"Ma, pwede po ba akong lumabas? Tapos ko nang gawin assignment ko."
"Na-"
"Naayos ko na din ang gamit ko."
"O sige. Bumalik ka ng mga 4, baka ikaw ay mapahamak.
"Ok po."
Gumala lang ako sa mga kalsada, tas pumunta ako ng Village Park. Maganda dun. Sobrang dami ng mga flowers tsaka ang lawak ng clubhouse doon.
Ilang minuto na ako nakapunta sa park. It's so beautiful as always..
Ang napansin ko agad ay may parang party sa clubhouse. May birthday yata.Umupo ako sa isang bench para mapanood yung mga bata naglalaro sa swing at slide. May iba ngang gumagamit ng seesaw.
Masarap talagang umupo sa isang bench sa park tas titingnan mo yung mga batang naglalaro. Makikita mo silang masaya. If I see someone happy, I'll be happy. Mapapangiti ka na lang talaga sa mga batang naglalaro.
Habang tinitingnan ko yung mga bata, hindi ko napansin na may aso na papunta sa akin. Ang liit, pero ang lakas ng tahol niya.
Arf arf!! Arff arf!!!
Natakot ako ng konti pero di na lang ako gumalaw. Nakaupo parin ako sa bench. Tapos bigla na lang tumakbo ang aso papunta sakin. Lumaki yung mata ko!
Sobra na akong takot at baka kagatin ako nung aso. Galit ba yung aso sakin? Dahil sa sobrang takot, tumayo ako na parang patakbo na papuntang bahay. Pero bago ako tumakbo, may narinig akong boses ng lalaki.
"Liv!!!"
Tiningnan ko kung sino ang sumigaw. Nasa harap lang niya ako pero may pagka distance kami. Like loooong distance. Patakbo siya sa amin. Nung paplapit yung lalaki, tumigil yung aso sa harap ko. Nagmumukhang galit. Ano ba ang ginawa ko??....
"Liv! There you are. Di kita mahanap hanap.", sabi nung lalaki.
Binuhat niya yung aso niyang si "Liv" tas tiningnan ako na parang nagpapasalamat.
"Uhh hi, thank you sa paghanap sa dog ko. Akala ko kung anong nangyare sa kanya."
"Paghanap?!? Do you think I will look for a dog that will run towards me while I'm just sitting here in complete silence?!? Dapat nga ako ang magsasabi ng thank you kasi muntik na akong makagat ng kanina pang tumatahol na aso mo!", sabi ko na may sinamang galit. Kanina pang tumatahol yung lintek na aso niya eh!!😡
"Oh, I'm sor-"
"Ewan ko sayo!!😡"
Napansin ko na may mga tao na nakatingin samin. Hindi ko na tiningnan yung lalaki, why would I?! Galit ako eh. Umuwi na lang ako, there's no reason to stay there.
"Oh, ba't parang ang aga mo naman makauwi? Madami bang tao?", sabi ni Ma nung nakita ako papasok sa room ko.
"Hay nako, Ma. Nawalan na po ako ng gana. Gawa po kasi nung aso, hinabol ako. With no reason at all, Ma.", sabi ko nung uminit yung ulo ko nung sinabi ko yung word na aso. Pumasok ako agad sa room ko, inip na inip na ako!!!!!!😡😡
Ughhh. Di pa rin ako makaget over sa aso na tumatahol habang papunta sa akin kanina. Tas yung may ari nun ay nagpapasalamat sa akin?! Hate stupidity.
Nanood na lang ako ng mga cartoons para maget over ko yung.......nangyari.
"Pauline! Baba ka na dyan, kumain na tayo ng hapunan."
"Ok po Ma!" sana fried chicken ang ulam namin...
Nung bumaba na ako, laking gulat ko eh!
"Kuya?"
"Bonjour! hehe.."
YOU ARE READING
Status: Just Friends
Teen FictionLet's be honest, hindi lahat ng mahal natin ay mahal rin tayo. Minsan nga wala na tayong space sa kanilang puso. Lagi nalang sa kanya. Sa kanya nagagandahan, sa kanya nagkakagusto. Sa kanya napupunta pagmamahal niya kesa sayo. Eh ikaw naman, ikaw ng...