CHAPTER TWENTY-TWO

35.9K 1.1K 35
                                    

Tinanghali kami ng gising ni May kung kaya na-late kami ng sampong minuto sa pagpasok sa upisina. Hindi kami makatingin nang deretso sa mga taong kasalubong namin dahil natatakot kaming masita. Pero mukhang wala silang pakialam sa amin. Tila nagmamadali lahat. Pagdating namin sa palapag kung saan kami nag-u-upisina, may napansin din kami. Parang may nangyayaring kaguluhan. Hindi tuloy nahalata ng mga kasamahan namin na no'n lang kami dumating. Mukha kasing aligaga silang lahat sa kung ano na hindi namin matukoy.

"Ms. Siciliano, print that thing I asked you to do last week. I need it for the meeting," mando kaagad ni Mr. Parker pagkaupo na pagkaupo ko. "Ms. Tevez, I want you to follow me to the conference room."

Nagkatinginan kami ni May pero wala nang oras para magtsika. Dali-dali na lang itong sumunod sa nagmamadali naming bosing.

"What's going on?" tanong ko sa katabing Amerikana.

"There's an emergency stockholders' meeting right now because more than half of our major clients cancelled their contract with us," kaswal na sagot ng babae.

Natigil ako sa pagtipa sa laptop. More than half? Naalala ko ang narinig na pag-uusap nina Demetrius at Liz noong isang araw. Shit! Nangyayari na ang banta nila! Napatayo ako bigla. Kailangan kong makausap si Markus.

"Where are you going?" No'n lang napatingala sa akin ang babae.

"I need to talk to Mar---I mean, Mr. San Diego."

"He's very busy right now. He's having a meeting with the Board of Directors."

Natigil ako sa pagbukas ng seradura ng pinto. Paano ko kaya makakausap iyon?

Nagulat ako nang bigla na lang bumukas ang pinto at niluwa no'n si May.

"Na-print mo na ba ang iniutos ni Mr. Parker?"

"Hindi pa. May ire-revise pa sana ako ro'n."

"Bruha, kailangan na niya iyon ngayon din! Dali, tapusin mo na!"

Bumalik ako sa cubicle ko at pinasadahan ang ginawang report. Aayusin ko pa sana iyon nang bigla na lang sumulpot si Mr. Parker at sinigawan kaming magkaibigan. Nasaan na raw ang dokumento? No'n lang namin siya nakitang nagkagano'n kaya natakot kami pareho ni May. Napindot ko ang print nang wala sa oras. Lumapit siya sa printer at isa-isang kinuha ro'n ang papel at walang sali-salitang lumabas na naman. Pero mayamaya'y sumilip ito at kinambatang parang aso si May.

Napasandal ako sa upuan ko, sobrang worried.

**********

Habang isa-isa kong pinapakinggan ang pinuno ng kada departamento, naisip ko si Kostopoulos. Simula nang nakipag-negosasyon siya sa ad agency nami'y ang dami nang nangyari. I have a gut-feeling na pinipersonal niya ang lahat. Kahit na sa isang tingin ay hindi niya kaanu-ano ang mga nagsipag-withdrew na kompanya, may kutob akong may kinalaman pa rin siya sa bigla nilang pag-alis sa amin.

"It's so unfortunate that these things happen on your watch, Mr. San Diego," sabat ng pinuno ng major stockholders matapos ang final report tungkol sa mga nagsipagkalas na kompanya. He reminded me of Alan Rickman as Professor Snape. Bukod sa malaki ang pagkakahawig ng mukha nila, parehas pa kung mag-deliver ng linya.

"We do not understand how you can't satisfy simple requests of these companies. For example, for this JJ Ladies Apparel Company, how hard is it to get an airtime in It's Saturday Night Live?" dagdag naman ng isa sa mga miyembro ng Board of Directors.

Bago pa ako makasagot, nagpaliwanag ang pinuno ng Media Buying Department. Hindi siya nakabuwelo dahil pinatahimik agad ng mga Board of Directors. Gusto raw nilang marinig ang bersyon ko bilang pinaka-pinuno ng kompanya.

MY YOUTUBE STALKER (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon