A/N: Dedicated to the first-ever liker.
First upload: September 20, 2016
Today, April 14, 2017, MYS reached 100K reads! Salamat sa lahat na sumusuporta nito.
Today, June 22, 2017, MYS reached 200K reads! Salamat sa lahat na sumusuporta nito.
Today, August 8, 2017, MYS reached 300K reads! Salamat sa lahat na sumusuporta nito.
Today, December 7, 2018, MYS reached 500K reads! Salamat sa lahat na sumusuporta nito.
Today, August 28, 2018, MYS reached 800K reads! Salamat sa lahat ng bumabasa pa rin nito.
**********
Ting! Meron na naman akong panibagong reply sa Youtube comment ko. Haay, kailan pa ito matatapos? Though I promised myself I will not dignify his reply with any of mine, hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. So without thinking about it, I typed: "Probably you're one of those deprived Pinoys who love to condemn the rich people because you're envious of what they got. Well, mamatay ka sa inggit because you can never have those fancy cars!"
"Alexis! Hindi ka pa ba tapos diyan?" bulyaw ni May saka sumilip ito sa kuwarto ko.
"Saglit lang!"
"'Lika na! Naghihintay ang tropa."
Napasipol ang bruha nang lumitaw na ako sa harapan niya. Suut-suot ko kasi ang kabibili naming tank top na kulay pula. Itinaas ko pa ito nang kaunti para kita ang makinis kong tiyan.
"Loka! Sasapakin ka talaga ng kuya mo kapag nakita ka niyang nakaganyan," at tumawa ito nang malutong. Tiningnan ko ang hitsura niya. At ako naman ang natawa. Naka-blusa siya ng kulay puti at may manggas na lampas-siko. Hapit nga ito sa katawan pero halos hanggang sa puno ng leeg naman ang neckline. At ang itenerno? Palda na halos umabot sa sakong.
"Saan ang retreat, sister?" tanong ko. Pabiro niya akong binatukan.
Pagdating namin ng MOA, nandoon na lahat ng mga kaibigan namin. Lahat ang se-seksi rin ng suot. Pero walang-wala raw sila sa get up ko. Actually, naka-denim shorts lang naman ako na may ilang hibla ng tela na nakalawit sa dulo tsaka hapit na hapit na red tank top pero dahil I'm taller, five eight lang naman, everything looks good on me.
"Have you tried the new resto outside? Shucks, ang guguwapo ng waiters!" tili ni Cristy na sinang-ayunan naman agad nila Xena (pronounced as Zenna) at Roxy.
"Yeaaaahhhh," eksaherado pang dugtong ni Belle. Kilig na kilig din ito.
"I was there with my cousin last night. May isa talaga doon na talagang nag-stand out sa paningin namin. Super tangkad niya kasi at ang mga mata. Ohemgee! Nakakalaglag-bahag!" kuwento pa ni Xena sabay talon-talon na parang timang.
Napahagikhik kami lahat. Napagdesisyunan nga namin na pumunta na roon kahit na alas singko pa lang ng hapon. Ang sabi kasi nila nagkakaubusan raw ng mesa pagdating ng alas sais dahil sa nagguguwapuhang waiters na ang tanging suot ay maong jeans lamang. At sino-sino raw ang masugid na parokyano? Mga hibang na college girls at mga uhaw sa lalaking matrona.
We were walking towards the said resto nang makita ko sa cell phone na may new notif na naman ako sa Youtube. Pagsilip ko nga nakita ko ang reply niya. Anang sabi: "Why would I be jealous? Kotse lang iyan. Mas maraming mahalaga sa buhay kaysa kotse. I bet you're one of those spoiled brats who doesn't know anything in life besides what money can buy."
Aba, jinudge ako agad? Bwisit ito, a!
"Hoy, MarkydeLurky! Bagay nga sa iyo ang pangalan mo! Siguro isa kang pangit na manyak o stalker! You're jealous of us people because we're rich and you can only dream of being rich yourself! Stop replying to my comments or I'll have you blocked!"
Wala pang isang minuto ay nag-post uli ng reply niya ang kumag. Ang sabi: "LOL! I'm far from being a maniac or a stalker. I'm just a regular guy with sense. I bet you're one of those slutty girls, forgive my expression, who love the finer things in life but don't want to work for it. In short, parasite sa mga magulang."
"Tinawag mo akong slutty? How dare you? You're probably one of those ugly guys I saw on campus who have nothing to brag but their ugliness!"
Sinagot niya ako ng "LOL". Lalo akong nairita kaya hinamon ko siya: "If you're brave enough and if you're not ashamed to show your ugly face, I challenge you. Meet me at MOA so you'll know I'm far from the girl you thought me to be!" galit kong sagot. After a blink, he replied: "Challenge accepted."
Sa tindi ng iritasyon hindi ko na naisip na maaring nilagay ko ang sarili in harm's way by saying where I was heading at that very moment. May gusto lang akong patunayan.
"SexyLexy?" anang boses-lalaki sa likuran namin. Nakaupo na kaming magkakaibigan no'n sa Mucho Delicioso, ang sinasabi nilang restaurant. Paglingon ko, nagtama ang mga mata namin ng pinakaguwapong lalaki sa balat ng lupa. At hindi lang iyon. Parang nililok ng batikang iskultor ang kanyang tiyan. Napatili nga ang mga kaibigan ko nang makita nila ang kanyang matipunong katawan, lalung-lalo na ang abs.
"MarkydeLurky?" sagot ko naman. Sa hina ng tinig ko, ikinagulat kong narinig pa niya iyon.
"At your service, ma'am," nakangiti nitong sagot at bahagya pa itong yumuko. May kislap ng kapilyuhan ang kanyang mga mata. Mabilisan pa niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa at ngumiti uli. I was speechless. At biglang nag-init ang mukha ko nang maalala ang mga pinagsasabi sa comments. Lupa, bumuka ka! Ayaw ko nang mabuhay pa!
BINABASA MO ANG
MY YOUTUBE STALKER (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
General FictionSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #2 (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********* Nilait-lait ni Markus alias MarkydeLurky si Alexis sa YouTube dahil sa mapagmataas nitong videos. Inakusahan pa ng binata ang dalaga na anak ito ng isang druglord. Paano r...