CHAPTER ONE

72.3K 1.9K 71
                                    


Ni wala pang limang minuto pagkatapos kong i-upload ang bagong video sa Youtube mayroon nang nag-comment ng, "Yabang!" Galing iyon sa isang nagngangalang MarkydeLurky. Pagkakita sa pangalan niya, napangisi ako agad. Ang una kong naisip ay ang isang napaka-panget na nilalang sa mundo. Iyong alanganing tao, alanganing alien. Siyempre, sino namang guwapo ang pipili ng ganoon ka nakaka-lurky na Youtube username, no?

"Shit, ba't mo na naman sinama-sama sa video ang kotse ko?" singhal ng kuya ko nang mapadaan ito. Nahagip pala ng paningin niya ang pinagkakaabalahan ko sa Youtube.

"Ayaw mo no'n? Starring na naman si Ferry mo?"

"Delete that video!" bulyaw niya sa akin bago pumasok sa bahay. Ayaw ko nga! Ba't ko naman gagawin iyon, no? Ngayon pang dumarami ang subscribers ko dahil sa gara ng mga pinapakita kong kotse? No way!

Ang totoo niyan, hindi naman akin ang mga iyon. Ang porsche ay kay Daddy. Ang Ferrari naman ay sa masungit kong kapatid. At ang vintage Rolls Royce naman ay sa mommy ko. Iyong pula kong Toyota Corolla ay hindi ko na isinama. Panira lang kasi iyon.

Tumigil lang ako sa kakabutingting ng laptop nang marinig ko ang pagdating ng kotse ni Mom. Tumakbo agad ako sa garahe namin. As usual, hindi ito magkandaugaga sa mga pinamili. Nang makita ko ang shopping bag ng Hermes at Gucci napasigaw ako agad. Mas inuna ko pang uriratin ang mga dala-dala niya kaysa humalik sa kanyang pisngi.

"Are these all mine?"

"That Gucci shirt is for your brother. Hermes lang ang sa iyo," sagot ni Mommy habang sumasagot ng tawag sa cell phone niya.

"Why do you have to buy Kuya designer shirts? Hindi naman no'n naa-appreciate. May Ferrari na nga siya, e," pagmamaktol ko pa. Tinalikuran lang ako ni Mom at nagpatuloy ito sa pakikipag-usap sa phone. Nakabusangot ang mukha na dinala ko sa kuwarto ng kapatid ang pasalubong niya. Nakadapa siya sa kama habang nagta-type sa laptop niya. Basta ko na lang hinagis sa kanya ang shopping bag.

"What the fvck!" Narinig kong sigaw niya sabay kalabog. May hinagis siya siguro sa akin. Pero nakalabas na ako sa kuwarto kaya ipinagkibit-balikat ko na lang iyon. Binalikan ko ang laptop sa garden. Nang tingnan ko uli ang video ko, naka-five hundred views na ako. Sobra akong natuwa. Kaso nga lang ang daming negative comments at nangunguna sa kanila si MarkydeLurky.

"Sigurado, anak ka ng politiko," ang sabi niya kasunod ng comment niyang "yabang". May limampo nang nag-thumbs up sign sa komento niyang ito at may ilan na ring nag-reply pa ng mga one-liner, "Natumbok mo!", "Gotcha!", "Ano pa nga ba?" "People's money" at "You rot in hell, brat!" Na sinagot naman ni MarkydeLurky ng, "Bigyan natin siya ng pagkakataong magtanggol sa sarili. Baka nag-iipon pa ng ibabato sa atin." At sa dulo no'n ay ang nakatawang emoticon na labas ang mga ngipin.

Nainis ako pero nagtimpi pa ako nang kaunti. Buti na lang at tumawag ang best friend kong si May kung kaya nagkaroon ako ng rason para huwag munang pansinin ang mga comments nila.

"I saw your video! Girl, they would surely think more evil thoughts kapag nalaman nilang dating mayor ng Batanes ang dad mo," at napahagikhik ito.

"They'll never find out. Tsaka bago naman maging mayor ang daddy, mayroon na siyang car collection. And we a have a decent business, no!"

"I know. Hindi naman ako nagdududa sa inyo. Kaya lang, alam mo naman sa atin. If I were you, I'll delete that video."

"Why would I do that? Pinaghirapan ko iyon. I'm planning to feature more luxurious cars and tell my audience what they're all about. At kung bakit ang mamahal nila."

"All right. Ikaw ang bahala. You better make sure, you don't mention anything about your dad's past career or else," at humagikhik na naman si May.

MY YOUTUBE STALKER (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon