CHAPTER TWENTY-ONE

35K 1.1K 61
                                    

A/N: O, hayan at inagahan ko na ang update dahil ang daming nabitin last time. Pero one week after ulit ang update. Thank you all for your support!!! Mwah!

**********

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, pero talagang ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi naman siguro dahil naa-attract na ako kay Demitrius. Nakakapalan pa rin ako sa kilay niya at nasosobrahan sa tangos ng kanyang ilong. Wala rin akong nararamdamang pagtalun-talon ng puso sa tuwing hawakan niya ang siko ko habang inalalayan niya ako sa pag-upo. Gano'n pa man, kakaiba ang dagundong ng dibdib ko.

"I'm very happy to finally have this date with you," nakangiti niyang sabi na sinagot ko naman ng awkward na, "Oh, you are?"

Dinampot niya ang isa kong kamay na nakapatong sa mesa at nilagay iyon sa palad niya. Pagkatapos, hinagud-hagod iyon ng isa pa. Napakurap-kurap ako. May bigla na lang kasing nag-flash na ilaw. Nang tumingin ako sa gilid namin, nakita ko ang salarin. Iyon ang reporter na kumuha ng larawan namin ni Markus habang nagdi-dinner kami sa Asiate noong nakaraang linggo. Ngumiti siya agad sa akin pero sinimangutan ko siya. Nang ma-realize kong magkahawak-kamay pa rin kami ni Demitrius kaagad kong binawi ang akin. Shit! Malalaman ni Markus ang tungkol sa pakikipagkita ko kay Kostopoulos! Bwisit! Gusto kong kutusan si May.

Nang dumating ang red wine namin, ngumiti na naman si Demitrius sa akin at nag-propose pa ng toast. Hindi ko agad naitaas ang kopita ko dahil nasa tabi pa rin ang reporter ng New York Post. Binalingan ko ito at hindi ko na ikinaila ang saloobin sa kanya. Kinuhanan pa niya pati ang nakasimangot kong mukha. Napakuyom ang palad ko. Kung sa Pilipinas siguro'y namura ko na siya pero nahiya naman akong magkalat dahil baka makaapekto na naman iyon sa trabaho ko sa agency nila Markus. Siguro nahalata na ni Kostopoulos na hindi ako komportable kung kaya siya na mismo ang nagsabi sa reporter na umalis sa tabi namin. Masunurin naman pala.

"As I was saying, I hope you'll consider modeling for my company as a full-time career."

"I'm so flattered by your offer, Demitrius, but I still need to go back to the Philippines and finish my schooling. Perhaps, later?"

Ngumiti siya pero hindi naman umabot sa kanyang mga mata. "Of course. Cheers to that!"

No'n ko lang itinaas ang wineglasss at pinagkiskis namin ang hawak-hawak na kopita bago ininom ang laman no'n. Umorder uli siya ng panibago. Sa pangatlong refill, may tumawag sa phone niya. Tumayo muna siya at lumayo pero bago iyon narinig ko siyang nag-Tagalog sa kausap. Curiosity got the better of me, kaya kahit na hindi ko dapat iniwan ang table namin nang walang tao sinundan ko siya. Bahagya ko lang naabutan ang pakikipag-usap niya sa taong tumawag, pero nabatid ko agad na nasa panganib ang buhay ko. Dali-dali akong bumalik sa mesa namin at tinawagan ko si May.

"What? He can speak Tagalog?!"

Sa dami kong sinabi sa kanya, iyon lang ang rumehistro sa utak ng bruha. Kung malapit-lapit lang siya, pinitik ko na sana ang sentido.

Nagpaalam ako agad nang makita kong bumabalik na si Demitrius. I exerted a lot of effort to appear normal. Siguro nahalata niya ang ka-OA-han ko dahil tumingin siya sa akin na parang sinisipat ang mukha ko. Nginitian ko na lang siya nang ubod-tamis para ma-distract.

Pagdating ng main course, nag-ring na naman ang phone niya. Tumayo na naman siya. Hinintay ko munang makalayu-layo siya bago ko sinundan. Sa labas na naman ng men's room niya sinagot ang tawag in Tagalog. At napag-alaman kong may balak siyang makuha na ako by hook or by crook that night. Parang iyon yata ang utos sa kanya ng kung sino mang tumawag. Dali-dali akong bumalik sa table at tatawagan ko na sana si May nang naunahan ako ng bruha.

MY YOUTUBE STALKER (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon