Samantha

35 2 0
                                    

"Ang ganda talaga ni....ano ulit pangalan niya?"

"Samantha.", sabi ko habang nilulunok yung oreo.

"Yun, Samantha. She's so beautiful.."

Paulit ulit nang sinasabi ni Nikko na ang ganda ni Samantha. Totoo naman eh, kung Candy Magazine lang ang school namin, siya na palagi ang nasa cover. Last year naging kaibigan ko siya. Sabay kami mag aaral, kakain, at uuwi. Kasam ko rin noon si Klarisse. We were unstoppable. Pero nung lumipat sila sa Australia, di na kami naging close. 

"Kailan siya nakabalik ng Australia?", tanong ko kay Klarisse.

"Di ko rin alam eh."

"She's from Australia?"

"Yeah."

"Wow.."

"Kainin mo na yang burger mo, ako kakain nan eh!", sabi ko.

"Sayo na nga lang, di naman ako gutom." ay, ganern? Kinuha ko na lang yung burger niya.

"Hey babe!", lumingon ako sa likod at nakita ko si Marco papunta sa table namin at kay Klarisse.

"Babe! Kanina pa kita hinihintay.."

"Sorry, kinausap ako nung kaibigan ni Samantha-"

"Si Samantha?!", gulat ko naman kay Nikko.

"Uh yeah...", mukhang nagtaka si Marcelo.

"Nadaanan kasi ni Nikko si Samantha, ayan, na gayuma sa kagandahan ng prinsesa.", sabi ni Klarisse kay Marcelo.

"Pshh, di naman maganda si Samantha....ikaw lang.", patama ni Marcelo. Naging pula naman si Klarisse.

"Nice one, bro!", sabi ni Nikko kay Marco nung may dumaan na dalawang babae.

"Pauline, hinahanap ka ni Ma'm Jen sa library."

"Sige, thank you Leila.", umalis na ang dalawa.

"Guys, punta lang akong library. Mabilis lang 'to."

"Sige bye, Lin!", tinapon ko sa basura yung balat ng oreo at pumunta na ako sa library.

Nung binuksan ko yung pinto, ang una kong nakita ay si Samantha. May kasama siyang dalawang babae sa likod niya habng kinakausap si Ma'm Jen. To be honest, gumanda siya lalo. Humaba buhok niya, mas lalo siyang pumuti at sumexy, pwede na yata niya matalo si Pia Wurtzbach eh. Hindi pa rin mawawala ang kanyang ngiti. Nag eye to eye na rin kami. Lumapit siya sakin na parang nakakita ng cute na aso.

"Pauline! Long time no see!", sigla niyang sabi sakin na may payakap pa.

"Samantha..kelan ka bumalik dito?"

"Ah, kahapon lang. Still have jet lag though hehe."

"Hehe.."

"Sammy, let's go! Mauubusan tayo ng ice cream sandwich sige ka!", sabi nang kasama niya.

"Sige, Pauline, mauna na ako."

"Ok bye."

"See ya!", lumabas na sila ng library.

Di ko talaga aakalain na ganun na kabait si Samantha ngayon. Mabait naman siya dati, pero ngayon talaga...

Bumalik na ako sa canteen at nakita ko na kinakausap ni Samntha sina Nikko, Klarisse at Marco. Yung dalawang kasama ni Samantha ay nasa ibang table hawak hawak ang ice cream sandwiches nila atnakikipagusap sa mga lalake. Nagmumukha silang parang magkakilala ng matagal. Lumapit ako agad sa kanila.

"Huy, guys.", mukhang nagulat sina Klarisse.

"Uhmm, huy! Anong pinagawa sayo ni Ma'm?", parang kinakabahn na sabi sakin ni Klarisse.

Status: Just FriendsWhere stories live. Discover now