Kyla
Pagkauwi, parang pagod na pagod ako. Ang ginawa ko lang naman doon ay umiyak. Parang gusto ko nalang matulog kaso sayang ang araw. Buti nalang at pinalabas kami ng guard. Ang galing mag alibi ni Maria. I love her for that.
Nagpaalam ako sa kanilang maliligo na ako kaya dumiretso na ako ng akyat sa kwarto. Inihanda ko muna mga gagamitin ko. Inilabas ko 'yung bagong plantsang uniform ko pagtapos dumiretso na ako sa banyo.
Pagtapos ko, agad akong nag-uniform kahit sinabihan na ako ni boss na 'wag nang pumasok. Bakit ba? Tatay ko ba siya? Nag skin-care lang ako tapos nilagyan ng cream ang mga pantal ko. Good thing rin na nakatali ako dahil baka makamot ko at magkasugat pa ako.
Bumaba na ako. Parang ikinagulat pa nilang nakasuot ako ng uniform. Napailing si Maria. Alam kong ayaw niya rin akong papasukin. Tinignan naman ako ni Alex ng masama. Pake ko ba. Inirapan ko nalang siya.
Tinignan ko ang orasan. Aabot pa kami sa 3rd period namin after that class ay lunch na. Sana matyempohan namin sila mamaya.
"Let's go na guys." Pag-aaya ko sa kanila.
"Sabi ko hindi na tayo papasok ngayon 'di ba? Baka mapano ka lang. Ang kulit mo rin." Inis na sabi ni Alex.
Hindi ko nalang siya pinansin at nangumbinsi na pumasok na kami.
"Kailangan nating pumasok dahil nga yung sa plano natin." They look so defeated.
Lumabas na ako at pumasok sa van kaya no choice sila. They all look so tired. Nagbagal pa sila lumakad papunta sa van.
May choice naman kaming hindi pumasok pweo dahil gusto ko, papasok rin sila. Maaga rin naman kaming uuwi ngayon. Hinahabol ko lang talaga ang 3rd period namin. Sayang naman. Baka rin mamarkahan sila ng cutting.
Drake's driving for us again. He got his license sa ibang bansa then parang nag-transfer lang siya rito. Magle-legal age na rin naman siya eh.
Mabilis rin kaming nakapunta sa school. Ipinark ni Drake ang van bago kami magsibaba.
Hinintay lang namin so Drake mag-settle tapos sabay sabay na kaming pumasok sa mga klase namin. Dahil nga may plano kami. Sana mag-work.
Buong period nakinig lang ako sa lesson. Ayoko muna stressin ang sarili ko. May prom pa mamaya. Kailangan maayos ako hindi mukhang problemado. Naintindihan ko naman lahat ng tinuturo ni Ma'am.
"Pst."
Napalingon ako. Si Alex. 'okay ka lang?' he mouthed. Tumango nalang ako. Ewan ko rin doon.
Alex
Napakasungit talaga nito kahit kailan. Ako na nga 'tong concerned sa kaniya. Matuwa naman siya.
"Ang torpe mo kasi. Lumipat lipat ka pa dyan kala mo naman papansinin ka." Sabi ni Jay. "Nagpapakita ka nga ng motibo, e' manhid naman 'yung pinapakitaan mo. Wala rin."
Ayoko makinig sa mokong na 'to. Sabi nga 'You do you'.
Ako nag-alala para sa kaniya eh, para sa kanila. Hindi naman talaga ako pabor sa mga plano na 'yan eh. 'Di rin namin masasabi kung gagana ba 'yun o hindi pero wala namang mawawala kung susubukan 'di ba? Or just so I thought.
Prom na mamaya. Alam kong gusto nila magsaya pero hindi pa rin naman maalis sa isipan namin na may panganib pa rin na nagbabadya. Meron naman na akong idea pero siyempre hindi rin namin masabi dahil wala naman kaming ebidensya. Masama ang magbintang.
Nakinig na lang ulit ako sa lesson kahit na wala na akong maintindihan. Ang gulo ng paligid eh. Pati nga isip ko magulo na rin.
"That's all for today. I hope you learned a lot. See you on our next meeting."
'Yan na lang ang naintindihan ko sa lahat ng sinabi ni Ma'am.
YOU ARE READING
Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]
Mystery / ThrillerClass 9-15, ang tinaguriang last section. Normal na mga studyante, makukulit, masaya, masisipag. Pero lahat nang 'yan nagbago simula ng dumating ang kambal na transferee. Pero isang tanong lang ang bumabagabag sa akin. Bakit kami unti-unting nauubos...