CHAPTER TEN

46.8K 1.5K 90
                                    


Nanghilakbot ako nang makita ang mga lumang videos na pinagpipiyestahan ng mga local media outlet sa bansa. Ginamit nila ang mga iyon na isa sa mga pruweba na may kinalaman nga sa droga ang negosyo ng pamilya namin. Paano nga raw ba makakaya ng isang ordinaryong negosyante lang ang mga mamahaling kotseng iyon? Tinanggal ko na ang mga videos na iyon sa YouTube channel ko pero may nakalusot pa rin pala. Tama nga sina May. Once you uploaded something online, it's there forever.

"Sis, how are you holding up?" tanong kaagad ni May pagka-hello ko.

Naiyak ako, pero pinigilan ko. Pinatay ko muna ang TV at lumabas ng veranda na karugtong lang ng kuwarto ko. Do'n ko sinagot ang tawag niya.

"Pormal nang kinasuhan sina Daddy at Kuya. I don't know what to do, May."

Napahugot nang malalim na hininga si May.

"Hindi ko alam kung paano ko sila matutulungan. Mom is going nuts worrying about them. Nagsipaglayuan na rin sa amin ang mga kamag-anak namin. Ayaw ngang makialam ng mga kapatid ni Dad. Takot silang lahat madamay," sumbong ko pa.

"May sasabihin ako sa iyo, pero huwag mo munang ipagkalat, ha?"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Halos hindi na ako makahinga.

"Somebody's out there to get back at you for taking one of the San Diegos."

"What?!" Napataas ang boses ko.

"Sshh. Ano ka ba?" naiinis na sagot ni May. "Sigurado ka bang wala kang kasama diyan ngayon na nakikinig? Kasi --- although hindi pa naman sigurado ito, kailangan atin-atin lang muna ang bagay na ito until we're both sure, okay?"

"Deretsahin mo nga akong babae ka! Ano ba talaga iyon? Sino naman ang maghihiganti sa akin? Tsaka hindi pa naman kami ni Markus, a!"

Halos hindi ko na marinig ang boses ni May sa hina ng tinig niya. Basta binalaan lang ako na huwag munang lumabas ng bahay nang walang kasama. Patuloy daw silang mag-iimbestiga nila Belle para sa akin. Pareho kasi silang may tiyuhin sa NBI.

**********

Natigilan ako nang makita ang isa sa mga video clips niya sa TV. Nasa top page pa ang comment ko noon tungkol sa pagiging druglord ng dad niya. I felt so guilty. Ngayon ay ginagamit iyon ng mga malicious media outlet para i-trial by publicity ang dad niya at kuya.

"Are you all right?" pabulong na tanong sa akin ni Marius habang nagkakape kami sa dining table. Inakbayan niya ako at pinisil-pisil sa balikat. Hindi ako sumagot. I stirred my coffee pero wala doon ang isipan ko.

"MarkydeLurky! You're comment has gone viral, bro!" nakangising bungad ni Matias. Tinapik-tapik niya ang balikat ko. Pabiro siyang tinadyakan ni Marius. Umilag siya habang tumatawa, pero kaagad na napalis ang tawang iyon nang makitang seryoso ang mukha ko. Humingi rin siya agad ng paumanhin.

"Kuya, we've got some news for you," sabat naman nina Moses at Morris habang papasok sa dining hall. Buhat-buhat ni Moses ang laptop na palagi nilang ginagamit na dalawa. From the corner of my eye, nakita kong binigyan sila ng warning look ni Marius. Para bang sinasabi nito na kung hindi naman importante ang sasabihin nila'y umeskapo muna sila dahil wala ako sa mood makipaglokohan.

Napalingon ako sa kanila dahil nahagip ng tingin ko ang mga senyasan nila ni Marius. Tumabi sila ng upo kay Matias. Nasa harapan ko na sila. Kung dati ay pinapaalis agad sila ni Matias dahil ayaw niyang makipaghuntahan sa amin ang dalawa, ngayo'y binigyan pa niya ng upuan ang mga ito para masabi nga nila sa akin kung ano iyong sinasabi nilang balita.

"We know who's behind the issue, Kuya. We've traced it online," proud na balita ni Morris. Pinaliwanag nila ni Moses kung paano nila na-hack ang isa sa mga private email address ng isang bigating personalidad sa militar. Pinakita nila sa akin ang palitan ng mensahe mula sa nasabing militar, isang hepe ng pulisya at isa sa mga opisyales ng gobyerno. Gulat na gulat ako nang mabasa ko ang mga messages. At bigla akong nag-panic. Naisip ko agad si Alexis at ang mommy niya.

MY YOUTUBE STALKER (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon