Nagising na lang ako sa sikat ng araw sa bintana ng tambay room. Tapos na yata ang bagyo. Suot ko pa rin ang onesie ko pero para akong witch gawa ng buhok ko. Tulog pa si Kuya at ang sweet matulog ni Marco at Klarisse kasi nakayakap pa silang dalawa eh. Naiingit ako! Haha joke!
Hinanap ko kung nasan si Nikko kaya bumaba ako at may naririnig akong parang may piniprito. Dumiretso ako sa kusina at ang nakita ko na lang ay sobrang nakakamatay...
.
.
Holy frick. Six pack abs!!
Nakita kong nagluluto si Nikko na naka apron lang at boxers. Oh mygod! Gising na gising na tuloy ako. Nakatago lang ako sa pader habang tinitingnan ko siyang nagluluto. Nakasandal na lang ako sa pader kasi ayaw kong makita ni Nikko. Sobrang hot niya. Nung tumingin ulit ako, nagulat ako kasi nakatingin siya sakin na sobrang lapit.
"Morning."
I was left speechless. Ang cute niya pag nakacloseup, habang ako sobrang laki ng mata ko sa gulat. Nakakamatay yung smile niya sakin. Pano niya nalaman?
"I heard you going down at kita ko yung sleeve ng onesie mo.", ba't kasi ang laki ng onesie ko?
"So, you're cooking breakfast?", tanong ko para ma change yung topic.
"Pancake with butter and some Pop Tarts."
"Your brother said you like Pop Tarts and I asked permission to use anything in your kitchen.", he continued.
"Oh, okay.", tinatago ko na ang kilig ko kasi niluluto niya ang favorite kong pang breakfast. What a perfect morning.
Konting minuto nang nakalipas at bumaba na si Kuya na hawak hawak ang cellphone na nakaharap sa kanya.
"Guys, say hi to Lorraine!", sigaw niya nung hinaharap niya ang cellphone niya samin ni Nikko sa kusina.
"Hello!"
"Hi, Ate Lorraine!", sino si Lorraine??
"Hello Pauline! Musta kayo dyan?", what? I'm freaking confused.
Nagkaroon bigla ng awkward silence at biglang sumimangot si Ate Lorraine.
"Myko, sinabi mo na ba sa kanila?"
"Ang ano?", tanong ni Nikko palapit sakin.
"Uhh..si Lorraine yung babaeng nakilala ko sa Eiffel Tower."
"Awww <3 hi soon-to-be sister-in-law!!"
"Uhmm..hi! Hihi", reply niya. Sumeryoso ng konti yung mukha ni Kuya.
"Wait, Lorraine, tinawagan mo ba si Michael kahapon?"
"Yeah, pero mga tanghali ako tumawag kaya gabi siyang nakipag usap sakin."
"HA! I knew it! I freaking knew it!!", muntik nang sapakan ni Kuya si Nikko.
"Umagang umaga ganyan ka sakin Nikko ha!!", sigaw ni Kuya nung binigay niya sakin yung phone niya nung hinahabol si Nikko sa buong kusina. Nakakatuwa sila kasi parang bata lang sila.
"Wow, ganyan ba talaga kuya mo, Pauline?", tanong ni Ate Lorraine.
"Nung bata pa po siya, palagi niyang hinahabol yung mga nang aagaw ng pagkain niya."
"Eh? Ganyan pala siya."
Pinanood namin sina Kuya maghabol habolan. tawa ng tawa si Ate.
"Pauline, tawagin mo nga yang kuya mo."
"Kuya! Si Ate Lorraine, tawag ka!", lumapit naman si Kuya.
"Yeah?"
"Tulog nako, antok na me, au revoir.", sabi ni Ate Lorraine.
YOU ARE READING
Status: Just Friends
Teen FictionLet's be honest, hindi lahat ng mahal natin ay mahal rin tayo. Minsan nga wala na tayong space sa kanilang puso. Lagi nalang sa kanya. Sa kanya nagagandahan, sa kanya nagkakagusto. Sa kanya napupunta pagmamahal niya kesa sayo. Eh ikaw naman, ikaw ng...