"Naman! That was Mary Kay's!" sigaw ni May nang natapon sa sahig ang kabibili niya lang na make up set. Natanggal sa sisidlan nito ang isang kulay ng blush on at nagkaroon naman ng kaunting crack ang isa pa. Gano'n din halos ang nangyari sa eye shadow set niya. Nag-panic ang mga kaibigan namin. On an ordinary day, I would have panicked with them, too. Kaso nga lang mas may malaki akong problema.
"Saan ba ang sunog, sistah?" sarkastikong tanong ni Cristy. Tumigil na rin ito sa paglalagay ng fake eyelashes sa mata at hinarap ako habang nakapamaywang.
"Somebody hacked my YouTube account!" pasigaw kong sagot. Mangiyak-ngiyak na. Napasalampak ako sa malamig na sahig ng classroom in a helpless look.
"What's new?" sagot ni Roxy at binalewala lang ang sinabi ko. Inisip sigurong nag-iinarte lang ako for dramatic effect. Inikot na nito ang upuan at nagpatuloy na sa pag-aayos ng make up.
Si May lang ang mukhang nag-alala. Siya ang lumapit sa akin at tinanong ako ng "What's wrong?" Hindi na nito pinansin ang nasira kong Mary Kay's make up set niya. Sina Belle, Xena, at Cristy nama'y nagpatuloy na sa pag-aayos ng mga sarili. Binalewala ako. Nainis ako sa kanila. Si May lang ba ang totoong nagmamalasakit sa akin?
"Pay attention to me, people!" galit kong sigaw sa apat kong kaibigan.
"Lexy darling, ano ba ang sinabi namin sa iyo? Hangga't may account ka sa social media or any other site, your page is bound to be hacked sooner or later," sagot ni Cristy.
"That's right. At least, there are still people who bother to hack your account. That means you are still relevant. Instead of feeling down, you must be happy about it," sang-ayon naman ni Xena. "Right, girls?" sangguni pa nito sa iba.
"Stop you guys!" saway ni May. "I think this is something serious na. Let's hear Alexis out muna, okay?" Binalingan uli ako ni May at tinanong kung ano ba talaga ang pinagsisintir ko dahil hindi naman daw iyon ang unang beses na na-hacked ang YouTube account ko.
"Somebody posted a sex video using my name and my face!"
"What?!" sagot nilang lahat nang halos sabay-sabay.
Bago ako makatugon sa kanilang lima dumating ang professor namin sa humanities at pinaningkitan niya kami ng mga mata dahil do'n pa raw kami sa classroom nag-make up at nag-ayos ng sarili. Nagsidatingan na rin ang iba naming kaklase. Karamihan sa kanila ay nakangisi habang nakatingin sa akin. Mayamaya pa, sumilip ang sekretarya ng Dean of Student Affairs. Pinapatawag daw ako ng dekano. No'n na nabahala ang mga kaibigan ko.
**********
Nagtaka ako nang pagdating ko sa living room namin halos lahat ng mga utol ko'y nakabutingting sa mga gadget nila na tila may pinapanood nang sabay-sabay. Si Shelby lang ang mukhang hindi focused sa video.
"Kuya Markus!" tila nagulat na bati ng aming unica hija. She looked like she was caught doing something bad. Lalo akong naintriga.
Matias and Marius looked at me like they were kind of worried. Sina Moses at Morris nama'y parang naawa sa akin. What's going on?
Naupo ako sa sofa sa tabi ni Shelby. I put my arm around her shoulders sabay halik sa kanyang sentido. No'n ko na inusisa ang apat kung ano'ng video ang pinanood nila.
Napahinga nang malalim si Marius bago nito binigay ang laptop niya sa akin. Ako na raw ang humusga sa video. Nagdahilan sina Moses at Morris na may gagawin pa kung kaya umalis na sila roon. Si Shelby nama'y nagpaalam na rin. Kaming tatlo na lang ang natira roon.
Nagulat ako sa nakita nang i-click ang replay do'n sa video na pinanood nila Marius. Ang una kong nakita ay ang pagrarampa ni Alexis sa iba't iba niyang branded bags at sapatos. Ang umunod na eksena ay ang pagsasayaw niya nang seksi sa isang malamyos na instrumental music. Naka-Victoria's secret lingerie na lamang siya habang gumigiling-giling. Napansin ko agad ang kulay asul na butterfly tattoo sa puson niya and I felt that something was not right. Unti-unti niyang hinubad ang pang-itaas niyang suot at tumambad ang matambok niyang dibdib. May napasinghap na boses lalaki sa video at mayamaya pa'y pumulupot sa bandang dibdib ni Alexis ang mga braso niya. Napakuyom ang mga palad ko.
BINABASA MO ANG
MY YOUTUBE STALKER (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
General FictionSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #2 (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********* Nilait-lait ni Markus alias MarkydeLurky si Alexis sa YouTube dahil sa mapagmataas nitong videos. Inakusahan pa ng binata ang dalaga na anak ito ng isang druglord. Paano r...