"Iyon si MarkydeLurky?!" naibulalas ng mga kaibigan ko pagkatalikod ng super guwapong waiter. Pinaghahampas ko sila dahil napalakas ang mga boses nila."Letse! Nasa'n na ba ang phone ko at nang makagawa ng sarili ko ring Youtube channel," maarteng sabi ni Cristy. Hinalungkat nito ang bag. Nang hindi makita agad ang cell phone binuhos pa ang laman ng Gucci crossbag niya sa mesa. Hagikhikan kaming lima. Pabiro ko siyang kinutusan. Natigil lang ang harutan namin nang bumalik na naman sa mesa si MarkydeLurky para dalhin ang inorder naming vegetable salad with shrimp and sliced avocado.
Umorder na kami ng main course.Nag-steak silang lima samantalang balsamic-glazed salmon fillet naman ang sa akin. Dinagdagan pa iyon ni May ng white wine. Pagkarinig ko sa inorder niya, Domaine Leflaive Batard Montrachet, sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng mesa. At the back of my head kinuwenta ko ang bill namin at palihim ko pa siyang kinurot nang halos umabot sa tatlong daang libong piso lahat. Nahagip ko rin ang panlalaki ng mga mata ng iba naming kasama. Si MarkydeLurky naman ay napangiti nang may kislap ng kapilyuhan ang mga mata. Siguro nabisto niyang it was meant to impress him.
"Will that be all, ma'am?" tanong niya sa amin, sa akin nakatingin.
"Yes, thank you," sagot ko sa medyo kinakabahang boses.
Pagkaalis niya pinagmumura namin si May. Mas malakas ang sa apat dahil silang lima lang naman mamaya ang maghahati-hati sa bill. Treat nila sa akin kasi ito.
"Hep, hep! Bakit ba tayo pumunta rito? Hindi ba to impress them? Do you think mai-impress natin ang mga iyon kung steak lang inorder natin tsaka ang salmon fillet mo?"
"Ano nga uli iyon?" pang-aasar ni Roxy sa akin.
"Balsamic-glazed salmon fillet!" sabay-sabay na sagot nina Cristy, Belle, Xena at May sa maarteng boses. Sinimangutan ko sila.
Tumigil lang kami nang makita naming papalapit ang clone ni MarkydeLurky. Alam kong hindi ito ang hunghang kong stalker dahil iba ang shade ng pantalong maong nito. Faded blue. Samantalang acid wash iyong sa kakambal niya. Isa pa, medyo seryoso ang mukha niya. Hindi gaya ng kakambal na parang laging may pilyong iniisip.
"Thank you for ordering one of the best wines we have. And because of that you can order one more dish and it's free," sabi niya sa amin. At ngumiti na siya. Para na ring si MarkydeLurky ang nakikita kong nakangiti sa amin.
"Pwedeng hindi na lang dish?"sabad kaagad ni Roxy. Kinikilig ang bruha. Tumayo pa ito.
Saglit na natigilan ang lalaki. Parang nalito. Pinandilatan ko si Roxy pero hindi niya ako pinansin. Nakuha ng bagong dating ang buo niyang atensiyon.
"Yes? And may I know what you want?" untag sa kanya ng lalaki. Tinadyakan ito ni Xena para matauhan.
"Ha?" parang nagtataka pang tanong nito.
"Baliw! Ang sabi niya kung may iba tayong request bukod do'n sa dish," pagpapaalala ni Belle.
"Can we have one more waiter serving us? Marami kasi kami, e. We think Markus won't be able to serve all our needs. So kailangan namin ng dagdag."
Napanganga kaming lima.
"Oh. All right." Todo ngiti na ang lalaki. May kakambatan sana itong waiter nang umawat na naman si Roxy.
"We want that guy,"pabulong niyang sagot. Itinuro ang guwapong lalaki na kausap ngayon ng cashier. Ito rin ang lalaking nakipag-agawan sa amin sa parking lot ng MOA noon.
"He's my brother. And he's not a waiter here."
"Oh, your brother?" sabay-sabay na sabat nila Belle at Xena. Kunwari lang. Alam naman naming lahat na kapatid niya iyon. "So good looks is really in your DNA," maarte pang dugtong ng dalawa.
BINABASA MO ANG
MY YOUTUBE STALKER (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
General FictionSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #2 (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********* Nilait-lait ni Markus alias MarkydeLurky si Alexis sa YouTube dahil sa mapagmataas nitong videos. Inakusahan pa ng binata ang dalaga na anak ito ng isang druglord. Paano r...