Pauline's POV
"Hi Nikko"
"Hello po hihi"
"Hi po Kuya Nikko!"
Ano ba yan hindi ko na maturuan ng ayos si Nikko gawa ng ga babaeng daan ng daan sa table namin eh. Di naman sila nagbabasa dito eh, tinititigan lang nila si Nikko.
"Okay, sa number 4, hindi siya-", sabi ni Pauline pero may biglang dumaan ulit na babae.
"Hi po Nikko, welcome sa Mary Rosalia High!", sabi nung babae na dumaan sa table namin. Ako ay sobrang naiinis na eh grabe! Mga kalahting oras na kaming nandito sa library, wala pa kami sa kalahati ng seatwork. My gulaay.
"Thanks." sabi niya with his British accent. Sa totoo lang, ang cute ng accent niya kaya kilig na kilig nung babaeng nag welcome sa kanya. Pagkalingon niya sakin, ako'y inip na.
"What?" seryosong seryoso yung mukha ko non.
"Anyway, ang number 4 ay hindi Prophetic Books kasi ang Genesis ay nasa Pentateuch, okay?"
"Okay." mukha naman nakatuto siya kahit may mga nakikilig na babae sa likod niya.
"Di ka ba naiirita?"
"Saan?"
"Sa kanila." tinuro turo ko pa yung mga babae sa likod ni Nikko at yung mga nasa bintana. Parang nakakita sila ng artista eh.
"Well actually, sanay na ako pero di ako naiirita. Model kasi ako sa London, kaya madami ring mga babae dun nagpapapicture at nakikilig sakin." Wow ang famous niya ha.
"Hello po Kuya, pwede pong papicture??" sabi nung mga babaeng may hawak ng cellphone. Tinanggap naman ni Nikko, kaya pagkatapos nun, madami na ring nagpapicture kasama siya. Ako'y naiirita na eh! Di kami makatapos tapos sa seatwork eh. Tiningan ko yung buong library. Aba'y puro mga babae ang nandito! Lahat sila may cellphone, papel at marker, basta yung mga bagay na dadalhin mo sa meet and greet kay Taeyhung haha.
"Mga Iha, library po ito, hindi moa arena. Nagbabasa po tayo dito hindi nahiyaw. Labas ang hindi magbabasa o mag aaral. At bawal ang cellphone dito.!!" sabi ng librarrian namin. Finally napagsabihan na sila.
Lahat ng mga babae ay tumahimik at lumabas ng library. Yung iba nasa bintana na lang natambay at nakatitig kay Nikko. Kaya lumipat na lang kami ng table kung saan nakatalikod si Nikko sa mga babae para makaconcentrate na rin siya sa seatwork.
Finally natapos na din namin ang seatwork ng tahimik.
"Thanks for helping me." ang cute talaga ng British accent niya.
"Yeah sure." sinabi ko rin na may accent, napatawa naman siya.
Nung umalis na kami ng library, punong puno ng mga babaeng sumisigaw ng panaglan ni Nikko. Buti may papuntang teacher na magpapa print sa library.
"Ano ang naririnig ko dito?! Nasa harap kayo ng library tas tumatambay kayo dito?! Alis! Or else sasama kayo sakin sa detention room mamaya!", sabi ni Ma'm Sevilla. For once, naging masaya akong makita si Ma'm Sevilla.
Umalis agad yung mga babae atang natira na lang sa corridor ay kami ni Ma'm Sevilla.
"O kayo, malapit ng mag bell, nakatayo pa kayo dito. Bumalik na kayo ng classroom niyo!"
"Yes, Ma'm." sabay pa kaming nagsalita at bumaba papunta sa room namin.
"Ganun ba talaga kastrict si ma'm Sevilla?", tanong niya habang bumaba kami ng stairs.
"Yup, worse."
Di nagtagal nakapasok na kami ng room habang may mga babaeng nag alam nyo na. Nauna na lang ako pumasok ng room.
YOU ARE READING
Status: Just Friends
Teen FictionLet's be honest, hindi lahat ng mahal natin ay mahal rin tayo. Minsan nga wala na tayong space sa kanilang puso. Lagi nalang sa kanya. Sa kanya nagagandahan, sa kanya nagkakagusto. Sa kanya napupunta pagmamahal niya kesa sayo. Eh ikaw naman, ikaw ng...