CHAPTER THIRTEEN

44.7K 1.4K 94
                                    


Busy kaming magkakaibigan sa pag-istima sa mga bisita ng booth namin nang bigla na lang may dumaang naka-one piece white dress na hanggang kalagitnaan ng hita. Maluwang ang damit from the waist down kaya para itong mga pakpak na lumilipad-lipad. Dahil halterneck ang tabas litaw ang kalahati ng likod.

Hindi ko masyadong nabistahan ang mukha ng kondesa, oo gano'n agad ang naisip ko dahil para ngang kondesa kung maglakad, pero sa nakita kong kinis ng likod niya tingin ko'y mala-diyosa rin ang hitsura.

"Oy, saan kayo pupunta? May pa-roleta pa kami rito!" sigaw ni May sa mga schoolmate naming boys na bigla na lang nagsialisan sa booth namin.

"Balik na lang kami later, girls," nakangising lingon sa amin ng isa at humabol na ang mga ungas sa bruha.

"Sino iyon?" tanong sa akin ni Roxy at Belle. Nakitanaw na rin sila sa nakalayong babae,

"No idea," sagot ko at tumalikod na.

Napansin namin, dumating lang iyong kondesang iyon dumalang na ang nagsibisita sa booth naming magkakaibigan. Kung kanina'y hindi kami magkamayaw sa pagpapalobo ng hugis-puso naming balloons ngayo'y namomroblema na kami kung paano namin madi-dispose ang mga iyon. Wala na ring kumagat sa roleta naming may premyong libreng halik sa isa sa amin. Sa hindi kalayuan, sa booth ng grupo ng pinakamortal naming kaaway sa campus, dinadagsa sila ng mga customers. Karamihan sa kanila mga kalalakihan.

"What's in there ba at gano'n na lang ang komosyon?" nakalabing tanong ni Belle. Masama ang tingin sa rival booth namin.

"Oo nga. Nadaanan ko kanina ang booth nila, nagtitinda lang naman sila ng hugis-pusong cupcakes! Nakakairita!" sang-ayon naman ni Xena.

"Tara, silipin natin?" mungkahi naman ni Roxy.

Bago pa makasagot ang isa sa amin, hinatak na nito si Cristy at nakiusyuso sila sa pinagkakaguluhan ng mga boys. Pagbalik nila kami naman nila May, Belle, at Xena ang pumunta doon. Ang sabi kasi ng mga bruha we have to see for ourselves. Ayaw nilang magkuwento.

Nakisiksik sa crowd sina Belle at Xena dahil halos wala silang nakikita sa kinatatayuan namin sa likuran. Kami naman ni May ay nanatili na lang sa likod. In times like this, pinagsasalamat talaga namin na biniyayaan kami ni Lord ng katangkaran. Hindi ko man kasing tangkad si May, sa suot nitong five-inch stilleto, nag-stand out na kami sa crowd.

"Hindi ba iyan iyong ex ni Markus?" pabulong na tanong sa akin ni May. No'n ko lang namukhaan ang babae. Nagpagupit kasi kaya hindi ko agad siya nakilala.

"Shit, bumagay sa kanya ang boys bob cut. She reminds me of --- who's that Hollywood star again in Ghost? Iyong pinapanood lagi ng mommy mo sa tuwing down na down siya?"

"Demi Moore," sagot ko sa mahinang-mahinang tinig.

At the back of my head, I was trying to compare myself with her. Napatingin tuloy ako sa get up ko. My tattered, tight Levi's jeans and my gray crop top from Gucci looked pathetic compared to her elegant Valentino white dress. I felt sorry for myself.

"Okay ka lang?" Siniko ako ni May.

"Gaya-gaya," sagot ko at inginuso ang kondesa na nagpahalik sa pisngi sa isang lucky customer na nakabunot ng free kiss sa tambiolo. "Let's go!"

Just when we thought our Valentine's fund-raising gimmick was hopeless, dumating ang magkapatid na sina Markus at Matias. And they came with a bang. Napalingon halos lahat nang nagdatingan ang dalawang magagarang BMW motorbike. Dahil tinanggal na nila ang helmet habang dahan-dahang lumalapit sa booth namin, nabistahan ng lahat ang guwapo nilang mukha na tinatakpan lang ng Bentley Platinum sunglasses. Sa mga tulad namin sa school na mahilig sa branded things, motor pa lang nila sapat na para tumigil kami't makiusyuso. Bonus na ro'n na mukha silang Hollywood hunks and they were wearing one of the most coveted sunglasses in campus. Mahal kasi ang mga iyon. Katunayan ang presyo ng isa ay puwede nang pambili ng kotse at sunglasses pa lang iyon!

MY YOUTUBE STALKER (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon