'm just listening to the words your saying Kyla. Its so fun to watch you like that bitch. I'm just watching you, everyday, everywhere and anywhere.
'Wag na 'wag mo lang umpisahan ang pagiimbestiga tungkol dito or else you're dead. Ikaw ang isusunod ko.
Don't you dare. Hindi ako magpapahuli ng buhay.You can't see me, and you can't catch me.
YOU ARE READING
Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]
Mystery / ThrillerClass 9-15, ang tinaguriang last section. Normal na mga studyante, makukulit, masaya, masisipag. Pero lahat nang 'yan nagbago simula ng dumating ang kambal na transferee. Pero isang tanong lang ang bumabagabag sa akin. Bakit kami unti-unting nauubos...