A/N: Sorry for the delay. Sobrang busy lang ang lola n'yo.
Dedicated to the first liker.
**********
"Pambihira! Sabihan mo nga iyang sinosyota mong sulatan ka sa private email mo."
"Tse! Inggit ka lang," nakangisi kong pakli kay May habang nagta-type ng reply sa pinost na comment ni MarkydeLurky sa bago kong inaplowd na video.
Nang maramdaman kong nakikiusyuso ang maldita sa likuran, tiniklop ko agad ang laptop.
"As if naman hindi ko mababasa iyan. Kaloka kayong dalawa!"
Tumalikod na ito at nagpatuloy sa pagkusot ng basang buhok.
"You better hurry up there, my friend. Alam mo naman si Mr. Parker. Istrikto sa punctuality," pahabol pa niya bago isinara ang dressing room namin. Si Mr. Parker ang leader ng team namin sa pinagtatrabahuhan.
Oo, natuloy nga kami sa OJT namin sa isang kompanya sa New York. Isa ito sa pinakamalaki at pinagkakatiwalaang advertising company sa siyudad. Dahil kakasalang lang namin sa on-the-job-training, pinagpokus muna kami sa isang aspeto lang ng trabaho. Iyan ay ang pamo-monitor ng online data ng kada advertisement na nagawa na ng kompanya. Ang nakatoka sa akin ay ang advertisement campaign para sa isang cosmetics company. Kay May naman ay ang tungkol sa political ad ng isang senatorial candidate.
It would be just another working day for us that Monday kung hindi ianunsiyo ng supervisor namin na mayroon kaming importanteng bisitang darating. We were told to be at our best behavior. Siyempre, dapat daw ma-impress namin ang kung sino mang duke't dukesa para sa amin na sila magpagawa ng campaign ad ng produkto o serbisyo nila.
"Alexandra Margarita Siciliano?" pasigaw na tawag ni Mrs. Johnson habang hawak-hawak ang brown folder. Nasa bukana siya ng silid kung saan ako nagtatrabaho. May kaba sa dibdib na napatayo ako agad with matching taas pa ng kamay.
Nagtaas siya ng pointing finger at tiniklop ito papunta sa direksiyon niya. Iyong parang nagtatawag lang ng aso. I felt bad but I didn't say anything. I heard some murmurs around me.
"May Clarisse Tevez?" patuloy pa niya.
Tumayo rin si May at mabilis na lumapit. Nahulaan sigurong kakambatan din siyang parang hayop kung kaya inunahan na. Nang makita ng bruha ang kaibigan ko sa harapan niya ngumiti siya nang ngiting ala-Ms. Minchin sa A Little Princess at sinabihan kaming dalawa na sumunod raw sa kanya at may importante siyang sasabihin.
"Pinapatalsik na ba tayo?" anas ko kay May.
"Wala naman tayong ginawang masama, a? Katunayan ang ganda ng nagawa nating presentation no'ng nakaraang linggo," sagot naman ni May. Pero nasa tono rin niya ang pagkabahala. Paano ba namang hindi kami kabahan? Nakaisang buwan pa lang kami ro'n. Dalawang buwan pa ang kailangan naming bunuin para matapos ang OJT.
"Will you stop talking in your language? This is America for God's sake! Speak English!"
Nakagat ko ang labi. But as soon as she turned her back benelatan namin siya ni May. Muntik na kaming mahuli ng bruha.
Nang makarating kami sa conference room, hinarap niya kami uli.
"To be honest, I didn't like you guys, but I have to do my job. I was told by the head office in Toronto that the client specially requested for the two of you to tour him around New York."
"H-ho?" halos sabay naming sagot ni May na sinalubong naman ng babae ng matalim na tingin.
"Why us?" tanong ko na lang.
BINABASA MO ANG
MY YOUTUBE STALKER (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
General FictionSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #2 (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********* Nilait-lait ni Markus alias MarkydeLurky si Alexis sa YouTube dahil sa mapagmataas nitong videos. Inakusahan pa ng binata ang dalaga na anak ito ng isang druglord. Paano r...