"Suotin mo 'tong jacket, malamig sa airport sa ganitong oras.", sambit ni Klarisse nung binigay sakin yung jacket niya.
"Thank you."
In case you were wondering, nagpalit ako sa van. Pumunta ako sa pinakalikod at cinoveran naman ako ni Klarisse gamit ng blanket niya para di ako makita ng mga lalake. Alam talaga ni Mama yung paborito kong damit, comfortable tsaka soft yung tela. Pagkatapos kong magpalit, natulog na lang ako kasi matagal tagal daw yung byahe. Nagising na ako habang pinaparking yung van. Lumabas ako agad kasi I wanted fresh air. Pupunta na talaga ako ng Palawan. Pupunta talaga ako sa isang nalipad na eroplano.
"Let's go?", tanong ni Nikko habang hawak ang maleta niya at yung maleta ko.
"Oh..ako na sa maleta ko, magaan naman."
"Ako na.", maleta lang naman, kukuhanin pa niya. Akin naman yun eh. Pumunta na kami ng loob at...
.
.
.
Ang ganda pala sa loob ng isang airport! Well, sa NAIA Terminal 3. Malamig tapos madami ring tao. Habang naghihintay sa check-in counter, nagselfie selfie kaming lahat, thanks to Klarisse. Tiningnan ko yung buong airport. Grabe, makakapunta ako ng Palawan through a plane. First time ko 'to kaya dapat memorable, well hindi ko talaga 'to first time. Pinakauna kong beses pumunta sa loob ng airport ay nung 2 years old ako. Galing kami London noon at lumipat kami dito sa Pilipinas. Dahil baby lang ako nun, di ko alam yung pakiramdam sa loob ng isang airplane. First time ko talaga maramdaman sumakay sa isang eroplano. Na excite tuloy ako. Nung tapos na kami sa check-in counter, may tinanong sakin si Nikko.
"First time?"
"Hm? Yeah. Well, sa loob. Last time I went here was with Mom, saying bye to Kuya."
"Ahh, you hungry?"
"Ha? Ok lang. Sabi ni Kuya may pagkain naman sa plane."
"Yeah, but not rice when it's just a short flight. Gusto mo muna kumain ng kanin?", sa totoo lang gutom na gutom na ako kasi ininom ko lang ay yung Starbucks. Natulog ako sa byahe papuntang airport.
"I know you haven't ate.", dugtong niya.
"Wag na wag na, ok lang ako, promise."
"Pauline..", sabi sakin ni Nikko palapit sakin.
"I promised your mom to take care of you, remember? So I won't let you go to the plane with an empty stomach."
"Haay...yes po, Sir."
"Good.", ay ganern? Tapos may naramdaman ako sa kamay ko. Tiningnan ko at hinahawakan na pala ni Nikko ang kamay ko. Namuula na yata ako, my gulay.
"Guys, kain muna tayo, I'm freaking hungry!!", sambit ni Klarisse.
"Me too, babe. Mga bro, gutom na rin ba kayo?", tanong ni Marcelo kina Kuya Michael.
"Yeah, sure. San niyo gusto kumain? May oras pa naman tayo."
"McDo."
"KFC."
"Jollibee.", sabay sabay nilang sinabi, ang dami pala naming kakainin sa iba't ibang fast food chain.
"Pauline, san mo gusto?", tanong sakin ni Kuya.
"Kahit saan."
"Anla, sa McDo na lang, para maka move on na rin ako.", ani Kuya Vince.
"Why, what's your problem?", tanong naman ni Nikko kay Kuya Vince.
"I think you already know the answer to that question, Nikko.", ay pelikula pala 'to. Ano bang meron at ayaw ni Kuya Vince si Nikko? Mabait naman siya.
YOU ARE READING
Status: Just Friends
Teen FictionLet's be honest, hindi lahat ng mahal natin ay mahal rin tayo. Minsan nga wala na tayong space sa kanilang puso. Lagi nalang sa kanya. Sa kanya nagagandahan, sa kanya nagkakagusto. Sa kanya napupunta pagmamahal niya kesa sayo. Eh ikaw naman, ikaw ng...