Nawirduhan kami ni May sa reaksiyon ng mga kasamahan naming sa trabaho nang pumasok kami nang umagang iyon. Nakangisi ang karamihan sa kanila at nagbulung-bulongan pa.
"What's going on?" anas ko kay May.
"No idea."
Sinundan namin ng tingin ang dalawang puting katrabaho, halos mga kasing edad namin sila, at napansin naming may something talaga silang pinagtatawanan. Lumingon pa ang dalawang brunette at bumunghalit ng tawa.
"Jusko what time ba sila pumasok at nagka-oras na silang magtipon-tipon para pagtsismisan tayo? Akala ko ang aga na nating dumating today," sabi ko pa kay May.
She rolled her eyes before saying, "Naimbento na po ang cell phone, Lola, sakaling hindi n'yo po alam." Nang sinimangutan ko siya humagikhik lang ang bruha at nauna na sa work area namin. Oo nga pala. Cell phone. Pahamak talaga iyan. Shit! Bigla akong kinabahan. Naisip ko agad ang fake sex scandal video ko. Baka iyon ang pinagpiyestahan ng mga bwisit?
"May!" tawag ko sa kanya at pinagulong ang upuan sa tabi niya. Nasa likuran lang naman kasi ng desk ko ang mesa niya. She didn't seem to notice the urgency in my voice. Sige lang ang pagre-retouch niya ng make up. "Bruha, look at me!"
"Ano na naman ba iyan? Hayaan na lang natin sila, okay? Pagtawanan nila tayo all they want, mas maganda tayo sa kanila. Chill ka lang diyan"
"Paano ako makakapag-chillax? Ang video! Iyong pekeng sex scandal video na kinalat nila sa akin no'n. Baka iyon ang pinagpipiyestahan nila ngayon!"
Natigil sa ginagawa si May. Bigla rin itong nag-alala.
"Hey, you two!" nakangiting bati sa amin ni Mr. Parker. "We didn't know you guys are hilariously funny!"
Hilariously funny? Nagkatinginan kami ni May.
Later na lang namin nalaman ni May na shinare pala ng malditang Zenith sa buong agency ang video namin noon nang hinatid namin sa huling hantungan niya ang asawa ni Mrs. Dimagiba. Nang maalala namin ang pinagsusuot doong flashy outfit ng Boney M noong dekada setenta parang gusto naming dalawa na magtago na lang sa ilalim ng mga desks namin. Sobrang nakakahiya kasi! Mga fashionista pa naman ang mga tao sa agency, bata man o matanda, ma-babae man o ma-lalaki.
Surprisingly, Mr. Kostopoulos liked the video. Pinakita rin pala sa kanya ni Mrs. Johnson iyon. Siguro she was hoping to embarrass me pero kabaliktaran ang nakuha niyang reaksiyon. May and I had the last laugh.
**********
Habang pinagmamasdan ko ang latest ad proposal ng creative department bigla akong nag-alala. Ang pinakabago naming kliyente ay isang kompanya ng mga ladies' casual wear na naka-base pa sa Washington D.C. Hindi lang iyan ang nakapagtataka. The company's president made it part of the condition to hire Alexis as their model con endorser. Ipapalabas pa raw sa major TV networks ang nasabing ad.
Nang pinaimbestigahan ko ang naturang kompanya, napag-alaman ng private investigator ko na isa pala iyon sa pag-aari ni Mr. Kostopoulos. Napa-praning na ako sa mga pangyayari. Pakiramdam ko sinisilaw niya si Alexis sa kapangyarihan and all that money can buy. Hindi sa minamaliit ko ang sarili o wala akong kompiyansa na kaya ko siyang sabayan, but I was not born to be showy of what we have. Na-instill sa aming magkapatid ni Mama na maging simple lang simula't sapol. Kaya palagay ko kahit na sabayan ko si Kostopoulos sa pinaggagawa niya hindi iyon babagay sa akin. Hindi kasi ganoon ang personalidad ko.
Nang sabihin ko kay Marius ang pinoproblema, sinabihan niya lang ako ng, "Just be yourself, bro. Mas gusto ng mga chicks ang lalaking walang pretentions. Tingnan mo ako? Nagkaroon din ako ng katakot-takot na karibal dati kay Vina but I won the race."
BINABASA MO ANG
MY YOUTUBE STALKER (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
General FictionSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #2 (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********* Nilait-lait ni Markus alias MarkydeLurky si Alexis sa YouTube dahil sa mapagmataas nitong videos. Inakusahan pa ng binata ang dalaga na anak ito ng isang druglord. Paano r...