Apology accepted.

69 5 1
                                    

Madami na ng mga kaklase ko ang nakapasok ng room. Kami ni Nikko ay yung kanta ni Charlie Puth, We Don't Talk Anymore. Di ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko kung ipapatawad ko siya, kasi maliit lang na bagay yun eh, pinapalaki ko lang. Hay basta! Bahala na si Batman.

Di nagtagal nakapasok na si Ma'm Lory sa room. Siya yung Math teacher namin. Di naman siya sobrang strict, pero hindi siya nag a accept ng mga late projects.

"Good Morning class."

"Good Morning Ma'm Lory."

Nung umupo na kami, tahimik lang kami ni Nikko.  Nung pinatayo siya ni Ma'm para magpakilala sa kanya, di kami nag pansinan. Di kami naguusap. Di ko siya tinitingnan.

Pagkatapos ng Math, Filipino naman ang next, si Sir Mike. Si Sir Mike ang pinakagwaopo na teacher sa buong campus. Minsan nga pag kasama ni Sir si Ma'm Sanilsa, nakikilig kami. Alam kong single si Ma'm pero di ako sure kay Sir Mike, sana magkatuluyan sila haha.

*KRING KRING*

"Class, mag aral sa bahay ha? May quiz kayo bukas."

"Goodbye, Sir Mike."

Lahat ay nagsipuntahan sa canteen para kumain. Umalis na din si Nikko. Gusto ko sana siyang samahan sa lunch pero parang ayaw niya. Kami na lang ni Klarisse ang natira sa room.

"Kakain ka, Pauline?"

"Bibili na lang ako ng burger, tas magbabasa na lang ulit ako ng reviewer ko."

"Sige, mauna na ako. Kain lang ako ng lunch sa labas."

Inayos ko muna gamit ko tas kinuha yung SST at Religion book ko sa locker. Nung isasarado ko yung locker ko, biglang may nanggulat sa akin.

"Ay! Tae ng kalabaw, Nikko!"

"So ano nga?"

Anong ano nga? Anong pinagsasasabi niya? Ahh, yung answer ko ba? Wait, paano siya nakapunta dito? Akala ko nasa labas na siya?

"Will you forgive me please? Liit liit lang ng bagay tas ganyan ka sakin."

"Edi ako na yung pikon! Ako na yung palaging nao OA sa isang maliit na bagay!"

Nanlaki yung mata niya nung sumisigaw ako. Rinig yata ako sa labas.

"Haay sorry kung sinigawan kita. "

"Apology accepted."

"Than-"

"IF! You accept MY apology."

Ay. May ganern? Bili Pauline, maging friends na lang kayo....patawarin mo na siya.

"Haaay......
.
.
.
.
.
.
.
Whatever, apology accepted."

Nakita ko yung ngiti sa mukha niya matapos ko siyang patawarin. Napangiti na din tuloy ako. Dahil sa sobrang saya, hinawakan niya ang beywang ko at itinaas niya ako na parang baby. Inikot ikot pa niya ako!

"Thank you thank you thank you thank you!"

"Um, Ni-...Nikko."

Masusuka na yata ako. Ibinaba na niya ako tas pinaupo ako malapit sa locker ko.

"Sorry, na excite lang ako."

"Ok....lang."

Nakangiti pa rin siya. Ang cute niya ngumiti. Namumula yata pisngi ko, oh my god.

"Pero grabe ka makaexcite, noh? Di naman ako baby."

"Sorry nga, naexvite ako ng sobra kasi may friend na ako."

Status: Just FriendsWhere stories live. Discover now