CHAPTER THREE

56.6K 1.6K 121
                                    


"May!" anas ko sa kaibigan habang abala ito sa pagkuha ng larawan ng mga dumadalo sa lamay. Kailangan ko pa siyang tawagin uli dahil parang hindi ako narinig.

"Ano na naman ba? I'm working!"

Hinintay ko munang makuhanan niya ang importanteng bisita ng namatayan bago ko hilahin sa isang tabi.

"Nakakasanayan na tayong kunin sa lamay at funerals. Hindi mo ba napapansin? We have to put an end to this. This should be the last time na papatol tayo sa ganitong klaseng raket."

"Ano ka? Pera rin naman ito, e. Tsaka tingnan mo, mas malaki pa sila magbigay kaysa sa mga nako-cover nating weddings!"

"Kahit na! I don't want to be known as that fotog who covers wakes and funerals!"

Tinalikuran na ako ng bruha. Dali-dali siyang pumuwesto sa bukana ng funeral home dahil may nagdatingan daw na bagong bisita. At base sa reaksiyon sa paligid mukhang bigatin.

"My condolences, Mrs. Fernandez," narinig kong sabi ng isang matikas na ginoo. Naka-Amerikana ito at sa tindig na mahigit-kumulang anim na talampakan at tatlong pulgada, he was towering over all the people in the wake. Medyo may edad na siya but it didn't make him less attractive. Sa katunayan, base sa mga nakikita kong reaksiyon ng mga babae sa paligid, bata man o matanda, he still has it. Naisip ko nga, this dude has swagg. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa harapan ng kabaong. Katabi niya ang biyuda ng yumao. He looked so solemn and --- hot! Pinilig-pilig ko ang ulo. Hindi ako dapat nag-iisip ng ganito. Sinenyasan ko si Roxy na kuhanan ng larawan ang dalawa dahil siya ang pinakamalapit. Inisnab ako ng bruha. After a minute, saka ko nalaman ang dahilan.

"What's happening?" narinig kong tanong ni Mrs. Fernandez. Walang pinapatungkulan. Napatingin ito sa mga nakaupong bisita na ngayo'y kandahaba ang mga leeg sa paglingon sa mga bagong dating. Ang mga bading ay hindi nakatiis. May tumili. May kumurot naman ditong matandang babaeng naka-belo ng itim.

"My boys. They came with me," narinig kong paliwanag ng matikas na ginoo. Tumingin ito sa entrance habang parang celebrities na pumasok ang sinasabing mga anak. Naka-pantalon ng maong ang tatlo. Ang dalawa ay naka-tshirt lang ng kulay puti at gray pero ang isa ay naka-sweater ng itim na may hood.

Napanganga ako nang mamukhaan ang isa. Ang lalaki sa parking lot ng MOA! At may kasama pang dalawang equally hot guys! Juice colored! Salamat, po! Pasensya na sa reklamo ko kanina. Hindi na po ako magrereklamo kahit gawin n'yo pa akong embalsamador basta ganito lang lagi ang nakikita ko sa paligid! .

"Roxy! Roxy!" tawag ko sa kaibigan. Halos hindi na ito tumitigil sa kaka-picture sa tatlo. Nangungunot na ang noo ni Mrs. Fernandez. Hindi na kasi sila nakakapag-usap ng bisita dahil maya't maya'y nagkikislapan ang camera ng bruha kong kaibigan. Dumagdag pa si May.

Hindi na ako nakatiis. Hinila ko silang dalawa palayo.

"Ano ba kayo? Nakakahiya sa kanila!" anas ko.

"Ano ka ba? It's our job!" protesta ni Roxy at bumalik pa sa tatlo na ngayo'y pinapakilala na ng lalaking may edad sa biyuda ng namatay.

"Siya nga iyong guy sa parking lot ng MOA!" kilig na kilig na bulong sa akin ni Roxy nang lumapit sa akin. "Matias nga ang pangalan niya. Matias San Diego! Shit, bitch! Hindi ko alam na suswertehin tayo ngayon! Lord, thank you!" at eksaherada pa itong tumingala sa kisame sabay sign of the cross.

Nang tumingin ako sa tatlong guys, nagkatinginan kami ng lalaking naka-sunglasses. Oh so, I thought. Basta nasa direksiyon namin ni Roxy nakapokus ang atensiyon niya. Dahil sobrang dark ang tint ng sunglasses niya hindi klaro kung sino talaga ang tinitingnan niya pero it was enough that he seemed to be looking at us. At kahit partly covered ng hood ang ulo nito, I knew I've met him somewhere.

MY YOUTUBE STALKER (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon