"Yan ba talaga ang susuotin mo, anak? Bakit ayaw mo na lang mag dress?", paulit ulit na tanong sakin ni Ma.
"Ma, sinabi din yan ni Klarisse. Tsaka ayoko mag skirt! Baka may makita siya underneath."
"Osige, baka tapos na yung cookies sa baba.", umalis si Ma sa kwarto ko. Tiningnan ko sarili ko sa salamin.
Okay lang naman suot ko ah! Checkered blouse tapos jeans at suot ko yung Converse kong black. Naglagay lang ako ng konting powder at lip balm at bumaba nako.
"Lin! Perfect timing nandito na siya!", pumunta ako ng front door at nakita ko siya. Naka loose blouse siya at naka jeans din.
"Hi.", napangiti ako. "Hi..", ang cute talaga nya.
"Hello, Nikko! Gusto mo ba ng cookies bago umalis?", sumingit si Mama.
"Ma! Akin lang cookies ko!", dumagdag naman si Kuya. "Ikaw ha, alagaan mo kapatid ko.", lumapit siya ng konti kay Nikko.
"Pag di siya nakauwi ng 6, patay ka sakin.",
"Okay! Alis na kami, bye Ma! Bye Kuya!",
"Bye anak! Ingat kayo!", pumasok ako sa kotse nya at umalis na kami.
.
.
.
"Uy, sorry kung ganun Kuya ko. Ang overprotective lang talaga nya eh.", natawa siya.
"Okay lang. Nasanay nako sa lukong yun.", tumahimik bigla sa kotse.
"So..saan mo gusto pumunta?"
"Um.. kahit saan. Ikaw pumili, tutal ikaw naman nagda drive eh."
"Ah! Alam kona kung saan!"
"Saan?"
"Heh, you'll see.", daya naman.
Nag stop kami sa isang mall. Ano naman ang gagawin namin dito? Kumain kami sa KFC at nag takeout ng coffee.
"Ano ba talaga ang gaagwin natin ha?", tanong ko. Nag gagala na lang kami sa mall eh.
"May..hinahanap lang ako..ayun!", hinila nya ako bago tumakbo papunta sa isang arcade.
"Mag a arcade tayo?!", na excite ako kasi gustong gusto ko talaga maglaro sa isang arcade.
"Yeah! Tara?", inabot nya yung kamay ko. Hinawakan ko naman at pumunta kami sa loob ng arcade.
Ang dami naming nilaro. Hockey, basketball, at ang dami pa. Nagkantahan din kami sa karaoke. Feel ko tuloy na parang bata ako. Nagkanta kami ng mga songs na galing sa 2007s. Sunod na kanta ay Sexy Back ni Justin Timberlake.
YOU ARE READING
Status: Just Friends
Teen FictionLet's be honest, hindi lahat ng mahal natin ay mahal rin tayo. Minsan nga wala na tayong space sa kanilang puso. Lagi nalang sa kanya. Sa kanya nagagandahan, sa kanya nagkakagusto. Sa kanya napupunta pagmamahal niya kesa sayo. Eh ikaw naman, ikaw ng...