Michael's POV
"Ano ba ito na lang!"
"Eh napanood na natin yan kahapon!"
"Ang arte! Oh eh ito!.", tinuro ni Lorraine yung movie na White Chicks. "Wag yan, bastos yan."
"Tulad mo?"
"Di kaya. Gwapo kaya ako!", totoo naman eh.
"Hay nako, 'to na nga lang.", tinuro naman nya yung The Notebook. Ang alam ko lang naman dun ay nakakaiyak daw yun. "Sige na nga."
Sa totoo lang, di ako mahilig sa mga chick flicks at drama. Gusto ko comedy o cartoons tsaka Disney. Pumunta ulit si Lorraine sa bahay ko para mag hangout. Isang linggo na siyang nandito sa Pinas at walang isang araw na hindi niya ako kinakausap.
Pero si Pauline, jusko. Lagi nalang nasa kwarto niya tsaka di pa sya napasok. Tawag ng tawag sakin si Klarisse kung okay lang sya, pero di ko rin alam kung anong sagot dun. Buti uuwi na si Mama ngayon, sana maayos nya 'to.
Habang pinapanood namin yung The Notebook, di ko matigilan tingnan si Lorraine. Ang ganda ganda nya. Mas lalo pa syang naganda pag nangiti. Tas umiiyak na lang sya bigla.
"Ang drama mo naman."
"Nakakaiyak nga kasi si Allie may dyslexia tapos....AHHH!", labas na ang sipon sa ilong nya eh.
Kinuha ko yung tissuebox namin. "Oh."
Di ko narining yung movie kakasinga ni Lory. Jusko kahit nasinga sya, ang cute parin.
*THUD*
"Ano yun?", pumunta ako sa kusina kung saan nanggaling yung ingay. Nakita ko si Pauline nasa sahig at mga basag na plato sa paligid.
"Sht Pauline! Ano bang ginagawa mo?!", di sya nagsalita at nasa sahig pa rin sya. Tinulungan ko syang tumayo nang iwasan ko yung basag.
"Pauline, ano ba kasing gina-", bago pa ako makatapos ay niyakap ako ni Pauline ng mahigpit. Nabasang konti yung sweater ko kung saan tumama mata nya.
"Kuya ang sakit pa rin.."
Hearing those words got me from the heart. I can feel the pain she felt. Kung ano man nangyari sa kanya, I will be there for my sister.
"Kaya mo ba?", tanong ko sabay pinunasan ko mga luha nya. Sumagot naman sya ng oo at ginulo buhok nya.
"Tingnan mo tuloy sarili mo, Linya. Pumanget ka pa lalo kakaiyak."
"-_-".
"Joke. Tara, ipapakilala kita kay Lorraine."
"Huh?", hinila ko kamay nya papuntang salas.
"Lory, Linya. Linya, Lory.", nagyakapan yung dalawa. MUkhang excited makita ni Lory si Pauline kasi sobrang tagal na niya gustong makilala kapatid ko.
"Pauline, finally nagkita na tayo. Sorry if it was under terrible circumstances..", tumingin bigla si Pauline sakin.
"Sinabi mo?"
"Eh ano pa bang gagawin ko?", tumawa silang dalawa. Anong nakakatawa dun?
"Okay! Lets go!", sabay kumunot noo namin ni Linya. "Saan?"
"Edi sa pupuntahan. Basta, mag ayos ka na Pauline kasi lalabas tayo!", ano?! Perfect na yung araw namin eh.
Mukhang excited si Linya pero ako hindi. Tiningnan ko si Lorraine ng -_-.
"Oy, bakit? Pauline needs to have fun, not spend her whole life in her room. Tsaka para makapagbonding tayong tatlo.", nag agree naman ako. At para maka move on na rin si Pauline. Kahit wala namang kailangan ipag move on.
YOU ARE READING
Status: Just Friends
Teen FictionLet's be honest, hindi lahat ng mahal natin ay mahal rin tayo. Minsan nga wala na tayong space sa kanilang puso. Lagi nalang sa kanya. Sa kanya nagagandahan, sa kanya nagkakagusto. Sa kanya napupunta pagmamahal niya kesa sayo. Eh ikaw naman, ikaw ng...