A/N: Dito na po nagtatapos ang kuwento ni Markus. Oo nga pala, fictional place po ang beach dito sa part na ito. Thanks for supporing Markus and Alexis' love story!
Dedicated to the first commenter.
**********
Habang nagbabangayan ang mga kaibigan ko at kabarkada ni Markus para sa coveted camera angle ng sino-shoot naming video, tumalilis na kaming dalawa. Napansin na lang nila kami nang umarangkada na ang motor palabas ng village.
"Lexy! Teka!" sigaw pa sana nila Roxy at May. Nakita ko namang napakamot-kamot lang sa ulo ang lalaking kanina pa inaangilan ng dalawa. Tawa naman kami nang tawa ni Markus.
"Where are we going?" tanong ko sa kanya habang hinihigpitan ang kapit sa kanyang baywang. Medyo bumilis na kasi ang takbo ng motor at gumegewang-gewang na kami sa highway.
"You'll see," tanging pakli lang ni Markus.
Nakita kong papalabas na kami ng Kamaynilaan. Naintriga tuloy ako. Ang paalam namin sa mga magulang ko, magso-shoot lang kami ng mga magagarang bahay sa isang ekslusibong village sa Alabang dahil gagamitin ng isang real estate agency para sa ads ng available houses for sale para sa mga high end clients nila.
"May iso-shoot din ba tayo rito?" tanong ko uli. Nakita ko ang signage na nagsasabing doon ang daan papuntang Cavite. "Teka, nagdala ka man lang ba ng kahit isang DSLR camera?" At bigla akong nag-worry dahil naiwan ko ang lahat ng gadget, pati na nga cell phone kina May. Paano na lang ang pagkuha ng video o kahit pictures man lang?
"Relax," natatawang sagot ni Markus.
Mayamaya pa, pumasok na ang motor sa isang parang kagubatan. Nangunot ang noo ko. Ano naman ang gagawin namin sa gubat? Magso-shoot ng mga wild animals? Medyo kinabahan ako nang may madaanan kaming medyo masukal na parte ng gubat. Natakot na rin ako na baka sumemplang kami't magkandalasug-lasog ang katawan ko sa mabatong daan Pero hindi namn iyon nangyari. Hmn. In fairness. Ang galeng magmotor ng lolo mo!
After like an endless scene of vines and cadena de amor, umaliwalas na ang paligid. Lo and behold, isang napakagandang beach pala ang nandoon sa pinakadulo. Nagulat ako. Pero kanina, I had a gut feeling na may sorpresa ngang naghihintay sa akin sa dulo ng masukal na kagubatan.
"You like it?" tanong sa akin ni Markus. Nakababa na siya ng motor. Natanggal na rin niya ang helmet niya. Titig na titig siya sa akin.
Hindi ako nakapagsalita. Tulad ng sa mga pelikula, parang slow motion ang pagbaba ko ng motor at ang pagtanggal ng helmet sa ulo. I was mesmerized by what I saw. Paanong magkaroon ng malaparaisong tanawin sa dulo ng isang kagubatan?
Naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay ni Markus sa baywang ko habang niyayakap niya ako mula sa likuran. Hinalikan pa niya ang batok ko.
"I hope you like it," bulong niya sa akin.
"I don't like it," sabi ko sa mahinang tinig. I felt him stiffened. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa baywang ko't hinarap ko siya. "I love it!" sigaw ko. Napangiti siya. Ang ngiti ay naging mahinang tawa hanggang sa ito'y maging halakhak.
"Tinakot mo ko, ha?" At hinila niya ang kamay ko. Naghubad kami pareho ng sapatos at naglakad-lakad sa pino at puting buhangin. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Walang halos ni isang tao. Paanong hindi ito nadiskubre ninuman?
"Ba't tayo lang ang nandito?" tanong ko.
"This is a private beach. Binili namin ni Marius noong nakaraang taon. Kaming tatlo lang nila Matias ang nakakaalam nito."
Shit! Nalula ako.
"Teka, may dala ka bang camera? I want to capture everything para may remembrance man lang ako," sabi ko pa sa kanya.
BINABASA MO ANG
MY YOUTUBE STALKER (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
Ficțiune generalăSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #2 (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********* Nilait-lait ni Markus alias MarkydeLurky si Alexis sa YouTube dahil sa mapagmataas nitong videos. Inakusahan pa ng binata ang dalaga na anak ito ng isang druglord. Paano r...