Pauline's POV
Ohmyghad...eto na...aalis na ako...bye Ma..bye Manang...AHHH!!
"Here.", may hawak si Nikko na na chewing gum.
"Anong gagawin ko dito?"
"Chew it while you're in the plane. Or else.."
"Or else what?", tumahimik na lang siya.
"Nikko, anong mangyayari sakin?! Mamatay ba ako? Uuwi na nga lang ako!", sabi ko habang hinihila si Nikko.
"Sasabog yung ears mo."
"HA?!"
"Uwi nako. Bye.", tatakbo sana ako kaso hinila ako ni Nikko na natatawa.
"Joke lang, grabe ka. Kung totoo man yun, edi dapat wala akong tenga."
"Tinakot mo ako eh, bwiset ka!", sinapak ko yung ulo niya. Serves you right.
"Ow! It was just a joke!"
"Eh kahit na bwiset ka!", hinila ko pa lalo yung buhok niya. Kala ko mamatay na ako eh lintek na yon! Sure akong madaming tao nakatingin samin.
"Ah! Aray ko, aray ko!", sigaw niya.
"Huy! Linya!", sigaw ng boses ng parang kay Kuya. Nag mannequin challenge kami ni Nikko. Nakahawak pa rin ako sa buhok niya.
"Aww, ang sweet nila oh!!", sabi ni Klarisse na parating samin kasama si Marco.
"Ano ginagawa niyo? Para kayong aso't pusa eh."
"Eh Kuya si Nikko tinatakot ako! Kakalbuhin kita eh!"
"Woah, Pauline, chill. Kung ano man yun, I'm sure it's a joke.", sanbi naman ni Marco.
"Kelan ka naman naging hyper ngayon? I've never seen you like this.", sambit ni Kuya Vince.
"Guys, ok lang. I'm fine.", sabi ni Nikko habang inaayos niya yung buhok niya.
"Oh! Nandito na pala tayo sa gate natin.", tumingin kami sa sign na nasa harap namin. "Gate 111"
"10:06 pa lang oh. Let's go.", sabi ni Kuya Michael.
Hinintay ko yung oras na maging 11. Palagi na lang ako nakatulala sa mga foreigners kasi..they're foreign. Dapat magsorry ako kay Nikko. I mean, based on experience, ayaw ng mga lalake na nasisira ang mga buhok nila. Geh na nga, mabait naman ako eh.
"Huy.", sabi ko sa kanya. Di niya yata ako narinig kasi naka headphones siya.
Tinanggal ko yung headphones niya, "Huy!"
"O ano?!", ay ganern?
"Gusto ko lang mag-"
"Ano?"
"Mag-"
"Ano?"
"Sorry! Pinuputuol mo ko eh!", napatawa siya.
"Heh, sorry na din.", niyakap na lang niya ako na galing sa likod. Omo..
*TUG TUG* *TUG TUG*
Ang sarap sa feeling. Bakit ganun? Omo, Nikko..
"Eh-heh."
"Guys! Nagbo board na, let's go!", ang epal naman ni Kuya Vince.
"Ako na sa bag mo.", ani niya.
"Psh wag na, let's go!", hinila ko siya papunta sa pila. Hawak hawak ko pa rin yung kamay niya hanggang ngayon.
"Here's your ticket, Ma'm."
"Thank you."
Oh my god, maglalakad na kami papunta sa eroplano. Omo..
YOU ARE READING
Status: Just Friends
Teen FictionLet's be honest, hindi lahat ng mahal natin ay mahal rin tayo. Minsan nga wala na tayong space sa kanilang puso. Lagi nalang sa kanya. Sa kanya nagagandahan, sa kanya nagkakagusto. Sa kanya napupunta pagmamahal niya kesa sayo. Eh ikaw naman, ikaw ng...