Nang ma-realize kong tumaob pala ang sasakyan, no'n lang ako nakaramdam ng matinding takot. Iyong klase ng takot na nakakapanginig ng buong katawan. Naisip ko agad sina Mommy't Daddy. Pati na ang nakabubwisit kong kuya. Kahit hindi naman kami laging nagkakasundong apat, ayaw ko naman silang iwan nang basta-basta na lang. Siguradong mamamatay sa hinagpis ang mga magulang ko. Kahit si Kuya, tiyak na iiyak.
"Are you guys all right?" tanong ng lalaki. Parang nasa labas ito ng sasakyan. Biglang kumirot ang noo ko at may umagos doong pulang likido. Napasigaw ako, pero impit na daing lang ang lumabas sa lalamunan ko. Inulit uli ng mama ang tanong. Tapos may nakita akong ilaw. Nang tumama ang ilaw sa mukha ko, inisip ko kaagad na pinapasundo na kami ni San Pedro. Nag-panic ako. Sigaw ako nang sigaw pero daing lang ang lumalabas. No'n ko nakitang may gumalaw sa unahan.
"A-alexis? Alexis?" narinig kong tawag ng pamilyar na boses. Si Markus! Inunat pa niya ang dalawang kamay at hinawakan niya ang mga palad ko.
"Are you all right?" tanong niya sa akin sa mahinang boses.
Tumangu-tango ako. Inatake ako ng antok, pero sinikap kong manatiling nakadilat. Ayaw ko pang mamatay! Pero mukhang gano'n na nga ang nangyayari sa amin. Iba na kasi ang dating sa akin ng mga boses sa labas. Parang iyong napanood ko sa movie kapag sinusundo ni Kamatayan ang mga bagong patay. Binalot na naman ako ng matinding takot at pangamba. Ninninerbyos man, kailangan matanong ko kay Markus at masiguro.
"P-patay na ba tayo?"
Sa nagdedeliryo kong utak, nakita ko siyang parang napangiti. Pinisil niya uli ang mga palad ko saka nagsabi ng, "I guess not."
**********
Paggising ko, nasa tabi ko na si Dad. He looked so worried. Base sa panlalalim ng kanyang mga mata at tubo ng balbas sa mukha, nabatid kong hindi pa siya nakapagpahinga.
"Oh, thank God, you're now awake!" Yumakap siya sa akin at hinagkan ako sa noo. "You scared the hell out of me, son," dugtong pa nito sa boses na tila nahihirapan. Pag-angat nito ng mukha nakita kong basa na ng luha ang kanyang mukha.
"W-hat happened, D-Dad?" tanong ko sa namamaos na tinig.
Hinaplos-haplos ni Daddy ang noo ko habang nagkukuwento. Sumagi agad sa isipan ko si Alexis. Natakot ako. Tinangka ko sanang bumangon ngunit napahiga ulit ako dahil parang may pumigil sa akin. Iyon pala may nakakabit na destrose sa isa kong kamay at ang isa nama'y parang nakatali sa isang apparatus. Sinubukan kong igalaw ang mga binti. Laking pasasalamat ko nang kusa namang gumalaw ang mga ito. Inakala ko kasing baka naputol sila o naparalisado.
"Just lie down, son. You need to rest."
"Pero si Alexis, Daddy."
"She's fine. She's now resting in her private room. Si Mr. Conrad lang ang medyo malubha. Nasa ICU pa rin siya hanggang ngayon."
"Please make sure, Alexis and Mr. Conrad are being taken cared of, Dad, especially Alexis."
Yumuko si Dad at hinagkan uli ang noo ko. Huwag ko na raw intindihin iyon. Siya na ang bahala. Pagkasabi no'n tumulo uli ang luha niya kaya kinabahan ako. Nang may sumilip na nurse, inalam ko agad dito ang kalagayan ni Alexis. Nakahinga lang ako nang maluwag nang sabihin niya sa akin na okay na okay na siya at hindi naman daw na-injure masyado. Kaunting gasgas lang daw ang ininda niyang sugat.
"Can you give me her room number?" tanong ko sa namamaos na tinig. Sinulat naman ng nurse ito at nilagay sa palad ko.
**********
Habang pinagmamasdan ko siya na mapayapang natutulog sa kama niya, nakaramdam ako ng ibayong kalungkutan. In a few days, magkakahiwalay na kami. Parang hindi ko yata kaya. Gano'n pa man, tingin ko iyon ang nararapat dahil habang dumidikit ako sa kanya nalalagay naman ang buhay niya sa panganib. I don't think I can bear to lose him for real.
BINABASA MO ANG
MY YOUTUBE STALKER (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
General FictionSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #2 (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********* Nilait-lait ni Markus alias MarkydeLurky si Alexis sa YouTube dahil sa mapagmataas nitong videos. Inakusahan pa ng binata ang dalaga na anak ito ng isang druglord. Paano r...