Para akong zombie na naglalakad sa hallway ng building. Kahit na ang dami nang pinakitang palatandaan si Markus noon na mahal niya ako, iba pa rin pala ang feeling no'ng sinabi niya iyon nang harap-harapan. Daig ko pa ang ang trese anyos na batang babae nang una siyang sinabihang crush din siya ng crush niya. Gusto kong sumigaw ng, "Yes!"
Napasandal ako sa pintuan ng apartment at bago ko pa mamalayan nakangiti na pala akong parang timang. May dumaang matandang lalaking puti sa harapan ko at napatingin siya sa akin nang dalawang beses.
"Stupid Asians," narinig kong sabi pa niya sabay iling-iling habang binubuksan ang pintuan ng kanyang silid. In an ordinary night, I would have been offended by his comment, but at that very moment nothing could take away my happiness.
"Fvck! Ano ba?!" gulat na gulat kong singhal sa likuran. Ang bwisit na May bigla na lang binuksan ang pintuan. Muntik na akong matumba.
Nagtaas ang kilay niya nang makita ako. Sumilip pa siya sa labas.
"He went back to his place," sabi ko at pumasok na sa loob.
"O, ba't hindi ka sumama?"
Ako naman ngayon ang nagtaas ng kilay sa bruha.
"Asus! Conservative daw!"
"Tange!" natatawa kong singhal sa kanya. Siguro kakaiba ang kislap sa mga mata ko dahil kinurot niya ako nang kinurot at pinagkukwento. Ano raw ba ang nangyari sa ibaba at ang tagal kong pumanhik?
"I'm sleepy, May. Tomorrow na lang." Hinagis ko ang clutch bag sa kama at binagsak na lang ang katawan do'n. Dinambahan ako ng bruha at pinagkikiliti. Hindi raw niya ako titigilan hangga't hindi ko nasabi kung ano ang nangyari. Nakita raw niya kaming nagyakapan, pero hindi niya marinig kung ano'ng pinagsasabi namin sa isa't isa.
Tinulak ko siya nang ubod lakas at tumagilid.
"Are you officially on?" excited nitong tanong.
Hindi ako sumagot, pero hindi ko napigilan ang pagsibol ng ngiti sa aking mga labi. Sumigaw si May ng, "Yes!" sabay suntok sa ere.
"Shut the fvck up, stupid!" galit na sigaw naman ng isa sa mga kapitbahay namin.
Nagtawanan kaming dalawa.
**********
Hanggang kinaumagahan ay hindi ko maitago ang kasiyahan. Pasipol-sipol pa ako nang pumasok sa building ng advertising agency namin. Perhaps, I exuded a different kind of happiness because people were glancing at my direction with their raised eyebrows. Mga cynical! Palibhasa, hindi n'yo alam kung paano maging maligaya.
May kausap si Dad sa telepono nang dumating ako sa office niya. I knew it wasn't about business because he seemed to be in a very good mood. Dalawang tao lang naman ang kinakausap niya sa tonong parang timang. Si Mama at si Shelby. Palagay ko si Mama dahil medyo maharot ang tono niya. I even cringed at what he was saying.
"Good morning, son. I didn't know you were here already," sabi niya sa akin. Bumati rin ako sa kanya at naupo na sa isa sa mga visitor's chair na kaharap ng desk niya. "Okay, babe. Talk to you later. Bye, 'love you."
Bago niya ibaba ang telepono, ibinigay niya muna ito sa akin. Bumati raw ako kay Mama.
"Yes, Ma. Don't worry, I'm doing all right, here."
Nag-'I love you' rin ako kay Mama bago ko ipinasa sa kanya ang telepono.
"Here are the files of the new clients. Please study them. Some of them, like that Kostopoulos guy, are eccentric. Find out what makes them tick."
BINABASA MO ANG
MY YOUTUBE STALKER (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
General FictionSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #2 (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********* Nilait-lait ni Markus alias MarkydeLurky si Alexis sa YouTube dahil sa mapagmataas nitong videos. Inakusahan pa ng binata ang dalaga na anak ito ng isang druglord. Paano r...